05/09/2026
TINGNAN
Nagsagawa ang Pamahalaang Barangay ng Minuyan Proper ng isang Kamustahan upang maipabatid sa ating mga residente mula sa ibat-ibang sitio ng ating barangay ang mga kasalukuyang water updates at mga proyektong isinasagawa ng Metro Pacific Water katuwang ang Pamahalaang Lungsod.
Nagbigay ng mahahalagang updates ang ating Barangay Public Information Officer, Mr. Darwin Bantayan, kasama si Punong Barangay Irene Biteng at Chairman ng Committee on Infrastructure, Kagawad Jason Iglesia Cama, upang maipaliwanag sa mga residente ang kasalukuyang kalagayan at mga hakbang na ginagawa para sa mas maayos na serbisyo ng tubig.
Isa sa mahahalagang tinalakay ang kasalukuyang isinasagawang 3-kilometer pipe laying project sa Tanawin Road, Barangay Sto. Cristo, na inaasahang pakikinabangan ng humigit-kumulang 15,000 kabahayan, kabilang ang ating barangay.
Ikinatuwa ng mga residente ang magandang balitang ito dahil inaasahang makatutulong ang proyekto upang magkaroon ng mas maayos, mas matatag, at mas maaasahang suplay ng tubig sa ating komunidad.
Patuloy nating inaasahan ang pag-usad ng proyekto at ang target na mas maayos na serbisyo ng tubig bago matapos ang Disyembre 2026.
Patuloy ang Pamahalaang Barangay sa pakikipag-ugnayan at pagbibigay ng tamang impormasyon upang manatiling updated ang bawat Pamilyang Minuyeños.
"Tuloy-tuloy ang Pag-unlad ng Minuyan Proper"