16/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐๐๐๐) ๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ผ๐ฝ๐๐ผ๐๐ผ๐, ๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ก ๐๐๐ฃ๐๐ค๐ง๐ค โ Isinagawa ng Charlie (COUGARS) Company, 68th Infantry (KAAGAPAY) Battalion, Philippine Army, ang Turn-over Ceremony sa pangunguna ni Lieutenant Colonel Adrian Mark Gullunan, Commanding Officer, sa himpilan ng kumpanya sa Zone 4, Barangay Burgos, Sablayan, Occidental Mindoro, ngayong ika-15 ng Setyembre 2026.
Sa kanyang mensahe, kinilala ni Lieutenant Colonel Gullunan ang makabuluhang ambag ni First Lieutenant Alvin Torayno sa pagpapaigting ng kahandaan, disiplina, at kakayahan ng Charlie Company, at pinasalamatan siya sa kanyang dedikasyon at sakripisyo, habang binigyang-diin ang kahalagahan ng kanyang mga karanasan bilang Company Commander sa kanyang bagong tungkulin bilang CMO Officer, partikular sa pagpapatatag ng ugnayan sa mga komunidad at stakeholders. Samantala, hinamon naman niya si First Lieutenant Kimjohn Homer Jumawan na gampanan ang kanyang unang tungkulin bilang Company Commander nang may kababaang-loob, integridad, at pananagutan, alinsunod sa mga pagpapahalagang Honor, Duty, and Patriotism at sa prinsipyong โBe, Know, and Do,โ habang pinangangalagaan ang kapakanan ng kanyang mga tauhan, pinauunlad ang kanilang kakayahan, at ipinagpapatuloy ang mga positibong nasimulan ng kanyang sinundang commander.
Binigyang-diin din Lieutenant Colonel Gullunan ang mahalagang papel ng lokal na pamahalaan, mga partner agencies, barangay officials, community leaders, at iba pang stakeholders bilang mahahalagang katuwang sa pagsusulong ng kapayapaan, seguridad, at kaunlaran sa lugar. Hinikayat ang mga stakeholders na ipagpatuloy ang kanilang tiwala, pakikipagtulungan, at suporta sa bagong pamunuan ng Charlie Company, habang tiniyak ng 68IB ang patuloy na pakikipag-ugnayan at pagtutulungan sa mga lokal na institusyon at pamayanan. Sa ilalim ng bagong pamumuno, inaasahang higit pang mapagtitibay ng Charlie Company ang organisasyonal na kakayahan, ugnayan sa komunidad, at kahandaan sa pagtupad sa mga tungkuling ipinagkatiwala nito para sa kapayapaan, seguridad, at kapakanan ng mamamayan.