13/07/2026
PANAGUTIN ANG MGA KORAP!
AMENAH PANGANDAMAN, IMBESTIGAHAN!
Sa gitna ng panawagan ng sambayanan na papanagutin ang mga nasa likod ng malawakang katiwalian sa flood control funds, nakapanlulumong makita na si dating DBM Secretary Amenah Pangandaman ay iniluklok bilang Chairperson at CEO ng Al-Amanah Islamic Investment Bank. Sa halip na isang malaya, mabilis, at transparent na imbestigasyon, tila gantimpala pa ang ibinibigay sa mga opisyal na nasasangkot sa mga seryosong usapin ng korupsyon.
Bilang Kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) sa panahon ng lumutang ang Flood-control scams, mahalagang papel ang ginampanan ni Pangandaman sa paghahanda at pagpapatupad ng pambansang badyet, kabilang ang paglalabas ng pondo para sa mga programang pang-imprastraktura. Dahil dito, naging bahagi siya ng mga pampublikong usapin at alegasyon kaugnay ng umanoβy mga iregularidad sa flood control spending.
Hanggang ngayon, nananatiling hinihingi ng mamamayan ang buong katotohanan at pananagutan. Hindi sapat ang pagpapalit lamang ng posisyon habang nananatiling hindi nasasagot ang mga tanong ng taumbayan. Imbis na pananagutan ang ibigay, ay promosyon o reward pa nga ang ginagantimpala sa mga dawit sa korap!
Habang nalulubog ng baha ang mga komunidad at nalulubog ang kabuhayan ng mamamayan lalo na sa Bulacan, malinaw na hindi lamang kalikasan ang may salaβkasabwat din ang sistemang inuuna ang korupsyon kaysa kaligtasan ng mamamayan. Ang bawat pisong ninakaw sa flood control ay katumbas ng buhay na isinugal, tahanang inanod, at kinabukasang ipinagkait.
Malapit na ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Hindi namin hahayaang maging isa na namang entablado ito ng mga magagarbong pangako habang nananatiling ligtas ang mga pinaghihinalaang responsable sa pagwaldas ng pondo ng bayan. Hindi sapat ang maglatag ng mga numero at proyekto. Ang sigaw ng bayan ay malinaw: panagutin ang mga korap, kasama na mismo ang iyong sarili BongBong Marcos!
Kasama sa panawagang ito ang isang independiyente, transparent, at komprehensibong imbestigasyon sa lahat ng opisyal na may kaugnayan sa umanoβy anomalya sa flood control funds, kabilang si Amenah Pangandaman. Kung tunay na may malasakit sa bayan at sa integridad ng mga institusyon ng gobyerno, nararapat lamang na bumaba siya sa kanyang kasalukuyang puwesto habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.
Walang puwang ang impunidad sa gitna ng lumalalang kahirapan. Walang puwang ang promosyon para sa mga opisyal na may mabibigat na tanong na dapat sagutin. Hanggaβt walang tunay na pananagutan, mananatiling lubog ang anumang pangako ng βbagong Pilipinas.β
AMENAH PANGANDAMAN, IMBESTIGAHAN!
Bongbong Marcos, DINGGIN MO ANG SIGAW NG TAUMBAYANG LUBOG SA BAHA! MAGRESIGN KA NGANI!