07/09/2026
โ๏ธ LIWANAG PARA SA SITIO PAKAK! ๐ก
Isang makabuluhang proyekto para sa mas ligtas at mas maliwanag na komunidad! ๐โจ
Ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Abar 2nd ay nagsagawa ng Solar Project sa Sitio Pakak, bilang bahagi ng aming patuloy na pagsisikap na mapabuti ang seguridad, kaginhawaan, at kalidad ng pamumuhay ng ating mga kabarangay.
Sa pamamagitan ng solar-powered lights, layunin nating magkaroon ng mas maliwanag na court, mas ligtas na paligid, at mas maayos na komunidad lalo na sa gabi.
Hindi lamang ito ilaw; ito ay liwanag ng serbisyo, malasakit, at pag-asa para sa bawat kabataan at residente ng Sitio Pakak. โค๏ธ