City of San Jose del Monte - Tricycle Regulatory UNIT

City of San Jose del Monte - Tricycle Regulatory UNIT Government

LIBRENG SAKAYBilang pakikiisa sa masayang pagdiriwang ng Tanglawan Festival 2026, ang Tanggapan ng Tricycle Regulatory U...
07/09/2026

LIBRENG SAKAY

Bilang pakikiisa sa masayang pagdiriwang ng Tanglawan Festival 2026, ang Tanggapan ng Tricycle Regulatory Unit (TRU), katuwang ang Minuyan Rd. 2 TODA, ay nagbigay ng Libreng Sakay noong ika-5 at ika-6 ng Setyembre 2026 sa mga tumangkilik ng programa ng Tanglawan Festival 2026.

Layunin ng programa na makatulong sa ating mga mamamayan na dumalo sa pagdiriwang sa pamamagitan ng ligtas, maayos, at libreng transportasyon.

Tungo sa patuloy na Asenso, na may Gabay at Regulasyon.



TINGNAN | TRICYCLE INSPECTION 🚦Isinagawa ang Tricycle Inspection sa KPC TODA noong Setyembre 1, 2026, bilang bahagi ng p...
03/09/2026

TINGNAN | TRICYCLE INSPECTION 🚦

Isinagawa ang Tricycle Inspection sa KPC TODA noong Setyembre 1, 2026, bilang bahagi ng pagpapadali sa proseso ng MTOP renewal para sa mga operator at drayber.

Sa pamamagitan ng on-site inspection, natitiyak ang roadworthiness ng mga tricycle at nababawasan ang oras, gastos, at abala sa pagpunta sa tanggapan.



Nagsagawa ng Coordination Meeting ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) at Minuyan Road 2 TODA bilang paghahanda para sa na...
27/08/2026

Nagsagawa ng Coordination Meeting ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) at Minuyan Road 2 TODA bilang paghahanda para sa nalalapit na Tanglawan Festival.

Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang mga kinakailangang paghahanda upang matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong pagdiriwang.



23/08/2026
20/08/2026

Mananatiling alternative work arrangements ang ipapatupad sa mga pampublikong tanggapan ng pamahalaan sa Bulacan at iba pang karatig lugar bukas, August 20.

Alinsunod yan sa Memorandum Circular No. 131 na inilabas ng MalacaΓ±ang ngayong Miyerkules, August 19 kung saan pinaghahanda ang lahat sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Ipatutupad din ang alternative learning modes at learning continuity measures sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan maliban na lang kung may ibang direktiba ang mga Punong Ehekutibo.

Samantala, magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensyang responsable sa paghahatid ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng publiko.

Para naman sa pribadong sektor, diskresyon na ng kanilang management ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements.

Mag-ingat at manatiling updated sa mga opisyal na abiso ng lokal na pamahalaan.


18/08/2026

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON AUGUST 19

Pursuant to Memorandum Circular No. 129, government offices are directed to implement appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces on August 19, 2026:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Abra
πŸ“ Benguet
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Bataan
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Nueva Ecija
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Zambales
πŸ“ Batangas
πŸ“ Cavite
πŸ“ Laguna
πŸ“ Rizal
πŸ“ Occidental Mindoro
πŸ“ Oriental Mindoro

Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes and learning continuity measures at all levels in public and private schools shall be implemented in the aforementioned areas.

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

18/08/2026

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS SA MGA GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES SA MGA PAARALAN SA BULACAN, NCR AT ILANG PROBINSYA, IPAPATUPAD BUKAS, AUGUST 18.

Sa Memorandum Circular No. 128 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, ipinag-utos ng Malacanang ang pagsasagawa ng Work-from-Home (WFH) sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning mode sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan bukas, Agosto 18, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng habagat.

Alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ipatutupad ang WFH at suspension ng face-to-face classes sa lalawigan ng Bulacan at iba pang karatig lugar.

Samantala, hindi sakop ng WFH set-up ang mga ahensya ng pamahalaang may kinalaman sa paghahatid ng basic at health services, preparasyon at pagtugon sa sakuna at kalamidad.

Ipinauubaya naman ng MalacaΓ±ang sa mga Local Chief Executives ang kapangyarihang magpasiya kung kinakailangang suspendihin din ang pasok sa mga lugar na kanilang nasasakupan na hindi napabilang sa memorandum circular habang nasa diskresyon naman ng pamunuan ng pribadong sektor ang pagdeklara ng suspensyon sa trabaho.


🚦 π—£π—”π—šπ——π—œπ—‘π—œπ—š 𝗔𝗧 π——π—”π—¬π—”π—Ÿπ—’π—šπ—’ 🚦Nagsagawa ng pagdinig ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) sa pangunguna ni G. Allan Cruz kasama a...
03/08/2026

🚦 π—£π—”π—šπ——π—œπ—‘π—œπ—š 𝗔𝗧 π——π—”π—¬π—”π—Ÿπ—’π—šπ—’ 🚦

Nagsagawa ng pagdinig ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) sa pangunguna ni G. Allan Cruz kasama ang DB TODA at KPC TODA noong ika 31 ng Hulyo 2026.

Tinalakay sa nasabing pulong ang usapin sa pagsasakay ng mga pasahero sa labas ng kani-kanilang ruta o zona.

Disiplina. Pagkakaisa. Serbisyo.



PAKIKIPAG-UGNAYAN at KOORDINASIYONNagsagawa ng pulong ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) at City Traffic Management Grou...
03/08/2026

PAKIKIPAG-UGNAYAN at KOORDINASIYON

Nagsagawa ng pulong ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) at City Traffic Management Group (CTMG) kasama ang MUZON TODA noong ika-30 ng Hulyo 2026 upang talakayin ang mga hakbang para sa epektibong pamamahala ng pampasaherong tricycle na kanilang nasasakupan at para sa maayos at ligtas na kapakanan ng kanilang mga mananakay.



Address

2nd Floor Impounding Area Motorpool, Brgy. Sapang Palay Proper
San Jose Del Monte
3024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of San Jose del Monte - Tricycle Regulatory UNIT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share