07/10/2026
IN PHOTOS
Pormal nang tinanggap ng 62 na Pamunuang Barangay sa lungsod ang 200,000 cheque mula sa programang Bawat Barangay Makikinabang ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa isinagawang Ceremonial Turnover and Distribution nitong Miyerkules, October 7, na pinangunahan mismo ni Mayor Ate Rida Robes katuwang ang mga opisyal ng Liga ng mga Barangay.
Ang programang "Bawat Barangay Makikinabang" ay bahagi ng ipinangako ni PBBM sa kanyang ika-limang SONA na matatanggap ng mga barangay mula sa Office of the President sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF) na layong mailaan ang 200,000 para sa educational assistance program ng mga barangay para sa pag-aaral at kinabukasan ng mga iskolar ng bayan.
Patuloy ang masigasig na pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte at pagsuporta nito sa mga programang nasyunal upang maibaba ang mga ito para sa Pamilyang San JoseΓ±o.
πNew Government Center, Barangay Dulong Bayan
πΈ Mags Oliva | Joh Balizaliza