SJDM The Rising City

SJDM The Rising City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SJDM The Rising City, Public & Government Service, San Jose del Monte.

𝗝𝗢𝗕 𝗢𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗨𝗡𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦Pabatid mula sa PESO CSJDM __ To view the full details of job vacancies for the Month of June 2022, cli...
06/06/2022

𝗝𝗢𝗕 𝗢𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧𝗨𝗡𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦
Pabatid mula sa PESO CSJDM

__

To view the full details of job vacancies for the Month of June 2022, click here: https://tinyurl.com/yckhwjf7

__

𝗥𝗲𝗺𝗶𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀:
There are two ways on how to secure a REFERRAL LETTER:
1. Online Referral System (para sa mga companies na hindi pa tumatanggap ng walk-in applicants)

Gamit ang Online Referral System, Tumawag o magtext lamang sa PESO Hotline number: 09555173520 / (044) 3065431.

Sa iyong pagtawag/pagtext, ikaw ay i-aassist patungkol sa proseso ng Online Referral System.

2. Walk-In (para sa mga companies na tumatanggap ng walk-in applicants)

Pumunta lamang sa PESO Motorpool or PESO Starmall.

Mag Fill-out ng NSRP Form at sundin ang proseso ng pagkuha ng referral letter.

Please note that you need to have the following basic requirements: SSS/GSIS, TIN, PAG-IBIG & Philhealth
__

Para sa iba pang concerns, maaari po kayong mag-message sa opisyal na page ng PESO-CSJDM:
https://www.facebook.com/PublicEmploymentServiceOfficeCityofSanJoseDelMonte




Ang edukasyon ay mahalaga upang maabot ng ating mga kabataan ang kanilang mga pangarap at nais sa buhay. Isa sa mga tinu...
03/06/2022

Ang edukasyon ay mahalaga upang maabot ng ating mga kabataan ang kanilang mga pangarap at nais sa buhay.

Isa sa mga tinututukan ni Mayor Arthur Robes na sektor ay ang edukasyon at dahil dito ay nabuo ang City College of San Jose Del Monte.

Bukod sa mga Buildings na pinapatayo ay naglalagay din ng ibang mga pasilidad katulad ng Campus Park with Sunken Garden. Ang mga pasilidad na kagaya nito ay nagpapatunay lamang na World Class ang ating City College na tunay nating maipagmamalaki sa mga susunod sa henerasyon.

Salamat kay Congw.Florida P. Robes sa lahat ng suporta at tulong na ibinibigay upang makapag bigay tayo ng mataas na kalidad ng edukasyon sa bawat San Joseñong mag aaral.

Arya San Joseño!

Sa pagpapatuloy ng Medical Mission ni Ate Congw. Rida Robes, ang mga taga Barangay United Fatima, Barangay United Sta. C...
02/06/2022

Sa pagpapatuloy ng Medical Mission ni Ate Congw. Rida Robes, ang mga taga Barangay United Fatima, Barangay United Sta. Cruz at Barangay Area F ang nabigyan ng libreng check-up, ECG at Blood Chem. Nakapagpamahagi din ng libreng gamot at reading glasses. Dalangin ni Ate Congw. na tayo'y laging gabayan ng Maykapal upang mas marami pang matulungan na nangangailangang lubos dito sa ating lungsod.

Isang matagumpay na araw ng Medical Mission handog sa inyo ng Programang Alagang Ate Rida "Ramdam na Kalusugan"

Bahagi pa rin ng facelifting project ng City Traffic Management-Sidewalk Clearing Operations Groupisinasagawa ang landsc...
01/06/2022

Bahagi pa rin ng facelifting project ng City Traffic Management-Sidewalk Clearing Operations Group
isinasagawa ang landscaping at maintenance ng Ornamental Garden sa Skyline Road at Road 1, Brgy. Minuyan Proper. Ito ay upang maisaayos at mas mapaganda pa ang Lungsod ng San Jose del Monte.

Tuloy-tuloy ang programang Alagang Groovy sa District 2! Muling nagpahatid ng Hair Clipper, Hair Curling Iron, at Hair B...
01/06/2022

Tuloy-tuloy ang programang Alagang Groovy sa District 2!

Muling nagpahatid ng Hair Clipper, Hair Curling Iron, at Hair Blower sa ilan pang mga Barber Shop at Salon sa lugar na nasasakop ng District 2, May 30, 2022. Ito ay mapapakinabangang lubos ng ating mga kababayan na nagtratrabaho ng marangal sa larangan ng pagpapaganda at upang kumita ng sapat para sa kanilang pamilya. Sa ilalim ng Programang Alagang Groovy hatid ng inyong lingkod na makatulong at makapagbigay inspirasyon na mas mapabuti pa ang kasalukuyang propesyon.

Ang handog na ito ay para sa aking Pamilyang San Joseno!

To God be all the Glory!

Magandang balita San Joseño, sinimulan na ang konstruksyon ng Olympic Size Swimming Pool na hindi lamang sa ating mga pi...
01/06/2022

Magandang balita San Joseño, sinimulan na ang
konstruksyon ng Olympic Size Swimming Pool na hindi lamang sa ating mga pinagmamalaking mga atleta sa larangan ng swimming kundi narin sa buong Pamilyang San Joseño. Ito ay matatagpuan sa Barangay Minuyan Proper.

Sa tulong ng ni Mayor Arthur B.Robes at ng Department of Public Works and Highways sa pamumuno ni Sec. Mark Villar ay maisasakatuparan natin ang proyekto na ito na tiyak na maglalagay sa San Jose Del Monte larangan ng palakasan.

