ONE Malipampang

Directions Website

ONE Malipampang OFFICIAL PAGE of Barangay Malipampang 2024

⭐️POSTING FOR A FRIEND⭐️ If may question po kayo, contact the details below. *Whatsapp:* +974 3002 5545*Email:* info@mmi...
05/10/2026

⭐️POSTING FOR A FRIEND⭐️ If may question po kayo, contact the details below.

*Whatsapp:* +974 3002 5545
*Email:* [email protected]

*πŸ“’ HIRING: HEALTHCARE PROFESSIONALS*

We are currently sourcing qualified local and overseas candidates for home care positions in Qatar.

*We are looking for:*

*πŸ‘©β€βš•οΈ Registered General Nurses (RGNs)*

*Requirements:*
- Graduate of a four-year nursing diploma program
- Valid practice license or Nursing Council registration
- Minimum 2 years of experience after registration
- DataFlow verification required
- Prometric required
- Willing to work in a home care setting
- Maximum age: 38 years

*πŸ‘©β€βš•οΈ Licensed Practical Nurses (LPNs)*

*Requirements:*
- Graduate of a four-year nursing diploma program
- Valid practice license or Nursing Council registration
- Candidates with 1+ year of experience may apply
- Candidates without experience may also be considered
- DataFlow verification required
- Prometric not required
- Willing to work in a home care setting
- Maximum age: 38 years

*🩺 Nurse Technicians (NTs)*

*Requirements:*
- Graduate of a four-year nursing diploma program
- Valid practice license or Nursing Council registration
- Candidates with 1+ year of experience may apply
- Candidates without experience may also be considered
- DataFlow verification required
- Prometric not required
- Willing to work in a home care setting
- Maximum age: 38 years

*❀️ Patient Care Assistants (PCAs)*

*Requirements:*
- Nursing graduate with relevant caregiving or healthcare qualifications
- Willing to work in a home care setting
- Maximum age: 38 years

*πŸ“ Location:* Qatar
*🌍 Candidates:* Local & Overseas Applicants
*🏠 Work Setting:* Home Care

*Interested candidates: Please send your updated CV and relevant credentials for screening and further recruitment details.*
*Whatsapp:* +974 3002 5545
*Email:* [email protected]

*πŸ“© Apply Now – Limited Positions Available!*

πŸ’™ PATULOY NA PAGKALINGA AT PAGMAMALASAKIT SA ATING MGA KABARANGAY! πŸ’™Bilang pagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa ati...
04/10/2026

πŸ’™ PATULOY NA PAGKALINGA AT PAGMAMALASAKIT SA ATING MGA KABARANGAY! πŸ’™

Bilang pagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa ating mga kabarangay, namahagi si Kapitan Roy β€œPaloy” Santos, kasama si Konsehal Gigi Vicmudo at ang iba pang volunteers ng ating barangay, ng mga food pack para sa ating mga minamahal na senior citizen at Persons with Disabilities (PWD) ng Barangay Malipampang.πŸ‘΄πŸ‘΅β™ΏοΈ

Sa pamamagitan ng simpleng handog na ito, hangad ng ating Kapitan Paloy at ng buong pangkat na makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at maipadama na sila ay patuloy na pinahahalagahan, inaalala, at inaalagaan.πŸ«‚πŸ’™

Ang ganitong pagkilos ay patunay na ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa mga proyektong naipatutupad, kundi higit sa lahat, sa malasakit at pagkalingang kusang ibinibigay sa bawat kabarangay, lalo na sa mga higit na nangangailangan.πŸ«‚πŸ’™

Sama-samang naglilingkod, nagmamalasakit, at nagbibigay ng pag-asa sa bawat pamilyaπŸ«‚πŸ’™

πŸŽ‰ HAPPY TEACHERS’ DAY! πŸ’™Bilang pagpupugay at pasasalamat sa ating mga dakilang g**o, punong-g**o, at mga non-teaching pe...
02/10/2026

