29/05/2026
23 ng Abril 2025 sa Makabagong San Juan Theater, National Government Center, San Juan City | Isinagawa ng DSWD-NCR katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan sa pangunguna ng CSWDD ang pangalawanb araw ng Climate Action Training para sa Cash for Training and Work (CFTW) sa ilalim ng Project LAWA at BINHI (Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ng DSWD.
Sa taong ito, 500 San Juaneño ang makikinabang sa nasabing proyekto – 120 mula sa iba't ibang barangay sa District 1 at 380 mula sa mga barangay sa District 2. Layunin ng programang ito na palakasin ang kamalayan at aktibong partisipasyon ng mga mamamayan hinggil sa climate change at sa mga hakbang upang mabawasan ang masamang epekto nito sa komunidad at sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa DSWD para sa patuloy na paglalaan ng pondo para sa proyektong ito sa Lungsod ng San Juan.
Maraming salamat din sa ating minamahal na Mayor Francis Zamora para sa walang sawang suporta at dedikasyon sa pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng kaayusan at kaunlaran ng bawat San Juaneño.