Barangay Fatima III - CSJDM,Bulacan

Barangay Fatima III - CSJDM,Bulacan This is the Official page of Barangay Fatima III City of San Jose Del Monte,Bulacan

07/09/2026

SPECIAL (NON-WORKING) HOLIDAY
CITYHOOD ANNIVERSARY CELEBRATION
September 10, 2026

Base sa Republic Act No. 11728, ang SEPTEMBER 10 ng kada taon ay idineklarang SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY sa Lungsod bilang paggunita sa 'Foundation Day of the City of San Jose del Monte’.

Ito ang batas na nag-amyenda sa RA 9750 para sa CITYHOOD ANNIVERSARY NG CITY OF SAN JOSE DEL MONTE.

Kaugnay nito ay inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ang kanselasyon ng pasok sa lahat ng pampublikong tanggapan at pribadong establisimyento maging ang mga klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa bisa ng Memorandum 2026-09-07-278.


Maaaring ma-download ang nasabing file sa link na ito:
REPUBLIC ACT NO. 11728
https://tinyurl.com/2s3d68xc



07/09/2026
06/09/2026
06/09/2026
06/09/2026

📣

Dahil sa inaasahang epekto ng habagat, SUSPENDIDO ang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan bukas, September 7, 2026.

Mga anak, prayoridad natin ang inyong kaligtasan, kaya hangga't maaari ay huwag munang lumabas kung hindi naman kailangan. Tumulong na lang sa mga gawaing bahay at siguraduhin na ligtas kayo sa inyong mga tahanan.

Abangan ang mga susunod na opisyal na abiso ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga official pages para sa iba pang mahahalagang balita at impormasyon.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡







04/09/2026

NANDITO NA SI CHITO, SI CHITO MIRANDA! MAGRARAKRAKAN DITO IN 5, 4, 3, 2… 🔥

CONFIRMED, MAY HAHABOL SA TANGLAWAN FESTIVAL 2026! 🫵🏼

Mapupuno ang langit ng bituin at sabay-sabay tayong kikiligin sa haranang handog ng iconic OPM rock band na Parokya ni Edgar, BUKAS NA sa City College Grounds! 🎸🎶



03/09/2026

ALTERNATIVE LEARNING MODES IPATUTUPAD SA MGA PAARALAN SA LUNGSOD NGAYONG BIYERNES, SEPTEMBER 4, 2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 134 na inilabas ng Office of the President, suspendido muna ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa malaking bahagi ng bansa, kabilang ang Lalawigan ng Bulacan ngayong Biyernes, September 4, 2026.

Ito ay dahil sa inaasahang epekto ng patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

SOURCE: Presidential Communications Office


Blessing and Ribbon Cutting na ginanap ngayong Septyembre 03, 2026 sa Sapang Palay National High School.Buong galang at ...
03/09/2026

Blessing and Ribbon Cutting na ginanap ngayong Septyembre 03, 2026 sa Sapang Palay National High School.

Buong galang at taos-puso pasasalamat sa ating butihing Mayor Ate Rida Robes at Congressman Arthur Robes , na sa pamamagitan ng kanilang matatag na pamumuno, malasakit, at walang sawang paglilingkod ay naging daan upang maisakatuparan ang proyektong ito para sa kapakinabangan ng ating komunidad.

Kasabay ng pagputol ng laso at pagbabasbas sa pasilidad na ito, nawa'y magsilbi itong instrumento ng higit na kaunlaran, pagkakaisa, at pag-asa. Dalangin natin na ang proyektong ito ay maging kapaki-pakinabang sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon, at patuloy na maghatid ng positibong pagbabago sa buhay ng ating mga kababayan.
🙏✂️🎉





02/09/2026

Address

San Pedro Street
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Tuesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Wednesday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
1pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
1pm - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Fatima III - CSJDM,Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share