02/11/2025
πππππ ππ ππππππππ 2025
Sa huling araw ng pagdiriwang ng Buwan ng Katutubo ay pinasinayaan ang isang (1) unit classroom at isang (1) CDC Building, kasabay ng BAYANihan Serbisyo Caravan na naghatid ng ibaβt ibang serbisyo sa mga mamamayan ng Barangay Monte Claro, Naibuan, Bayotbot at Murtha.
Lubos naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa matagumpay na Pagdiriwang ng Buwan ng Katutubo 2025! Isang malaking saludo sa ating mga kababayan mula sa apat na barangay β Monte Claro, Naibuan, Murtha, at Bayotbot β sa inyong aktibong partisipasyon at pakikiisa. Gayundin sa ibaβt ibang ahensya ng gobyerno at institusyon na naging katuwang sa tagumpay ng programang ito:
DSWD PAMANA
DSWD Pantawid Pamilya Pilipino Program
NCIP-Occidental Mindoro
68th Infantry "Kaagapay" Battalion, Philippine Army
PNP San Jose MPS
Danlog Elementary School
Maraming Salamat din sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lokal: Municipal Cooperatives Development Office sa pangunguna ni EnP. Don Vincent B. Busto kasama ng kanyang mga staff, kay Bb. Iny Lourdes S. Peroy ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Bb. Jenilyn Figueroa-Lomocso, MD ng Municipal Health Office, Engr. Ronald V. Reyes ng Municipal Civil Registrar at Rommel Calingasan ng Municipal Agricultureβs Office.
At higit sa lahat, lubos ang ating pasasalamat sa ating Punong Bayan Rey C. Ladaga sa kanyang walang sawang suporta at pagmamahal upang maisakatuparan ang makabuluhang pagdiriwang na ito.
Ang inyong dedikasyon at suporta ay tunay na inspirasyon sa patuloy na pagsusulong ng pagkakaisa, paggalang, at pag-unlad para sa ating mga katutubong kapatid.