31/03/2026
Kung ikaw ay isang masigasig na estudyante na naghahanap ng suporta para sa iyong pag-aaral, ito na ang pagkakataon mong maging bahagi ng programang ito. ๐โจ
๐ Step-by-Step Application:
Step 1: Qualification Check
Siguraduhing pasok ang inyong academic standing:
โข Senior High School: GWA na hindi bababa sa 80%.
โข College: GWA na hindi bababa sa 2.75 (at walang failing grades).
โข Dapat ay isang Bonafide Resident ng Barangay Ciudad Real at kasalukuyang enrolled sa SHS o Kolehiyo.
Step 2: Registration for Exam
Maaari kayong mag-register sa dalawang paraan:
โข Online: Sagutan ang form sa link na ito: https://forms.gle/pc3AoXi5Dri8dnaZ6
โข Walk-in: Pumunta sa Barangay Ciudad Real Dropbox Area. Mag-fill out ng form at i-drop ito kasama ang Photocopy ng iyong Valid/School ID (na may address).
Mula April 1-15 lamang kami tatanggap ng mga aplikante para sa iSKolar.
Gabay para sa mga nagnanais mag-walk in:
1. Lokasyon ng Dropbox
โข Ang ating official dropbox ay matatagpuan sa Front Desk sa harap mismo ng Barangay Ciudad Real Hall. Dito rin makukuha ang mga Printed Application Forms.
2. Ihanda ang Valid ID
โข Siguraduhing may dala kayong Photocopy ng inyong Valid/School ID (na may address ng Brgy. Ciudad Real).
3. I-secure ang Inyong Dokumento
โข Gumamit ng paperclip na makikita rin sa gilid ng dropbox (nakadikit ang lagayan ng paperclip kasama ng mga application forms sa gilid ng dropbox).
โข I-clip nang maigi ang inyong photocopy ng ID sa likod ng inyong application form.
4. Itiklop at Ihulog (Fold & Drop)
โข Matapos ma-secure ang ID at form gamit ang paperclip, mangyaring itiklop ng pa-crosswise (fold crosswise) nang maayos ang papel bago ito ihulog sa ating official dropbox.
โ ๏ธ PAALALA: Siguraduhin na malinaw at kumpleto ang lahat ng impormasyong ilalagay. Ang mga kulang na requirements ay hindi mapoproseso para sa darating na exam.
Step 3: Exam Schedule & Preparation
Markahan ang inyong mga kalendaryo: ๐๏ธ April 18 & 19, 2026
Magsisimula ng 2:00 PM
โข Paalala: Walang special exams na ibibigay. Ang mga hindi makakarating sa itinakdang petsa ay awtomatikong mawawalan ng slot.
Step 4 & 5: Results & Final Process Ang listahan ng mga papasa ay i-popost sa Official FB Page ng SK - Brgy. Ciudad Real. Maaari rin kayong makatanggap ng notification via Email o SMS. Ang mga mapipiling beneficiaries ay isasailalim sa Document Verification.
๐ MGA KAKAILANGANING DOKUMENTO (Kapag nakapasa sa exam)
- Grades mula sa nakaraang semester.
- Photocopy ng Birth Certificate.
- Original Registration Form (COR) o Proof of Enrollment para sa kasalukuyang school year.
- Dalawang (2) piraso ng 2x2 ID picture.
Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan, maaari po kayong mag-message sa ating official FB page: SANGGUNIANG KABATAAN - BRGY. CIUDAD REAL.
Galingan ninyo, mga future Scholars! Kita-kits sa exam day! ๐ช๐