DepEd San Jose City - DRRM

DepEd San Jose City - DRRM DepEd San Jose City focal and coordination unit for Disaster Risk Reduction and Management

07/09/2026
IMPACT-BASED FORECAST NO. 33Weather System: Heavy Rains / Flood due to Southwest MonsoonIssued at: 3:00 PM on September ...
07/09/2026

IMPACT-BASED FORECAST NO. 33
Weather System: Heavy Rains / Flood due to Southwest Monsoon
Issued at: 3:00 PM on September 07, 2026.

MINOR NA EPEKTO NG PAG-ULAN ANG INAASAHAN SA LUNGSOD NG SAN JOSE.

Ayon sa pinakabagong abiso ng DOST-PAGASA (NCR-PRSD) sa kanilang Impact-Based Forecast No. 33, nasa "Minor" ang impact level sa Lungsod ng San Jose para bukas, araw ng Martes (Setyembre 08), dahil sa epekto ng Southwest Monsoon.

ANO ANG IBIG SABIHIN NITO PARA SA SAN JOSE CITY?

- Maaaring magkaroon ng kaunti at panandaliang abala sa pagpasok sa paaralan at pang-araw-araw na gawain.

- Maaaring mas matagal ang byahe papunta at pauwi ng paaralan, at posibleng medyo humaba ang paghihintay ng masasakyan ng mga mag-aaral at g**o.

- May maliit na posibilidad ng panandaliang pagkawala ng kuryente, o paghina ng suplay ng tubig sa ilang paaralan at kabahayan.

- Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat sa paglalakad sa mga basa at madulas na kalsada at pasilyo upang makaiwas sa simpleng pagkadulas o aksidente.

- Mananatiling ligtas ang karamihan sa mga matitibay na silid-aralan, ngunit maaaring magkaroon ng pag-ipon ng tubig sa ilang bahagi ng school grounds, open courts, at school gardens.

PAALALA SA MGA PAARALAN, MAG-AARAL, AT MGA MAGULANG:

- Siguruhing laging may dalang payong at kapote sa bag ng mga mag-aaral at kawani. Mainam din ang paggamit o pagdadala ng bota upang hindi mabasa ang mga paa at makaiwas sa sakit tulad ng leptospirosis kung sakaling may mga baha sa kalsada.

- Ibalot sa plastic ang mga libro, modules, notebooks, at mahahalagang school documents sa loob ng bag upang hindi ito mabasa sakaling biglaang bumuhos ang ulan.

- Magbaon ng pamalit na damit at medyas upang may magamit at hindi lamigin sakaling mabasa habang nagbibyahe papunta sa paaralan.

- Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, SDO San Jose City DRRM, at mula sa ating Lokal na Pamahalaan, lalo na para sa mga anunsyo ng posibleng suspensyon ng klase.

- Para sa mga kawani ng paaralan, ugaliing linisin ang mga kanal at estero sa loob at paligid ng inyong paaralan upang mabilis na humupa ang tubig sakaling umulan.

PARA SA REAL-TIME, SCHOOL-SPECIFIC RISK PROFILES AND DATA DRIVEN DRRM MANAGEMENT PUMUNTA SA ligtas.cair.ph

SDO San Jose City Nagsagawa ng Benchmark Safety Drill para sa Active Threat ScenariosPinangunahan ng Schools Division Of...
03/09/2026

SDO San Jose City Nagsagawa ng Benchmark Safety Drill para sa Active Threat Scenarios

Pinangunahan ng Schools Division Office (SDO) ng San Jose City ang isang division-level benchmark safety drill ngayong Huwebes, Setyembre 3, sa San Jose City National High School (SJCNHS) - Senior High School upang patatagin ang kahandaan ng mga paaralan laban sa mga active threat scenario. Bahagi ito ng pakikiisa ng dibisyon sa National Simultaneous School Safety Drill ng Department of Education (DepEd).

Binigyang-diin ni OIC-Schools Division Superintendent Dr. Josie C. Palioc, CESO VI na ang kaligtasan ng mga mag-aaral ang palaging pangunahing prayoridad ng mga paaralan. Upang maiwasan ang trauma at sundin ang "Do No Harm" policy ng DepEd, hindi direktang pinalahok ang mga mag-aaral at g**o sa drill. Sa halip, mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang gumanap bilang attacker, g**o, at mag-aaral. Ayon kay Division DRRM Coordinator Francis De Guzman, layunin ng gawaing ito na maipakita sa mga school head at administrator ang tamang response protocol upang ligtas nilang maipatupad ang mga School Drills at Contingency Plan sa kani-kanilang komunidad.

