13/08/2026
"Oh, May GAD! Pagsulong ng SDG 5: Gender Equality sa ating mga Komunidad"
Matagumpay na dumalo ang Gender and Development - San Juan City sa 3-araw na seminar kasama ang International Training Centre for Authorities and Leaders in the Philippines (UP - CIFAL Philippines), Commission on Human Rights at Philippine Commission on Women noong July 28-30, 2026 sa Commission on Human Rights Complex, Diliman, Quezon City.
Ang seminar na ito ay naglalayong palalimin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa SDG 5: Gender Equality at kung paano ito isasabuhay sa antas ng komunidad. Tinalakay dito ang mga polisiya, best practices, at mga hakbang upang matiyak ang pantay na karapatan, oportunidad, at proteksyon para sa lahat ng kasarian.
Bilang bahagi ng aming mandato, patuloy na magiging aktibo ang GAD San Juan City sa pagsusulong ng mga programang tumitiyak ng Gender Responsive Governance at Inclusive Community.
Sama-sama nating itaguyod ang isang lipunang walang naiiwan. 💜