25/05/2026
MAY 12, 2026 | City Covered Court
Sa direktiba ng ating Punong Lungsod, Igg. Mayor Ate Rida Robes, matagumpay na naisagawa ang Community-Based Dialogue for Leaders and Organizations na dinaluhan ng iba’t ibang homeowners associations sa pagtutulungan ng Community Affairs Office at Confederatiion of CSJDM Homeowners Association bilang bahagi ng pagsusulong ng mas inklusibo at nagkakaisang pamayanan.
Tinalakay sa aktibidad ang iba’t ibang usaping pangkomunidad sa pamamagitan ng Community Issue Mapping, Presentation of Community Issues, Concerns, and Best Practices, at Partnership Building kung saan malayang naibahagi ng mga kalahok ang kanilang mga karanasan, suliranin, at mga mungkahing solusyon para sa kanilang komunidad.
Layunin ng programa na mapalakas ang koordinasyon, partisipasyon, at pagtutulungan ng mga organisasyon tungo sa mas epektibong pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran at serbisyong pangmamamayan.
Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at sama-samang pagpaplano, muling pinagtibay ng mga kalahok ang kanilang suporta at pangakong makiisa para sa patuloy na pag-unlad, kapayapaan, at pagkakaisa ng komunidad.