Barangay San Martin 1 - CSJDM Bulacan

Barangay San Martin 1 - CSJDM Bulacan The New and Official Page of Brgy. San Martin 1, City of San Jose Del Monte, under the leadership of Kap. Arlan Disamburun

PABATID mula sa City of San Jose Del Monte - Public Employment Service OfficeKasalukuyang nagsasagawa ng Special Recruit...
24/08/2026

PABATID mula sa City of San Jose Del Monte - Public Employment Service Office
Kasalukuyang nagsasagawa ng Special Recruitment Activity (SRA) Overseas ngayong araw, August 24, 2026 mula 9:00 AM - 3:00 PM sa Public Employment Service Office, 2nd Floor, New Government Center, Barangay Dulong Bayan para sa mga kwalipikadong aplikanteng naghahanap ng oportunidad sa trabaho sa ibang bansa.
Katuwang ang Phates Management Resources Inc., narito ang mga available na posisyon:
GIKEN – JAPAN
• Civil Engineers – 2 slots
With at least 2 years of experience
HONDA – JAPAN
• Car Maintenance – 3 slots
With at least 2 years of experience
NASTA’EEN SDN BHD – BRUNEI
• Service Crew – 1 slot
• Waiter/Waitress – 1 slot
With at least 2 years of experience
AGENSI PEKERJAAN PRISTON SDN BHD – MALAYSIA
• Household Worker – 100 slots
At least High School graduate
AGENSI PEKERJAAN PYRAMID SDN BHD – MALAYSIA
• Household Worker – 100 slots
At least High School graduate
AGENSI PEKERJAAN TAZIA SDN BHD – MALAYSIA
• Household Worker – 100 slots
At least High School graduate
📌 Mga Paalala sa mga Aplikante :
• Magsuot ng maayos at angkop na kasuotan. Hindi pinahihintulutan ang shorts, sando, sleeveless, at slippers.
• Dalhin ang kumpletong requirements, kabilang ang SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth numbers.
• Magdala ng sariling ballpen.
• Magdala ng updated resume/CV na hard copy.
• Kung mayroon, laging dalhin ang SRS ID Card sa pag-a-apply sa PESO CSJDM.
Huwag palampasin ang pagkakataong makapag-apply para sa mga oportunidad sa trabaho sa ibang bansa!
Kita-kits, mga ka-PESO!

24/08/2026
08/08/2026

Ngayong malakas ang ulan, kumusta po ang ating mga kabarangay?

Hinihikayat po ang lahat na manatiling alerto at mag-ingat, lalo na ang mga pamilyang nasa mabababang lugar at mga lugar na malapit sa creek.

Mangyari lamang po na i-comment ang inyong lugar at kasalukuyang sitwasyon, lalo na kung may pagbaha, pagtaas ng tubig, o anumang kalagayang nangangailangan ng agarang aksyon at tulong mula sa Barangay.

Patuloy po nating babantayan ang sitwasyon at agad na tutugon sa mga lugar na nangangailangan ng assistance.
Mag-ingat po tayong lahat, Sa panahon ng malakas na ulan, mahalaga ang pagiging handa, mapagmatyag, at pagtutulungan ng bawat isa.

03/08/2026

ABANGAN! LIBRENG KAPON PARA SA MGA A*O AT PUSA! 🐶🐱

Magandang balita, mga ka-barangay!

Magkakaroon ng Libreng Kapon (Spay at Neuter) para sa mga alagang a*o at pusa sa ating barangay.

📅 Petsa: Ipapaalam sa lalong madaling panahon📍 Lugar: Iaanunsyo rin sa susunod na abiso

Ang programang ito ay naglalayong mapanatiling malusog ang ating mga alagang hayop at makatulong sa responsableng pag-aalaga ng mga ito.

📣 Abangan ang opisyal na anunsyo para sa kumpletong detalye, kabilang ang petsa, oras, lugar, at mga kinakailangang dalhin.

Maraming salamat, at sama-sama nating isulong ang responsableng pag-aalaga ng ating mga alagang a*o at pusa! 🐾

Sa mga nakatanggap na po ng kanilang water bill, narito po ang ating modes of payment:
14/07/2026

Sa mga nakatanggap na po ng kanilang water bill, narito po ang ating modes of payment:

Sa mga nakatanggap na po ng kanilang water bill, narito po ang ating modes of payment:

05/06/2026
PANOORIN!
05/06/2026

PANOORIN!

Magandang San Joseño po!

Kami po ang Metro Pacific Bulacan Water, ang magiging katuwang ng City Government of San Jose del Monte sa kanilang pag-assist sa San Jose del Monte Water District para maisaayos ang daloy ng tubig sa bawat tahanan ng Pamilyang San Joseño. 🙏


TINGNAN!28, May 2026 ( Huwebes)Muling nagkaroon ng panibagong Static tank para sa rasyon ng tubig sa Camia Street ngayun...
28/05/2026

TINGNAN!

28, May 2026 ( Huwebes)

Muling nagkaroon ng panibagong Static tank para sa rasyon ng tubig sa Camia Street ngayung Huwebes ika- 28 ng Mayo 2026,matapos ang kahilingan ni Kapitan Arlan Disamburun na agad namang tinugunan ng San Jose Del Monte Water District at Prime Water.

Malaking tulong ito sa mga residente na ilang buwan nang nakararanas ng krisis sa suplay ng tubig. Sa pamamagitan ng karagdagang static tank, mas mapapadali ang pamamahagi ng tubig sa mga apektadong mamamayan sa lugar.

Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng Barangay San Martin 1 at mga residente sa mabilis na aksyon at pakikiisa ng San Jose Del Monte Water District at Prime Water upang makatulong sa pangangailangan ng komunidad.




✨🙏 Pakikiisa at Pasasalamat 🙏✨Sa bawat yabag ng pananampalataya at bawat tibok ng pusong nananalig, buong kababaang-loob...
09/01/2026

✨🙏 Pakikiisa at Pasasalamat 🙏✨

Sa bawat yabag ng pananampalataya at bawat tibok ng pusong nananalig, buong kababaang-loob na nakikiisa ang Barangay San Martin 1 sa dakilang Kapistahan ng Nuestro Hesus Nazareno.
Kami’y taos-pusong nagpapasalamat sa Poong Nazareno—ilaw sa gitna ng dilim, lakas sa oras ng pagsubok, at pag-asa ng aming pamayanan. Nawa’y patuloy Niyang basbasan ang bawat tahanan, pag-ibayuhin ang pagkakaisa, at patatagin ang pananampalatayang nagbubuklod sa amin bilang iisang komunidad.

🙏 Viva Nuestro Hesus Nazareno! 🙏



Address

Sunflower Street, Barangay San Martin 1, Purok 1
San Jose Del Monte
3024

Telephone

+639514196286

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Martin 1 - CSJDM Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay San Martin 1 - CSJDM Bulacan:

Shortcuts

Share