SJDH Occidental Mindoro

SJDH Occidental Mindoro Welcome to the official page of San Jose District Hospital - Occidental Mindoro

07/07/2026
07/07/2026
06/07/2026

𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐎𝐍𝐎𝐑𝐒 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇

Araw-araw, may mga pasyenteng nangangailangan ng dugo tulad ng mga biktima ng aksidente, mga sumasailalim sa operasyon, mga ina na nakakaranas ng komplikasyon sa panganganak, at mga taong may malulubhang karamdaman. Para sa kanila, ang iyong dugo ay maaaring maging pag-asa at pagkakataong mabuhay.

𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠-𝐝𝐨𝐧𝐚𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐠𝐨?

❤️ Nakapagliligtas ng hanggang tatlong buhay sa isang donasyon.
❤️ Walang gamot o makina ang kayang gumawa ng dugo sapagkat ito ay nagmumula lamang sa mga boluntaryong donor.
❤️ Ang regular na boluntaryong pagdo-donate ng dugo ay nakatutulong upang matiyak na may sapat at ligtas na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan.

𝐒𝐢𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐝𝐨𝐧𝐨𝐫?

✔️ Edad 18–60 taong gulang (ang 16–17 taong gulang ay maaaring mag-donate kung may pahintulot ng magulang o guardian).
✔️ Timbang na hindi bababa sa 50 kilo.
✔️ Malusog ang pangangatawan at walang lagnat o aktibong impeksiyon.
✔️ Nakapasa sa health screening ng blood donation team.
Ang pagdo-donate ng dugo ay ligtas, mabilis, at makataong paraan ng pagtulong sa kapwa.

Ngayong National Blood Donors Month, ating kilalanin at pasalamatan ang lahat ng mga boluntaryong blood donors na patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa pamamagitan ng kanilang kabayanihan. Hinihikayat din natin ang mas marami pang mamamayan na maging bahagi ng hanay ng mga lifesavers.

🩸 Magbigay ng dugo. Magbahagi ng pag-asa. Maging bayani sa simpleng paraan.

Isang malusog na paalala mula sa Department of Health at Provincial Health Office of Occidental Mindoro.

𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎!
𝐆𝐀𝐍𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐀, 𝐌𝐀𝐒 𝐆𝐀𝐆𝐀𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐏𝐀!

Address

National Highway, Brgy. San Isidro
San Jose
5100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SJDH Occidental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share