20/02/2024
COMMUNITY OUTREACH PROGRAM HANDOG NG SAN ISIDRO PNP
San Isidro, Isabela-Naghatid saya at tuwa sa mga residente ng Sitio Nagtupikan ang isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa Brgy. Cebu, San Isidro, Isabela nito lamang araw ng martes, ika-20 Pebrero, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major GRANDEUR M TANGONAN Chief of Police kasama sina Hon. Cristine Bravo (SB member) at Sangguninang Barangay ng naturang lugar.
Umabot naman sa 60 pamilya ang nabiyayaan ng Grocery Packs at nagkaroon din ng feeding program na lalong ikinatuwa ng mga benepisyaryo.
Labis naman ang pasasalamat ng mga naging benepisyaryo lalo na ang kanilang Punong Barangay dahil napili ang kanilang lugar sa mga ganitong aktibidad ng kapulisan.
Ayon kay Police Major Tangonan, hindi sila titigil sa paghahandog ng tulong sa mga kababayang higit na nangangailangan saan mang sulok ng kanilang nasasakupan.
Patuloy ang San Isidro Police Station katuwang ang Stakeholders na magsasagawa ng mga ganitong aktibidad alinsunod sa Programa ni Chief PNP BENJAMIN C ACORDA Jr at Pangulong FERDINAND "B**g B**g" R MARCOS Jr tungo sa bagong lipunan. # # #
________________________________________________________________________
PRESS RELEASE
022024-001
Authority: PMAJ GRANDEUR M TANGONAN Chief of Police
San Isidro Police Station IPPO, PRO2
Hotline:09773099391/09985985268
Email: [email protected]
FB Account: San Isidro PNP
Date: February 20, 2024