Matapos ang simulation, agad na nagsagawa ng evaluation at open forum sa matibay na pakikipag-ugnayan sa DILG, BFP, CDRRMO, CSWDO, at PNP upang suriin ang epektibong pagpapatupad ng lockdown, concealment, evacuation, at emergency communication. Pinangunahan ang masusing pagsusuri nina LGOO Ron S. Ubungen, Acting City DRRMO Randy S. Macadangdang, San Jose City Police Station Chief PLTCOL Gerald G. Fernandez, PLTCOL Santi Frey Lorenzo, at CSWD Officer Clenson B. Tibangay upang patibayin ang mga hakbangin para sa mga susunod na drill at sa totoong sitwasyon ng emergency.

IMPACT-BASED FORECAST NO. 26Weather System: Heavy Rains / Flood due to Southwest MonsoonIssued at: 3:00 PM, 31 August 20...
31/08/2026

IMPACT-BASED FORECAST NO. 26
Weather System: Heavy Rains / Flood due to Southwest Monsoon
Issued at: 3:00 PM, 31 August 2026.

MINOR NA EPEKTO NG PAG-ULAN ANG INAASAHAN SA LUNGSOD NG SAN JOSE.

Ayon sa pinakabagong abiso ng DOST-PAGASA (NCR-PRSD) sa kanilang Impact-Based Forecast No. 26, nasa "Minor" ang impact level sa Lungsod ng San Jose para bukas, araw ng Martes (Setyembre 01), dahil sa epekto ng Southwest Monsoon.

ANO ANG IBIG SABIHIN NITO PARA SA SAN JOSE CITY?

- Maaaring magkaroon ng kaunti at panandaliang abala sa pagpasok sa paaralan at pang-araw-araw na gawain.

- Maaaring mas matagal ang byahe papunta at pauwi ng paaralan, at posibleng medyo humaba ang paghihintay ng masasakyan ng mga mag-aaral at g**o.

- May maliit na posibilidad ng panandaliang pagkawala ng kuryente o paghina ng suplay ng tubig sa ilang paaralan at kabahayan.

- Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat sa paglalakad sa mga basa at madulas na kalsada at pasilyo upang makaiwas sa simpleng pagkadulas o aksidente.

- Mananatiling ligtas ang karamihan sa mga matitibay na silid-aralan, ngunit maaaring magkaroon ng pag-ipon ng tubig sa ilang bahagi ng school grounds, open courts, at school gardens.

PAALALA SA MGA PAARALAN, MAG-AARAL, AT MGA MAGULANG:

- Siguruhing laging may dalang payong at kapote sa bag ng mga mag-aaral at kawani. Mainam din ang paggamit o pagdadala ng bota upang hindi mabasa ang mga paa at makaiwas sa sakit tulad ng leptospirosis kung sakaling may mga baha sa kalsada.

- Ibalot sa plastic ang mga libro, modules, notebooks, at mahahalagang school documents sa loob ng bag upang hindi ito mabasa sakaling biglaang bumuhos ang ulan.

- Magbaon ng pamalit na damit at medyas upang may magamit at hindi lamigin sakaling mabasa habang nagbibyahe papunta sa paaralan.

- Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, SDO San Jose City DRRM, at mula sa ating Lokal na Pamahalaan, lalo na para sa mga anunsyo ng posibleng suspensyon ng klase.

- Para sa mga kawani ng paaralan, ugaliing linisin ang mga kanal at estero sa loob at paligid ng inyong paaralan upang mabilis na humupa ang tubig sakaling umulan.

PARA SA REAL-TIME, SCHOOL-SPECIFIC RISK PROFILES AND DATA DRIVEN DRRM MANAGEMENT PUMUNTA SA ligtas.cair.ph

31/08/2026

Maligayang Araw ng mga Bayani! 🇵🇭

Ngayong araw, nagbibigay-pugay ang Kagawaran ng Edukasyon sa lahat ng bayaning Pilipino mula sa mga nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan hanggang sa mga patuloy na naglilingkod nang buong puso para sa bansa.

Kasabay ng pagdiriwang, kinikilala rin natin ang magigiting na bayani ng iba’t ibang sektor, kabilang ang ating mga g**o at kawani na katuwang natin sa pagsig**o ng maayos na kalidad ng edukasyon para sa mga Pilipinong mag-aaral.

