Charlie Company, 96th Infantry Battalion - Centurion

Charlie Company, 96th Infantry Battalion - Centurion The Philippine Army unit in the Island of Ticao, Masbate. As Centurions, we take pride in living by our core values of honor, patriotism, and duty.

We are CHARLIE COMPANY, 96TH INFANTRY BATTALION - CENTURION, proudly serving under the Philippine Army. Our mission is to uphold peace, security, and development in Ticao Island, Masbate through strong community engagement and partnership with local stakeholders. Our unit is deeply committed to maintaining a peaceful environment where every resident can live without fear and with hope for a better

future. We believe that true security is not only achieved through military operations, but also through the trust and cooperation of the people we serve. Through continuous collaboration with local government units, barangay officials, the police, schools, and civic organizations, we work hand in hand to address community concerns and promote unity. Our soldiers actively participate in outreach programs, clean-up drives, feeding activities, and youth engagements that build stronger relationships between the Army and the community. We also conduct information drives and dialogues to strengthen awareness about peacebuilding, national security, and the role of every citizen in sustaining harmony. Our goal is to make Ticao Island a zone of peace and progress, where development thrives alongside safety and cooperation. We are not only defenders of the land but also partners in nation-building. Every mission we accomplish and every community we touch reflect our dedication to the Filipino people. Through our actions and commitment, Charlie Company continues to be a beacon of hope and trustโ€”proving that the Philippine Army stands not only as protectors of peace but as true servants of the people. Together with the people of Ticao Island, we move forward toward a future built on peace, unity, and shared progress. Join the Philippine Army. Be one of us.
๐Ÿ“ž Civil-Military Operations Hotline: 0964-099-6343
Charlie Company, 96th Infantry Battalion - Centurion

PRESS RELEASE11 January 2026Ticao Island, MasbateCHARLIE COMPANY, 96IB, 9ID, PHILIPPINE ARMY AT MASBATE PSWDO, NAGHATID ...
11/01/2026

PRESS RELEASE
11 January 2026
Ticao Island, Masbate

CHARLIE COMPANY, 96IB, 9ID, PHILIPPINE ARMY AT MASBATE PSWDO, NAGHATID NG TULONG SA MGA APEKTADO NG BAGYO SA TICAO ISLAND, MASBATE

Ticao Island, Masbate โ€” Naghatid ng humanitarian assistance ang mga tropa ng Charlie Company, 96IB, 9ID, Philippine Army, katuwang ang Masbate Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), para sa mga residente at dating rebelde na naapektuhan ng nagdaang bagyo sa Ticao Island, Masbate. Ang aktibidad ay bahagi ng Whole-of-Nation Approach sa pagtugon sa kalamidad at pagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad.

Sa pangunguna ni 1LT PATRICK JOHN B BEASON (INF) PA, Commanding Officer ng Charlie Company, at katuwang si MRS. GRACE LEPASANA, Focal Person ng PSWDO, naipamahagi ang ibaโ€™t ibang uri ng tulong kabilang ang OCD family packs, repair kits/tools, hygiene kits, family kits, food packs, kitchen sets, at tarp (trapal).

Ang inisyatibong ito ay naglalayong matulungan ang mga benepisyaryo na makabangon agad mula sa pinsalang dulot ng bagyo at mapalakas ang kanilang kakayahang muling makapagsimula. Dagdag pa rito, patuloy ang suporta ng tropa sa mga programang nagtataguyod ng kapayapaan, kaunlaran, at mapayapang reintegrasyon ng mga dating rebelde sa lipunan.

Pinagtitibay ng Philippine Army ang kanilang pangako na maging katuwang ng mga lokal na pamahalaan at ibaโ€™t ibang ahensya sa pagbibigay ng serbisyong makatao, lalo na sa panahon ng sakuna at pangangailangan.









96th Infantry โ€œAlabโ€ Battalion, 9ID, PA
903rd Infantry โ€œPatriotโ€ Brigade, 9ID, PA
9th Infantry โ€œSpearโ€ Division, Philippine Army

Barangay Dorong-an Daplian at Barangay Washington, San Jacinto, Masbate, Agarang Inalis at Sinira ang Propaganda Materia...
25/12/2025

Barangay Dorong-an Daplian at Barangay Washington, San Jacinto, Masbate, Agarang Inalis at Sinira ang Propaganda Materials; Ipinahayag ang Paninindigan sa Kapayapaan

SAN JACINTO, MASBATE โ€” Agarang kumilos ang mga pamunuan at residente ng Barangay Dorong-an Daplian at Barangay Washington, San Jacinto, Masbate matapos matagpuan ang ilang propaganda materials na may kaugnayan sa mga mapanlinlang na aktibidad ng makabilang grupo sa kani-kanilang lugar.

Sa pamumuno nina Barangay Captain Oscar Almoete ng Brgy Dorong-an Daplian at Barangay Captain Erly Bartolata ng Brgy Washington, kusang inalis at sinira sa pamamagitan ng pagsunog ang naturang mga materyales bilang malinaw na pahayag ng paninindigan ng komunidad na hindi pinahihintulutan ang paggamit sa kanilang mga barangay para sa mga gawaing hindi nagmumula sa kagustuhan at kapakanan ng mamamayan.

Ipinakita ng mga mamamayan ang kanilang matibay na paninindigan laban sa panlilinlang, pananakot, at pangingikil na matagal nang nagpapahirap sa mga magsasaka at kabuhayan, lalo na sa mga liblib na lugar. Ang pagtanggal at pagsunog ng mga propaganda ay simbolo ng pagkakaisa at commitment ng komunidad laban sa terorismo.

