PNP San Jose del Monte City Police Station Bulacan PPO

PNP San Jose del Monte City Police Station Bulacan PPO SJDM CPS, Bulacan PPO

21/05/2026

2 TULAK NG ILEGAL NA DROGA TIMBOG NG SJDM PNP, MAHIGIT 740K HALAGA NG SHABU AT BARIL NASAMSAM

CAMP GENERAL ALEJO S SANTOS, Malolos City, Bulacan — Dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang High Value Individual, ang naaresto ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit ng San Jose del Monte City Police Station sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 6, Blk-71, Lot 29, Brgy. Bagong Buhay 1, City of San Jose Del Monte, Bulacan dakong alas-11:10 ng umaga noong Mayo 21, 2026.

Ayon sa ulat ni PLTCOL REYSON M BAGAIN, Hepe ng SJDM CPS, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Alyas Legwak, 42 anyos, at Alyas JD, 35 anyos, isang High Value Individual, kapwa residente ng City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Batay sa ulat, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga operatiba ng SJDM CPS na nagresulta ito sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang poseur buyer kapalit ng marked money.

Sa isinagawang protective search, nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, ang ginamit na marked money, isang kalibre .38 revolver na may markang ARMSCOR 202 Caliber .38 SPD” na may serial number na 1000052, at limang pirasong bala ng kalibre .38 mula kay Alyas Legwak.

Tinatayang may kabuuang bigat na humigit-kumulang 110 gramo ang nakuhang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php 748,000.00.

Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act.

Samantala, pinuri ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon ng SJDM CPS laban sa ilegal na droga at ilegal na armas.

Ayon kay PCOL BAYBAYAN, ang mahigpit at walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga at ipinagbabawal na armas sa lalawigan ay patunay na determinasyon na supilin ang anumang banta sa kapayapaan at seguridad ng komunidad; hinihikayat din ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga awtoridad upang higit na mapalakas ang mga operasyon laban sa kriminalidad, tungo sa isang mas ligtas, maayos, at mapayapang Bulacan para sa lahat.



21/05/2026
21/05/2026
20/05/2026

MABILIS NA HUSTISYA: SUSPEK SA PAMAMARIL SA TRICYCLE DRIVER, TIMBOG SA LOOB NG 48 ORAS NG NORZAGARAY PULIS

CAMP GENERAL ALEJO S SANTOS, City of Malolos, Bulacan — Agarang naaresto ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station ang isa sa dalawang suspek sa pamamaril na ikinasawi ng isang tricycle driver sa Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan.

Ayon kay PMAJ DEMOSTHENES G DESIDERIO JR, OIC ng Norzagaray MPS, kinilala ang biktima bilang isang 54-anyos na tricycle driver at residente ng Sitio Tabtab, Brgy. Poblacion, Norzagaray, Bulacan. Batay sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang insidente bandang 12:40 PM noong Mayo 17, 2026 sa kahabaan ng A. Lawang St., Brgy. Poblacion, kung saan nagtamo ng tama ng bala sa noo ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa pamamagitan ng masusing backtracking at pagsusuri ng CCTV footage sa paligid ng pinangyarihan ng insidente, natukoy ng mga pulis ang rutang dinaanan ng mga suspek bago at matapos ang pamamaril. Lumabas sa imbestigasyon na ang mga suspek ay sakay ng isang kulay itim na Yamaha Aerox motorcycle. Ang driver ay nakasuot ng itim na cap, puting hoodie jacket, at brown shorts habang ang back rider naman ay nakasuot ng puting cap, puting long sleeves, at khaki shorts.

Bunsod ng masusing follow-up operation, nagsagawa ng Joint Hot Pursuit Operation ang mga Intel Operatives ng Norzagaray MPS katuwang ang mga tauhan ng PIU Bulacan PPO, 1st PMFC, 2nd PMFC, PIT Bulacan East, at RIU3 sa Sitio Pugpog bandang 6:00 PM noong Mayo 18, 2026. Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng isa sa mga suspek na kinilalang isang 54-anyos na lalaki at residente ng naturang lugar.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up hot pursuit operations ang mga awtoridad para sa agarang pagkakaaresto ng isa pang suspek.

