05/06/2026
πβοΈ BRIGADA ESKWELA 2026 βοΈπ
Bilang pakikiisa sa paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase, nakiisa ang Sangguniang Barangay ng San Roque sa Brigada Eskwela ng San Roque Elementary School sa pangunguna ni Punong Barangay Kap. Olan Tinio kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay.
Bilang suporta sa ating mga g**o at mag-aaral, nagkaloob ang Barangay San Roque ng mga bond paper at printer ink na magagamit sa mga gawaing pang-edukasyon ng paaralan.
Ang simpleng tulong na ito ay patunay ng patuloy na pakikiisa at suporta ng ating barangay sa sektor ng edukasyon. Naniniwala tayo na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaang barangay, paaralan, at komunidad, mas magiging maayos at matagumpay ang paghahanda para sa panibagong taon ng pag-aaral.
Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi at sumuporta sa Brigada Eskwela. Sama-sama nating itaguyod ang kalidad na edukasyon para sa kabataang San Roque!