05/09/2026
WEATHER UPDATE
Nananatili pa ring nakataas sa YELLOW WARNING LEVEL ang Lalawigan ng BULACAN at iba pang mga karatig lalawigan dahil sa epekto ng Southwest Monsoon (Habagat) ayon sa inilabas na Heavy Rainfall Warning No. 15 ng PAGASA.
Patuloy na pinapaalalahanan ng mga autoridad na tutukan at maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide sa mga flood-prone at landslide-prone areas at i-monitor ang sitwasyon sa kani-kanilang lugar.
Manatili pong nakatutok sa aming Official page upang maging updated sa ulat panahon at iba pang balita.
Ingat, San Joseño! ☔️