Ang mga proyektong ginagawa ay sinisiguro nating mataas ang kalidad at mapapakinabangan ng ating mga kababayan.

Ito po ay para po sa ating lahat.

To God be all the Glory!

TRABAHO PARA SA SAN JOSEÑO mula saCity of San Jose Del Monte - Public Employment Service Office5 - vacancies for Marketi...
31/05/2022

TRABAHO PARA SA SAN JOSEÑO mula sa
City of San Jose Del Monte - Public Employment Service Office

5 - vacancies for Marketing Professionals
1 - In House Trainer or Automotive Instructor
1 - Customer Relations Officer

In terms of application, all applicants are advised to send their resume to [email protected]
or they can proceed in answering the job application link: https://forms.gle/1UFXuP24HovT64n76

Please check the following photos for the list of available job vacancies.

There are two ways on how to secure a REFERRAL LETTER:
1. Online Referral System (para sa mga companies na hindi pa tumatanggap ng walk-in applicants)
Gamit ang Online Referral System, Tumawag o magtext lamang sa
PESO Hotline number:
09555173520 / (044) 3065431
Sa iyong pagtawag / pagtext, ikaw ay iaassist patungkol sa proseso ng Online Referral System.

2. Walk-In (para sa mga companies na tumatanggap ng walk-in applicants)
Pumunta lamang sa PESO Motorpool or PESO Starmall.
Mag Fill-out ng NSRP Form at sundin ang proseso ng pagkuha ng referral letter

Please note that you need to have the following basic requirements: SSS/GSIS, TIN, PAG-IBIG & Philhealth

Sa ilalim ng programang Alagang Ate Rida patuloy na ipinadarama ang Serbisyong may SinseRIDAd sa bawat Pamilyang San Jos...
31/05/2022

Sa ilalim ng programang Alagang Ate Rida patuloy na ipinadarama ang Serbisyong may SinseRIDAd sa bawat Pamilyang San Joseño. Isa na rito si Nanay Ana Maria Sevilla na mula sa Barangay Kaypian na nabigyan ng bagong wheelchair upang makakatulong sa kanyang pang-araw-araw na buhay.

Hangad ni Congw. Rida na makapagbigay pag-asa sa ating mga kababayan at maipagpatuloy lang ang magandang buhay para sa ating pamilya at mga anak.

Sa pagpasok ng panahon tag ulan, ang Pamahalaang Lungsod ay nakahanda at naka-alalay sa Pamilyang San Joseño sa oras ng ...
30/05/2022

Sa pagpasok ng panahon tag ulan, ang Pamahalaang Lungsod ay nakahanda at naka-alalay sa Pamilyang San Joseño sa oras ng pangangailangan.

Sa tulong ng ating Vice Mayor Efren Bartolome Jr., City Disaster Risk and Reduction Office (CDRRMO) at City Social Welfare and Development Office(CSWD) ay inilikas natin ang 8 pamilya na nakatira sa danger zones ng Barangay Muzon.

Dinala ang mga nailikas sa Pabahay Elementary School at nskatanggap ito ng mga food packs, hot meals, at banig na kanilang magagamit habang sila ay nasa evacuation center. Sa kabuuan ay umabot ng 40 na kababayan natin ang nailikas at nailigtas sa nakaambang panganib sa kanilang mga buhay.

Pinapaalalahan po ang lahat na mag ingat po ngayong panahon ng tag ulan at wag pong mag atubiling makipag ugnayan sa ating Pamahalaang Lungsod upang kayo po ay maalalayan at matulungan.

Arya San Joseño!

Bilang bahagi ng Roadside Clearing and Facelifting Project ng City Traffic Management-Sidewalk Clearing Operations Group...
27/05/2022

Bilang bahagi ng Roadside Clearing and Facelifting Project ng City Traffic Management-Sidewalk Clearing Operations Group (CTM-SCOG), patuloy ang kanilang isinasagawang repair sa mga drainage cover at relocation ng mga streetlights/lampposts na nagdudulot ng abala sa mga sidewalk sa iba’t ibang panig ng Lungsod ng San Jose del Monte.


Matagumpay na naisagawa ang proyektong Medical Mission ni Ate Congw. Rida Robes para sa mga kababayan San Joseño. Naisak...
25/05/2022

Matagumpay na naisagawa ang proyektong Medical Mission ni Ate Congw. Rida Robes para sa mga kababayan San Joseño. Naisakatuparan ang libreng check-up , ECG, Blood Chem at nakapagpamahagi din ng gamot at reading glasses sa lugar ng Barangay Quarry Minuyan Proper, May 23, 2022.

Dahil dama ng inyong lingkod ang pangangailangan, mas sisikaping pa na maipagpatuloy ang magandang adhikain na ito dito sa ating lungsod.

Arya San Joseño!

Upang panatiliin ang kalinisan at kaayusan, minarapat ng City Traffic Management-Sidewalk Clearing Operations Group (CTM...
25/05/2022

Upang panatiliin ang kalinisan at kaayusan, minarapat ng City Traffic Management-Sidewalk Clearing Operations Group (CTM-SCOG) ang pagbabaklas ng mga tarpaulin na walang kaukulang permit mula sa Business Permit and Licensing Office (BPLO).

Base sa Sangguniang Panlungsod Ordinance No. 2022-102-01, ipinagbabawal rin ang pagkakabit, pagdidikit at pagsasabit ng mga tarpaulins sa mga puno, poste at mga pampublikong gusali.

Address

San Jose Del Monte

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SJDM The Rising City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SJDM The Rising City:

Share