07/07/2023
Walang namamataang low pressure area o bagyo na maaaring magdulot ng masamang panahon sa ating bansa ngayong weekend. Sa kabila niyan maghanda pa rin sa posibleng ulan.
Ayon sa PAGASA, easterlies ang nakaaapekto ngayon sa eastern sections ng Visayas at Mindanao at intertropical convergence zone naman ang umiiral sa Palawan. Habang mga local thunderstorm ang inaasahan sa iba pang bahagi ng bansa.