12-HOUR IMPACT-BASED FORECAST FOR NCR-PRSDIssued at: 3:00 AM, 31 August 2026Valid from: 5:00 AM until 5:00 PM todaySIGNI...
30/08/2026

12-HOUR IMPACT-BASED FORECAST FOR NCR-PRSD
Issued at: 3:00 AM, 31 August 2026
Valid from: 5:00 AM until 5:00 PM today

SIGNIFICANT NA EPEKTO NG PAG-ULAN ANG INAASAHAN SA LUNGSOD NG SAN JOSE.

Ayon sa pinakabagong abiso ng DOST-PAGASA (NCR-PRSD) sa kanilang 12-Hour Impact-Based Forecast, nasa "Significant" ang impact level sa Lungsod ng San Jose. Ang forecast na ito ay may "High" likelihood mula 5:00 AM hanggang 11:00 AM, at "Medium" probability mula 11:00 AM hanggang 5:00 PM ngayong araw, Agosto 31.

ANO ANG IBIG SABIHIN NITO PARA SA SAN JOSE CITY?

Para sa Significant na epekto:
- Inaasahan ang pagkaantala sa karamihan ng pang-araw-araw na pamumuhay, trabaho, at negosyo ng mga apektadong residente.
- Maraming bahay at gusali ang maaaring magtamo ng katamtaman hanggang sa matinding pinsala.
- Maaaring maapektuhan ang ilang health facilities, at may banta ng seryosong pinsala (injuries) at panganib sa buhay.
- Maaaring makaranas ng pagkawala ng kuryente at suplay ng tubig ang maraming kabahayan.
- Inaasahan ang maraming pagkaantala sa transportasyon, mas mahabang oras ng byahe, at maraming pasahero ang posibleng ma-stranded.
- Maaaring masira o malubog sa baha ang mga pananim sa karamihan ng sakahan lalo na ang nasa critical growth stage.

PAALALA SA MGA PAARALAN
- Dahil sa banta ng significant na epekto, mahigpit na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, SDO San Jose City DRRM, at mula sa ating Lokal na Pamahalaan.
- Tiyaking malinis ang mga kanal at estero sa loob at paligid ng inyong paaralan at komunidad upang maiwasan ang malalang pag-baha.
- I-activate at panatilihing handa ang inyong mga school safety protocols at maging alerto sa posibleng mabilisang paglikas kung kinakailangan.

SOURCE: 12-Hour Impact-Based Forecast for NCR-PRSD Issued: 3:00 AM, 31 August 2026

12-HOUR IMPACT-BASED FORECAST FOR NCR-PRSDIssued at: 3:00 AM, 30 August 2026Valid from: 5:00 AM until 5:00 PM todaySIGNI...
29/08/2026

12-HOUR IMPACT-BASED FORECAST FOR NCR-PRSD
Issued at: 3:00 AM, 30 August 2026
Valid from: 5:00 AM until 5:00 PM today

SIGNIFICANT NA EPEKTO NG PAG-ULAN ANG INAASAHAN SA LUNGSOD NG SAN JOSE.

Ayon sa pinakabagong abiso ng DOST-PAGASA (NCR-PRSD) sa kanilang 12-Hour Impact-Based Forecast, nasa "Significant" ang impact level sa Lungsod ng San Jose. Ang forecast na ito ay may "High" likelihood mula 5:00 AM hanggang 11:00 AM, at "Medium" probability mula 11:00 AM hanggang 5:00 PM ngayong araw, Agosto 30.

ANO ANG IBIG SABIHIN NITO PARA SA SAN JOSE CITY?

Para sa Significant na epekto:
- Inaasahan ang pagkaantala sa karamihan ng pang-araw-araw na pamumuhay, trabaho, at negosyo ng mga apektadong residente.
- Maraming bahay at gusali ang maaaring magtamo ng katamtaman hanggang sa matinding pinsala.
- Maaaring maapektuhan ang ilang health facilities, at may banta ng seryosong pinsala (injuries) at panganib sa buhay.
- Maaaring makaranas ng pagkawala ng kuryente at suplay ng tubig ang maraming kabahayan.
- Inaasahan ang maraming pagkaantala sa transportasyon, mas mahabang oras ng byahe, at maraming pasahero ang posibleng ma-stranded.
- Maaaring masira o malubog sa baha ang mga pananim sa karamihan ng sakahan lalo na ang nasa critical growth stage; posibleng mawala ang karamihan sa mga hindi nakataling alagang hayop, at magkaroon ng pagkalugi sa aquaculture.

