28/10/2023
𝗞𝗔𝗣𝗔𝗡𝗚𝗬𝗔𝗥𝗜𝗛𝗔𝗡
𝙎𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙨𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙩𝙞𝙣𝙪𝙧𝙖𝙣, 𝙠𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞𝙥 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙝𝙪𝙡𝙪𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙮 𝙨𝙖'𝙮𝙤 𝙣𝙖𝙢𝙞𝙣 𝙞𝙣𝙞𝙖𝙡𝙖𝙮!
Lubos kaming nagpapasalamat sa mga naging bahagi ng makulay na yugtong ito. Pukulin man tayo ng maling paratang at paninira, hindi naman mawawala sa atin ang tunay na diwa ng pagmamahal sa komunidad at kabataan. 𝙈𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙩𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙤𝙩𝙤𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙞𝙩𝙞𝙣𝙪𝙧𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙢𝙖𝙢𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙣 𝙍𝙖𝙛𝙖𝙚𝙡 1 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮!
Maraming salamat sa ating mga boluntir, ina, ama, lolo, at lola na naniwala at nagtiwala. Patuloy tayong maninindigan, lulubog sa inyong danas, at magpapanalo ng progresibong paggogobyerno nang may pananagutan, lakas, puso, at talino.
𝗜𝘀𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻!
Muli, ito ang Team BUKLOD, Maraming Salamat po!