28/04/2025
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐
Nasa 210 buntis mula sa iba't ibang barangay ang dumalo at nakiisa sa Buntis Congress 2025 na programa ng Pamahalaang Bayan ng San Juan sa pamumuno ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD, sa pamamagitan ng Municipal Health Office.
Layunin ng pagtitipon na mabigyan ng kamalayan ang mga ina upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan mula pagbubuntis hanggang sa kanilang panganganak.
Ang naturang aktibidad ay kinapalooban ng mga lecture tungkol sa Mental Health Aspect of Pregnancy, Importance of Maternal Nutrition in the First 1,000 Days of Life, Common Complication of Pregnancy, Child's Immunization Program, at Family Planning. Nagbigay din ng impormasyon sa mga buntis tungkol sa San Juan Birthing Clinic at Philhealth.
Ipinaliwanag sa mga dumalong buntis ang kahalagahan ng pre-natal check-up, wastong nutrisyon at pangangalaga ng sanggol sa sinapupunan, benepisyong makukuha ng sanggol sa breastfeeding, sintomas ng mga panganib sa panahon ng pagbubuntis at maaaring komplikasyon sa panahon ng pagdadalantao, pagkakaloob ng immunization sa nanay at sanggol, at tamang pagpaplano ng pamilya.
Binigyang-diin din dito na ang nagdadalantao ay kinakailangang sa ospital, health centers, o birthing clinic lamang dapat manganak kung saan mayroong birthing facility at maaasikaso nang maayos ng mga doktor, nurse, at midwife upang maiwasan ang panganib habang nanganganak.
Samantala, nagbigay-saya rin sa programa ang Buntis Congress Pageant 2025, raffle, at zumba.
Namigay naman ang LGU San Juan sa mga dumalong nanay ng pillow set, baby tub, at maternal milk. Namahagi rin ang St. Luke's Medical Center ng baby essential kits, at vitamins at giveaways naman ang bigay ng Medcare Asia, Inc.
Katuwang ang Batangas Medical Center, nagsagawa rin ng libreng prenatal check-ups at laboratory tests.
Tema ngayong taon ang "Healthy Moms, Healthy Babies: Empowering Every Step of Motherhood."
Patunay ang pagdaraos ng Buntis Congress na nananatiling kaagapay ng mga magulang sa kanilang pagbubuntis ang Pamahalaang Bayan ng San Juan, Batangas sa pangunguna ni MAYOR ILDEBRANDO D. SALUD sa pamamagitan ng Municipal Health Office.