PAALALA SA MGA PAARALAN
- Dahil sa banta ng significant na epekto, mahigpit na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, SDO San Jose City DRRM, at mula sa ating Lokal na Pamahalaan.
- Tiyaking malinis ang mga kanal at estero sa loob at paligid ng inyong paaralan at komunidad upang maiwasan ang malalang pag-baha.
- I-activate at panatilihing handa ang inyong mga school safety protocols at maging alerto sa posibleng mabilisang paglikas kung kinakailangan.

SOURCE: 12-Hour Impact-Based Forecast for NCR-PRSD Issued: 3:00 AM, 30 August 2026

PARA SA MAS ACCURATE NA WEATHER ASSESSMENT SAINYONG SCHOOL COMMUNITY PUMUNTA SA ligtas.cair.ph

HEAVY RAINFALL WARNING NO. 19Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)Issued at: 11:00 PM, 29 August 2026 (Saturday).V...
29/08/2026

HEAVY RAINFALL WARNING NO. 19
Weather System: Southwest Monsoon (Habagat)
Issued at: 11:00 PM, 29 August 2026 (Saturday).
Valid for broadcast within 3 hours.

YELLOW WARNING LEVEL: NAKAKARANAS NG KATAMTAMAN HANGGANG SA MALAKAS NA PAG-ULAN SA LUNGSOD NG SAN JOSE.

Makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan (heavy rainfall na umaabot sa 7.5 hanggang 15 mm/oras) at inaasahang magpapatuloy sa loob ng susunod na tatlong (3) oras ang Lungsod ng San Jose.

(Kabilang ang Gabaldon, General Mamerto Natividad, Laur, Llanera, Palayan, Rizal, Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Lupao).

ANO ANG IBIG SABIHIN NITO PARA SA SAN JOSE CITY?
- Ang nararanasang ulan sa ating lungsod ay dala pa rin ng pinalakas na Southwest Monsoon (Habagat).
- Dahil sa patuloy na buhos ng ulan, pinag-iingat ang lahat sa posibleng pagbaha (flooding in flood-prone areas) sa mga mabababang barangay sa San Jose at mga kalyeng madalas bahain.
- Mahigpit na pinag-iingat ang mga komunidad na malapit sa mga ilog, sapa, at irigasyon sa lungsod sa posibleng mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig.
- Maging alerto sa banta ng pagguho ng lupa (landslide) para sa mga paaralan at barangay na matatagpuan sa mga paanan ng bundok at matataas na lugar.
- Mag-ingat sa madudulas na kalsada at limitadong paningin (reduced visibility) habang bumibiyahe sa Maharlika Highway at mga lokal na kalsada. Iwasan ang pagtawid sa mga umapaw na sapa o flooded pathways.

PAALALA SA MGA PAARALAN AT KOMUNIDAD SA SAN JOSE CITY:
- Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso mula sa DOST-PAGASA, SDO San Jose City DRRM, at mula sa ating Lokal na Pamahalaan.
- Siguraduhing malinis at walang bara ang mga kanal, estero, at iba pang drainage system sa loob at paligid ng inyong paaralan bago lumala ang sitwasyon.
- I-secure at itaas sa ligtas na pwesto ang mga learning resources, mahahalagang dokumento, at kagamitang elektroniko upang makaiwas sa banta ng tagas mula sa bubong o pagpasok ng tubig-baha sa mga silid-aralan.
- Siguruhing nakahanda ang inyong mga contingency measures at school safety protocols kung sakaling magtuloy-tuloy at lalo pang lumala ang buhos ng ulan ngayong gabi.

PAUNAWA:
Alinsunod sa DepEd Order No. 22, s. 2024 at DepEd Order No. 14, s. 2026, ang mga School Heads katuwang ang Lokal na Pamahalaan ay maaaring magpatupad ng angkop na class suspension o learning continuity measures batay sa aktwal na kalagayan, kaligtasan, at kahandaan ng inyong partikular na paaralan at komunidad sa San Jose City.

SOURCE: DOST-PAGASA Heavy Rainfall Warning No. 19 Issued: 11:00 PM, 29 August 2026. Maaari ding sumangguni sa kalakip na mapa sa 13401.jpg para sa visual guide ng mga warning levels sa rehiyon.

PARA SA MAS ACCURATE NA WEATHER ASSESSMENT SA INYONG SCHOOL COMMUNITY PUMUNTA SA ligtas.cair.ph/

29/08/2026

Address

DepEd San Jose City Compound, Brgy. Sto. Niño 1st
San Jose
3121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd San Jose City - DRRM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd San Jose City - DRRM:

Shortcuts

Share