πŸŽ‰ HAPPY TEACHERS’ DAY! πŸ’™

Bilang pagpupugay at pasasalamat sa ating mga dakilang g**o, punong-g**o, at mga non-teaching personnel ng Malipampang Elementary School, minabuti ni Kapitan Roy β€œPaloy” Santos na bigyan sila ng pagkakataong makapagpahinga, makapaglibang, at masiyahan sa isang simpleng salu-salo bilang pagkilala sa kanilang walang sawang paglilingkod at dedikasyon sa larangan ng edukasyon.πŸ’™

Bilang munting pasasalamat sa kanilang pagsisikap at sakripisyo sa paghubog ng kaalaman at kinabukasan ng ating mga kabataan, personal silang dinala ni Kapitan Paloy sa isang Unli Food Chain upang makapag-enjoy, makapagsalo-salo, at pansamantalang makapagpahinga mula sa kanilang mga responsibilidad sa paaralan.

Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Malipampang Elementary School sa inyong tiyaga, malasakit, at patuloy na paggabay sa ating mga mag-aaral. Tunay na mahalaga ang inyong papel sa pagbuo ng isang mas maliwanag na kinabukasan para sa susunod na henerasyon. ❀️

Mabuhay ang ating mga g**o at non-teaching personnel! Saludo kami sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa propesyon! πŸ‘πŸŽ‰

Happy Teachers’ Day! πŸ’

Pagpupugay at pasasalamat mula kay Kapitan Roy β€œPaloy” Santos! πŸ’š

01/10/2026

πŸŽ‰πŸŽ‚ MALIGAYANG KAARAWAN SA ATING MGA OCTOBER CELEBRANTS! πŸŽ‚πŸŽ‰

Isang masaya at makabuluhang pagbati sa lahat ng mga kawani ng Barangay Malipampang na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Oktubre! πŸ₯³

Nawa’y maging puno ng saya, biyaya, mabuting kalusugan at tagumpay ang inyong buhay. Maraming salamat sa inyong sipag, dedikasyon at patuloy na paglilingkod sa ating mga kabarangay. ❀️

Muli, maligayang kaarawan sa inyong lahat! 🎈🎁

Pagbati mula kay Kapitan Roy β€œPaloy” Santos. πŸ’™

Disclaimer: The music, videos and images used in the content belong to the rightful owner, NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED.

πŸ“’ PAALALA,  BARANGAY MALIPAMPANG! πŸ’™May pagbabago po ng venue para bukas ito po ay sa center na po gaganapinInaanyayahan ...
22/09/2026

πŸ“’ PAALALA, BARANGAY MALIPAMPANG! πŸ’™

May pagbabago po ng venue para bukas ito po ay sa center na po gaganapin

Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Malipampang, lalo na ang PWD, Senior Citizens, at mga may maintenance o walang maintenance, na makiisa sa PhilHealth YAKAP Program Registration. πŸ₯❀️

πŸ“… Setyembre 23, 2026
⏰ 8:00 AM
Venue: RHU CENTER Purok 4
πŸ“Œ Dalhin ang mga sumusunod:
βœ… Valid ID
βœ… 1 photocopy ng Valid ID
πŸ“± Cellphone na may load, kung maaari

‼️PAALALA: MAG DOWNLOAD NA PO NG EGOV APP AT MAGREGISTER PARA PO MAGING MABILIS ANG PROSESO. ‼️

Ito po ang link sa APP⬇️

IOS User: https://apps.apple.com/ph/app/egovph/id6447682225

ANDROID User: https://play.google.com/store/apps/details?id=egov.app&pcampaignid=web_share

Ang programang ito ay bahagi ng ating sama-samang hakbang tungo sa mas malusog na pamilya at mas matatag na Barangay Malipampang. πŸ’™

Hinihiling po namin ang inyong pakikiisa at paglalaan ng oras upang kayo ay mairehistro at makinabang sa PhilHealth YAKAP Program.