Samantala, humiling na rin ang Norzagaray MPS sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa pagsasagawa ng paraffin examination sa naarestong suspek at sa Regional Crime Scene Unit 3 para sa initial fi****ms records verification bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Officer-in-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, nananatiling maigting ang kampanya ng Bulacan PNP laban sa lahat ng uri ng kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa lalawigan. Patuloy ding hinihikayat ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng anumang kahina-hinalang aktibidad upang higit pang mapalakas ang kaayusan at seguridad sa komunidad.



20/05/2026
20/05/2026

TOP 4 MOST WANTED PERSON SA BOCAUE, ARESTADO!

Camp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Naaresto ng kapulisan ang Top 4 Most Wanted Person (Municipal Level) ng Bocaue sa isinagawang warrant operation bandang alas-10:10 ng umaga sa Brgy. Poblacion, Bocaue, Bulacan noong Mayo 18, 2026.

Ayon sa ulat ni PLTCOL GILBERT C DIAZ, Chief of Police ng Bocaue Municipal Police Station (MPS), kinilala ang naarestong akusado na si alyas “Dolfo,” 33 taong gulang, walang trabaho at residente ng Brgy. Sulucan, Bocaue, Bulacan. Inaresto ang akusado ng Tracker Team ng Bocaue MPS sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Robbery with Violence Against Persons.

Ang nasabing warrant ay inilabas noong Mayo 12, 2026 ni HON. MA. CRISTINA ANGELES RAMOS-BELTRAN, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 103, Malolos City, Bulacan, na may inirekomendang piyansang Php100,000.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bocaue MPS ang naarestong akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago iharap sa hukuman na naglabas ng warrant.

Mula sa pahayag ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, na hindi titigil ang Bulacan PPO sa pinaigting nitong kampanya laban sa mga wanted na indibidwal upang matiyak na mapanagot sila sa batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan ng Bulacan.



20/05/2026

DALAWANG SANGKOT SA DROGA TIMBOG, BARIL AT DROGA NASAMSAM SA SAN ILDEFONSO!

Camp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Arestado ang dalawang (2) hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng San Ildefonso Municipal Police Station (MPS) bandang alas-11:00 ng gabi noong Mayo 18, 2026 sa Brgy. Calasag, San Ildefonso, Bulacan.

Batay sa ulat ni PLTCOL GILMORE A WASIN, Chief of Police ng San Ildefonso MPS, kinilala ang mga naarestong suspek na sina alias “Muyok,” 47 taong gulang at residente ng Angat, Bulacan, at alias “Allan,” 33 taong gulang at residente ng Muñoz, Nueva Ecija. Ang operasyon ay isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng nasabing istasyon.

Sa operation, matagumpay na nabili ng undercover na awtoridad ang isang (1) sachet ng hinihinalang shabu gamit ang isang (1) pirasong buy-bust money na nagkakahalaga ng Php 500.00. Sa isinagawang pag-aresto at body search, nakumpiska mula sa mga suspek ang kabuuang labing-apat (14) na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang sampung (10) gramo at may Standard Drug Price na Php 68,000.00. Narekober din mula kay alias “Muyok” ang isang (1) caliber .22 revolver na walang serial number, may trademark na “Black Widow,” at loaded ng apat (4) na live ammunitions.

Ang mga naarestong suspek ay dinala sa San Ildefonso MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5, 11 at 26, Article II ng RA 9165 at paglabag sa RA 10591. Isasailalim din sa pagsusuri ng Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang ebidensya.

Binigyang diin ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, na patuloy ang mas pinaigting na kampanya ng Bulacan PPO laban sa ilegal na droga at loose fi****ms upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan ng Bulacan. Aniya, mananatiling agresibo ang operasyon ng kapulisan laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.



20/05/2026

BULACAN ON THE NEWS!



Address

San Pedro Street Brgy Poblacion
San Jose Del Monte
3023

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP San Jose del Monte City Police Station Bulacan PPO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share