01/06/2026
โ๐ช๐ฎ๐ด ๐ ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐น๐ผ๐ธ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฉ๐ฎ๐ฝ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ถ๐ด๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐๐ผ!
Ang Mayo 31 ay World No To***co Day habang ang buong Hunyo naman ay ginugunita bilang No Smoking Month upang palakasin ang kamalayan laban sa masamang epekto ng sigarilyo at v**e. Ang paninigarilyo at va**ng ay maaaring magdulot ng kanser, sakit sa puso, sakit sa baga, at EVALI o v**e-related lung injury.
Walang ligtas na antas ng paninigarilyo at va**ng. Ang pag-iwas o pagtigil dito ay malaking hakbang tungo sa mas mahabang buhay at mas malusog na pamilya.
Piliin ang hiningang malaya sa usok at vapors para sa sarili at sa mga mahal sa buhay.
Para sa tulong sa pagtigil sa paninigarilyo, tumawag sa DOH Quitline 1558 o bumisita sa pinakamalapit na health center.