03/09/2026
Pampinid na Palatuntunan sa Buwan ng Wika, Isinagawa ng NASA Elementary School
Isinagawa ng NASA Elementary School ang pampinid na palatuntunan bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, tampok ang ibaโt ibang paligsahan na naglalayong ipakita ang kahusayan, pagkamalikhain, at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.
Kabilang sa mga pangunahing gawain ang Tagisan ng Talino at Paglikha ng Poster, kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman at talento sa pamamagitan ng mga gawaing may kaugnayan sa wika, kultura, at pagka-Pilipino.
Naging makulay rin ang pagdiriwang dahil sa pagsusuot ng mga g**o at mag-aaral ng barong Tagalog at Filipiniana, na sumimbolo sa pagpapahalaga sa tradisyon, kultura, at pagkakakilanlang Pilipino.
Pinangunahan at inayos ang mga gawain sa pangunguna ni Beah Mae D. Lupogan, tagapag-ugnay ng pagdiriwang, katuwang ang mga g**o at mag-aaral ng paaralan.
Sa pamamagitan ng mga naturang aktibidad, muling naipakita ng NASA Elementary School na ang Buwan ng Wika ay hindi lamang pagdiriwang ng isang buwan kundi isang pagkakataon upang linangin ang pagmamahal sa sariling wika, kultura, at pagka-Pilipino.