25/08/2026
Ngayong araw, Agosto 25, 2026, ating tinanggap ang mga kinatawan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa opisyal na presentasyon ng Bolo-Balaoan 500kV Transmission Line Project sa Pamahalaang Lokal ng San Juan.
Kasama natin sa pagtanggap sina Sangguniang Bayan Member Arnel Peralta at mga pinuno ng iba't ibang departamento ng ating pamahalaang lokal upang talakayin ang mahalagang proyektong ito na inaasahang makapagpapalakas sa katatagan, seguridad, at maaasahang suplay ng kuryente sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon.
Sa ilalim ng proyekto, kabuuang 21 transmission towers ang nakatakdang itayo sa pitong barangay ng San Juan:
π Dinanum β 7 towers
π Legleg β 5 towers
π Cacapian β 3 towers
π Dangdangala β 2 towers
π Calincamasan β 2 towers
π Oaquing β 1 tower
π Santa Rosa β 1 tower
Ang Bolo-Balaoan Transmission Line ay kinilala bilang Energy Project of National Significance (CEPNS No. 2024-11-0078) at magsisilbing mahalagang transmission highway upang higit pang mapatatag ang sistema ng kuryente sa ating rehiyon.
Kaugnay nito, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng NGCP sa ating LGU para sa maayos na pagproseso ng mga kinakailangang permit at pagsasakatuparan ng proyekto.
Bilang inyong Punong Bayan, sinusuportahan natin ang mga proyektong naglalayong maghatid ng mas maayos, sapat, at maaasahang serbisyo para sa ating mamamayan. Sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, pambansang ahensya, at pribadong sektor, patuloy nating isusulong ang kaunlaran ng ating bayan.