01/09/2026
🌧️❤️ PATULOY ANG PAG-AALAGA AT PAGTUGON SA ATING MGA KABARANGAYAN 🤝🏘️
Patuloy na nasa pangangalaga ng Barangay Citrus ang apat na pamilyang naapektuhan ng bagyo noong Sabado, Agosto 29, 2026. 🌪️🌧️
🏠🌳 Isang pamilya ang lubhang naapektuhan matapos daganan ng malaking puno ang kanilang tahanan, habang tatlong pamilya naman ang pansamantalang nasa ligtas na lugar dahil sa banta ng pagguho ng lupa o landslide. ⛰️⚠️
Sa kabila ng hirap at pangamba, patuloy nating ipinapakita na hindi natin iniiwan ang ating mga kabarangay. Patuloy ang pagbibigay ng pagkain, tulong, pag-aaruga, at ligtas na lugar habang hinihintay ang pagbuti ng kanilang kalagayan. 🫂❤️🙏
💚 Taos-puso po ang aming pasasalamat sa ating minamahal na Punong Barangay, Kapitan Kgglarry Demo , sa kanyang walang sawang pagmamalasakit, agarang pagtugon, at patuloy na pag-aaruga sa ating mga kabarangay na higit na nangangailangan. 🙏❤️
Sa kanyang pangunguna, kasama ang buong pamunuan ng Barangay Citrus, patuloy tayong kumikilos upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilya. 🤝💪
🙏❤️ Maraming salamat din po kay LDRRM Officer Gina Tolentino at sa kanyang mga kasama sa kanilang agarang paghatid ng tulong at malasakit sa ating mga kabarangay na nasalanta ng bagyo. Tunay na malaking bagay ang inyong pakikiisa at pagtugon sa panahon ng pangangailangan. 🤝💚
🌟 Sa Barangay Citrus, walang maiiwan at walang mapapabayaan. Sama-sama tayo sa pagbangon! 🌅💚🇵🇭
🏘️
❤️
GinaTolentino 🙏
💚
🫂
💪
❤️
💚🇵🇭
🌅