Ate VANJ Manugue

  • Home
  • Ate VANJ Manugue

Ate VANJ Manugue Hi! This is Ate Vanj Manugue, the City Vice Mayor of San Jose City, Nueva Ecija. Masaya po ako na makasama kayo sa paglilingkod sa ating lungsod!

Mabuhay ang San Josenio!

Bumabati po tayo sa kapatiran ng Iglesia Ni Cristo sa ating lungsod at sa buong mundo ng isang Maligayang Pagdiriwang ng...
27/07/2026

Bumabati po tayo sa kapatiran ng Iglesia Ni Cristo sa ating lungsod at sa buong mundo ng isang Maligayang Pagdiriwang ng kanilang ika-112 Anibersaryo ng Pagkakatatag!

Pagpalain po ng Panginoon ang kapatiran!🙏🏻

Pagbati mula sa inyong lingkod,
Vice Mayor Vanj Manugue

Isang masiglang araw ng Martes po sa ating lahat! Kuha po ito ngayong umaga sa ating Project LAWA at BINHI kasama ang at...
07/07/2026

Isang masiglang araw ng Martes po sa ating lahat! Kuha po ito ngayong umaga sa ating Project LAWA at BINHI kasama ang ating Mayor James Violago at ilang mga konsehal ng lungsod.

Ito po ay proyekto ng DSWD na ibinababa sa ating mga lokal na pamahalaan, kung saan makakatanggap po ang mga registered farmers natin ng mga binhi o pataba, o di naman ay fingerlings, at iba pang mga tulong para sa kanilang mga pagtatanim at pag-iisda.

Lumagda po tayo sa Pledge of Commitment, na naglalayon na ang inyo pong mga lingkod ay patuloy na susuporta at makikiisa sa mga programa ng DSWD para mas marami pang mga kalungsod natin ang makatatanggap ng tulong at biyaya mula sa ating National Government Agencies.

06/07/2026

Ngayong unang Lunes ng buwan ng Hulyo, atin pong promal na inilatag ang Nutrition Month sa kalagitnaan ng ating Flag Raising Ceremony, kasama ang ating Sangguniang Panlungsod at mga kawani ng LGU, sa suporta ng ating Mayor James Violago.

May mga programs and activities po na nakahanda ang ating Lokal na Pamahalaan sa pagdiriwang nito. Abangan po natin iyan at makisaya po tayo!

Mapagpalang buwan ng Hulyo po sa ating lahat!🥰

02/07/2026

Mayor James Violago natin 'yan!🤩👍🏻

24/06/2026

Libreng Dialysis? Malapit na po 'yan dito sa ating lungsod!🙏🏻

Kanina po ay nagkaroon tayo ng Groundbreaking Ceremony para sa itatayong San Jose City Dialysis Center kasama ang ating Mayor James Violago at mga Konsehal.

Ito po ay isang pangarap na abot-kamay na natin! Alam po natin kung gaano kahalaga ang ganitong proyekto para sa ating mga kababayang may karamdaman, at sa kanilang mga pamilya. Hindi po biro ang pagda-dialysis- na kung minsan ay hindi na makuha dahil sa gastusin. Kaya naman masayang masaya po ang aming mga puso na ihatid sa inyo ang proyektong ito.

Sa lungsod ng San Jose, prayoridad ang kalusugan!🙏🏻❤️

21/06/2026

Happy Father's Day po sa lahat ng Ama sa ating lungsod!🥰💚

08/06/2026

Isa na naman pong makabuluhang araw para sa ating Sangguniang Panlungsod sa ating 18th Regular Session kanina!

Tulad po ng nakagawian, binuksan po natin ang ating sesyon sa Word of God at panalangin mula sa SJCPM. Matapos po ito, ay dire-diretso po at tulu-tuloy ang ating pagtalakay sa iba't-ibang isyung pang-lehislatura, kasama ang ating mga konsehales ng lungsod, mga resource persons at mga bisita.

Happy Monday po, mga kalungsod!
Ingat po tayong lahat sa maulang panahon.❤️

07/06/2026

Brigada Eskwela 2026 na!
Ready na po ba ang lahat para sa pasukan?

Nakiisa po muli tayo sa taunang Brigada Eskwela, tulad ng ating nakagawian taun-taon.

Saludo po sa lahat ng tumulong at nagcontribute sa lahat ng paaralan ng ating lungsod!

Sa maliit man o malaking paraan, basta't tulong-tulong po tayong lahat, ay siguradong maraming kabataan ang makikinabang at matutulungan!🫡📖

Address

Belareez Heights

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ate VANJ Manugue posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share