24/08/2026
PAHAYAG
Sa kabila ng samu't saring post at komento sa social media dapat pa rin nating pairalin ang respeto at paggalang.
Bilang isang ina at Punong Lungsod, hindi man siya palaging perpekto at maaaring may mga desisyong hindi natin sinasang-ayunan, hindi ito dahilan upang siya ay bastusin o maliitin.
Ang hindi pagkakasundo ay bahagi ng isang komunidad, ngunit ang paggalang ay dapat manatili.
Maaari tayong magpahayag ng saloobin nang hindi nananakit, at maaari tayong tumuligsa nang hindi nang-iinsulto.
Sapagkat sa huli, iisa pa rin ang ating hangarin—ang ikabubuti ng ating lungsod at ng bawat mamamayang San Joseño . ❤️