Public Information of Gumaoc Central

Public Information of Gumaoc Central This is the Official Public Information Page of Barangay Gumaoc Central, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

05/09/2026

PANOORIN

Tampok sa ulat ni Jeff Andrade ng Public Information Office ang mga kaganapan sa Division Schools Press Conference (DSPC) 2026 sa Lungsod ng San Jose del Monte.

Nagtipon ang mga campus journalists mula sa iba’t ibang paaralan upang ipamalas ang kanilang talento sa iba’t ibang larangan ng campus journalism.


WEATHER UPDATENananatili pa ring nakataas sa YELLOW WARNING LEVEL ang Lalawigan ng BULACAN at iba pang mga karatig lalaw...
05/09/2026

WEATHER UPDATE

Nananatili pa ring nakataas sa YELLOW WARNING LEVEL ang Lalawigan ng BULACAN at iba pang mga karatig lalawigan dahil sa epekto ng Southwest Monsoon (Habagat) ayon sa inilabas na Heavy Rainfall Warning No. 15 ng PAGASA.

Patuloy na pinapaalalahanan ng mga autoridad na tutukan at maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide sa mga flood-prone at landslide-prone areas at i-monitor ang sitwasyon sa kani-kanilang lugar.

Manatili pong nakatutok sa aming Official page upang maging updated sa ulat panahon at iba pang balita.

Ingat, San Joseño! ☔️



𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍FCPC: COMMUNITY SERVICE 3RD YEAR COLLEGE STUDENT OF NURSING. September 5, 2026 | 3:00 PM📍Blk 8, Covered Court, Br...
05/09/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍

FCPC: COMMUNITY SERVICE 3RD YEAR COLLEGE STUDENT OF NURSING.
September 5, 2026 | 3:00 PM
📍Blk 8, Covered Court, Brgy. Gumaoc Central, City of SJDM, Bulacan.

Ngayong araw ay matagumpay din naisagawa ang School Based Community Service ng mga estudyanteng Nursing ng First City Providential College (FCPC) kasama ang kanila Curriculum Professor/Instructor/Adviser na ating mga Community Service Student sa ating Barangay.

Kahit hindi maganda ang panahon o maulan ngayong araw hindi ito napigil ang layunin ng mga estudyante na makapagbigay o maghatid Health, Sanitation and Hygiene Awareness para sa ating mga ka-Barangay, kung saan dito nila nabahagi o naituro ang ilang DIY (Do It Yourself) Sanitation, mga Basic na gawain sa paglilinis at maging sa Pangkalusugan.

Nagpaabot rin sila ng konti o maliit na pasasalamat sa lahat bilang pakikiisa sakanilang layunin ng kanilang kurso, hangarin ng kanilang eskwelahan at adbokasiya ng Barangay.

Salamat po! FCPC at sa lahat po nang nakiisa para sa School Based Community Service Program.

| via Crismon Montero/Brgy. Public Information Office

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃PSA: 40 registered for National ID and 118 records verified via the Mobile Barangay Registration and Verification...
05/09/2026

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃

PSA: 40 registered for National ID and 118 records verified via the Mobile Barangay Registration and Verification drive!

| via Crismon Montero/Brgy. Public Information Office

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍PSA: MOBILE BARANGAY NATIONAL ID REGISTRATION AND VERIFICATIONSeptember 5, 2026 | 8:00 AM-5:00 PM📍Blk 8, Covered ...
05/09/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍

PSA: MOBILE BARANGAY NATIONAL ID REGISTRATION AND VERIFICATION
September 5, 2026 | 8:00 AM-5:00 PM
📍Blk 8, Covered Court, Brgy. Gumaoc Central, City of SJDM, Bulacan.

Ngayong araw ay matagumpay na naisagawa sa ating Barangay ang National ID Registration and Verification ng Philippine Statistic Authority mula sa koordinasyon at pakikipagtulungan ng ating Brgy. Gumaoc Central-Solo Parent Association.

Kwarentang (40) mga indibidwal ang nakapagpa-rehistro ng kanilang National ID at nagkaroon ng National ID (Paper Type) at umabot naman nang 118 ang nagpa-verified ng kanilang records at naiprint ang kanilang National ID (Paper Type) na kanilang magagamit saan mang establishimento at sa iba't ibang transaksyon pampubliko man o pribado.

Maraming Salamat po! sa patuloy na pagtangkilik, pagsuporta at pakikiisa sa mga gawain o serbisyong pampubliko hindi lamang para sa kapakinabangan ng ating Barangay maging kapakipakinabang rin para sa ating mga Resident.

i 💟 BGC.

| via Crismon Montero/Brgy. Public Information Office

Muling magliliwanag ang entablado ng kultura at pagkakaisa ng mga San Joseño sa Arya-Aryahan: Sayaw ng Kultura, Indak ng...
05/09/2026

Muling magliliwanag ang entablado ng kultura at pagkakaisa ng mga San Joseño sa Arya-Aryahan: Sayaw ng Kultura, Indak ng Pagkakaisa sa City College Grounds ngayong Linggo, September 6.

Damhin ang bawat galaw, sabayan ang indak at ipagdiwang ang kultura at ang pagkakaisang patuloy na nagbibigay-liwanag sa ating lungsod.

Isang indak. Isang kultura. Isang Lungsod ng San Jose del Monte!



WEATHER UPDATENakataas pa rin sa YELLOW WARNING LEVEL ang lalawigan ng BULACAN at iba pang karatig-lugar dahil sa epekto...
05/09/2026

WEATHER UPDATE

Nakataas pa rin sa YELLOW WARNING LEVEL ang lalawigan ng BULACAN at iba pang karatig-lugar dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat ayon sa inilabas na Heavy Rainfall Warning No. 14 ng PAGASA.

Pinaaalalahanan naman ang mga autoridad na i-monitor ang sitwasyon sa kani-kanilang lugar.

Manatiling nakatutok sa aming Official page para sa ulat panahon.

Stay safe, San Joseño!



TINGNANNagsagawa ng malawakang clean-up drive operation ang Solid Waste Management Team ng Barangay Muzon East sa Sitio ...
05/09/2026

TINGNAN

Nagsagawa ng malawakang clean-up drive operation ang Solid Waste Management Team ng Barangay Muzon East sa Sitio Partida Main Road ngayong Sabado, September 5.

Layunin ng aktibidad na tiyakin ang malinis ang paligid at maiwasan ang mga pagbabara sa mga daluyan ng tubig na dala ng malalakas na pagbuhos ng ulan.


NATIONAL I.D REGISTRATION AND VERIFICATION UNTIL 3:00 PM.Magdala po ng Birth Certificate para sa mga Minor.Magdala po ng...
05/09/2026

NATIONAL I.D REGISTRATION AND VERIFICATION UNTIL 3:00 PM.

Magdala po ng Birth Certificate para sa mga Minor.

Magdala po ng School ID (Old or New) para sa mga Student.

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃

ON GOING: PSA Mobile Barangay National I.D Registration and Verification.

via Crismon Montero/Brgy. Public Information Office

Address

Blk 5 Gumaoc Central
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 9am - 12pm
Sunday 9am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Public Information of Gumaoc Central posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share