02/06/2026
๐ ๐๐๐๐ข๐ ๐ฃ๐๐๐ฆ๐๐ ๐๐ก๐ง | ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป (๐๐) ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Noong Marso 7, 2026, matagumpay na isinagawa ang ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป (๐๐) ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ sa Brgy. Iling Proper, San Jose, Occidental Mindoro sa pangunguna ni ๐ฆ๐ ๐๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐๐ผ๐ป ๐๐ฒ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ฐ ๐. ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ป๐ฒ๐ katuwang ang kaniyang mga ๐ฆ๐ ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ.
Layunin ng nasabing pagpupulong na maibahagi sa mga kabataan ang mga programa, proyekto, at mga naisakatuparang gawain ng Sangguniang Kabataan, gayundin ang mga nakatakdang aktibidad para sa taong 2026. Naging pagkakataon din ito upang marinig ang mga mungkahi, pananaw, at pangangailangan ng mga kabataan para sa mas epektibong pagpaplano ng mga programa ng SK.
Bilang bahagi ng programa, nagsagawa rin ng ๐ฟ๐ฎ๐ณ๐ณ๐น๐ฒ ๐ฑ๐ฟ๐ฎ๐ kung saan namahagi ng bigas at iba't ibang gamit sa bahay bilang pasasalamat at dagdag na suporta sa mga kabataang nakiisa sa nasabing pagtitipon. Ang gawaing ito ay nagbigay ng kasiyahan at mas lalong nagpalakas ng partisipasyon ng mga kabataan sa mga programa ng Sangguniang Kabataan.
Sa pamamagitan ng KK Assembly, higit na napalakas ang pakikilahok ng mga kabataan sa mga usaping pangkomunidad at naitaguyod ang pagkakaisa, pagtutulungan, at aktibong pakikibahagi sa pagpapaunlad ng Brgy. Iling Proper.
Maraming salamat sa lahat ng kabataang dumalo at nakiisa. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagtataguyod ng isang mas aktibo, responsable, at maunlad na kabataang Iling Proper.
#๐๐๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ #๐ฆ๐๐๐น๐ถ๐ป๐ด๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ #๐๐ฐ๐ฐ๐ผ๐บ๐ฝ๐น๐ถ๐๐ต๐บ๐ฒ๐ป๐๐ฅ๐ฒ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐ #๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป๐ก๐ด๐๐น๐ถ๐ป๐ด๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