Kasabay nito, kinilala ng Barangay Dorong-an Daplian at Barangay Washington ang patuloy na suporta ng Charlie โ€œCenturionโ€ Company, 96th Infantry Battalion, Philippine Army, katuwang ang Philippine National Police, sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan ng lugar bilang suporta sa mga inisyatiba ng barangay at lokal na pamahalaan.

Dagdag pa ng mga pamunuan ng barangay, ang kanilang mga komunidad ay nananatiling nakatuon sa mga programang pangkaunlaran na pinangungunahan ng barangay at San Jacinto LGU, kabilang ang Modified Community Support and Sustainment Program (MCSSP), na layong tugunan ang pangangailangan ng mamamayan at palakasin ang tiwala at kooperasyon sa loob ng komunidad.

Kasalukuyan ding isinasagawa ang mga road opening at road rehabilitation projects sa nasasakupan ng Barangay Dorong-an Daplian at Barangay Washington, na nagsisilbing konkretong patunay na umaabot ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan kahit sa mga liblib na barangay. Ang mga proyektong ito ay malinaw na nagpapakita ng patuloy na pagtutok ng pamahalaan sa kaunlaran at konektibidad ng mga komunidad, taliwas sa mga impormasyong ipinapakalat ng makabilang grupo na naglalayong maghasik ng maling pananaw at pagkakahati sa mamamayan.

Nanawagan ang mga barangay sa kanilang mga residente na:
โ€ข Manatiling mapanuri at responsable sa impormasyong kanilang natatanggap
โ€ข Ipagpatuloy ang aktibong pakikiisa sa mga programa at aktibidad ng barangay
โ€ข Ipaalam agad sa pamunuan ng barangay ang anumang kahalintulad na insidente upang matugunan sa maayos at mapayapang paraan

Pinagtibay ng Barangay Dorong-an Daplian at Barangay Washington na ang tunay na kapayapaan at kaunlaran ay nagmumula sa nagkakaisang komunidad, na may maayos na ugnayan at tuloy-tuloy na suporta mula sa pamahalaan at mga katuwang na ahensya.






96th Infantry โ€œAlabโ€ Battalion, 9ID, PA
903rd Infantry โ€œPatriotโ€ Brigade, 9ID, PA
9th Infantry โ€œSpearโ€ Division, Philippine Army
LGU, San Jacinto, Masbate

Matagumpay na naisagawa ng CHARLIE (CENTURION) COMPANY, 96TH INFANTRY (ALAB) BATTALION, 9ID, PA sa Barangay Dorong-an Da...
14/12/2025

Matagumpay na naisagawa ng CHARLIE (CENTURION) COMPANY, 96TH INFANTRY (ALAB) BATTALION, 9ID, PA sa Barangay Dorong-an Daplian, San Jacinto, Masbate ang programang โ€œGardening sa Barangayโ€ sa pangunguna ng Ama ng Barangay, Hon. Oscar Almoete, katuwang ang mga lokal na opisyal at mamamayan ng barangay.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na suporta ng Philippine Army sa seguridad at pangangalaga sa kapaligiran, pagpapalakas ng pagtutulungan ng komunidad, at pagsusulong ng sustenableng kaunlaran.






96th Infantry โ€œAlabโ€ Battalion, 9ID, PA
903rd Infantry โ€œPatriotโ€ Brigade, 9ID, PA
9th Infantry โ€œSpearโ€ Division, Philippine Army

14/12/2025
08/12/2025
05/12/2025
05/12/2025

๐—ก๐—ฃ๐—” ๐—ป๐—ฎ ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฒ, ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ธ๐˜„๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—น ๐—ง๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐—ป! ๐—ก๐—ฃ๐—” ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ต๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐Ÿต๐Ÿฒ๐—œ๐—•Isang miyembro ng CPP-NPA ang napatay habang matat...
05/12/2025

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—น ๐—ง๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—น๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐—ป! ๐—ก๐—ฃ๐—” ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ต๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐Ÿต๐Ÿฒ๐—œ๐—•

Isang miyembro ng CPP-NPA ang napatay habang matataas na kalibre ng baril at iba pang kagamitan ang narekober ng tropa ng 96th Infantry โ€œAlabโ€ Battalion matapos ang engkwentro noong 03 December 2025 sa Sitio Kalunacon, Barangay Igang, Masbate.

Nagsimula ang operasyon matapos makatanggap ang 96IB ng sumbong mula sa mga residente hinggil sa pangingikil at pananakot na ginagawa ng armadong grupo sa lugar. Agad na naglunsad ng combat operations ang tropa upang tugunan ang hinaing ng mamamayan.

Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga kasundaluhan at ng mga teroristang NPA. Nang sinuyod ng tropa ang lugar malapit sa pinangyarihan noong umaga ng 04 December 2025, natagpuan nila ang naiwang mga matataas na kalibre ng baril, mga bala, ilang kagamitan at bangkay ng isang rebelde.

Ayon sa pamunuan ng 96IB na pinamumunuan ni Lt. Col. Edward L. Balisong, patuloy ang kanilang determinasyon na protektahan ang mga mamamayan ng Masbate at wakasan ang pangingikil at karahasan ng teroristang grupo. Hinimok niya ang publiko na magpatuloy sa pagbigay ng impormasyon upang tuluyang masugpo ang natitirang banta ng NPA sa lalawigan.

One AFP, One Philippines. Strong AFP, Strong Philippines.






Philippine Army
903rd Infantry โ€œPatriotโ€ Brigade, 9ID, PA
Southern Luzon Command, AFP
9th Infantry "Spear" Division, Philippine Army
Kalinaw News
Armed Forces of the Philippines
2nd Civil Relations Group, Crsafp

Address

Sitio Guiwanon, Brgy Danao, Masbate
San Jacinto
2431

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Charlie Company, 96th Infantry Battalion - Centurion posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share