πŸ’™ Sama-sama para sa Mas Malusog na Malipampang! πŸ’™

πŸ‘οΈ LIBRENG OPLAN SILIP MATA πŸ‘οΈMga kabarangay, inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Libreng Oplan Silip Mata para sa l...
22/09/2026

πŸ‘οΈ LIBRENG OPLAN SILIP MATA πŸ‘οΈ

Mga kabarangay, inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Libreng Oplan Silip Mata para sa libreng pagsusuri ng mata.

πŸ“… Kailan: Setyembre 26, 2026 (Sabado)
⏰ Oras: 10:00 ng umaga
πŸ“ Saan: Purok 2 – Daycare Vervill

Huwag palampasin ang pagkakataong mapatingnan ang inyong mga mata. Ang maagang pagsusuri ay mahalaga upang malaman at maagapan ang anumang problema sa paningin.πŸ‘€πŸ‘

LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA ATING MGA KABARANGAY! πŸ‘οΈπŸ’™

Magkita-kita po tayo sa Purok 2 – Daycare Vervill!πŸ‘€

🏠 HOUSING PROJECT ANNOUNCEMENT 🏠Mga Ka-Barangay, may Housing Project po na malolocate sa bahagi ng Maasim at Malipampang...
21/09/2026

🏠 HOUSING PROJECT ANNOUNCEMENT 🏠

Mga Ka-Barangay, may Housing Project po na malolocate sa bahagi ng Maasim at Malipampang.

Para po sa mga interesadong magkaroon ng sariling tahanan, kahit wala pa pong sariling lupa, maaaring mag-inquire at kumuha ng application form sa Barangay Hall.

Deadline of submission ng form ay hanggang katapusan po ng September lamang po kaya kung interesado magpunta na po kayo sa ating Brgy Hall at makipag-ugnayan po sa ating Barangay Secretary Rechelle para makakuha ng form.

NOTE:
Sa mga nagnanais po kumuha ng form at mag apply ay need po na may Pag-ibig Id Number.

πŸ“’ PAALALA,  BARANGAY MALIPAMPANG! πŸ’™Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Malipampang, lalo na ang PWD, Seni...
21/09/2026

πŸ“’ PAALALA, BARANGAY MALIPAMPANG! πŸ’™

Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Malipampang, lalo na ang PWD, Senior Citizens, at mga may maintenance o walang maintenance, na makiisa sa PhilHealth YAKAP Program Registration. πŸ₯❀️

πŸ“… Setyembre 22 at 23, 2026
⏰ 8:00 AM
πŸ“ Barangay Malipampang Barangay Hall

πŸ“Œ Dalhin ang mga sumusunod:
βœ… Valid ID
βœ… 1 photocopy ng Valid ID
πŸ“± Cellphone na may load, kung maaari

Ang programang ito ay bahagi ng ating sama-samang hakbang tungo sa mas malusog na pamilya at mas matatag na Barangay Malipampang. πŸ’™

Hinihiling po namin ang inyong pakikiisa at paglalaan ng oras upang kayo ay mairehistro at makinabang sa PhilHealth YAKAP Program.

πŸ’™ Sama-sama para sa Mas Malusog na Malipampang! πŸ’™

Inaanyayahan po namin lahat ng ating mga Ka-Barangay β€” babae, lalake, bata o matanda, welcome po kayo maki-join sa pa-Zu...
19/09/2026

Inaanyayahan po namin lahat ng ating mga Ka-Barangay β€” babae, lalake, bata o matanda, welcome po kayo maki-join sa pa-Zumba ng ating Kapitan Paloy kasama ng ating Konsehala Gigi. πŸ’ƒπŸ‘―πŸ‘―β€β™€οΈ

βœ…Tuwing LINGGO 7:00 AM Sa Bliss Covered Court

PAWIS TODAY, HEALTHY TOMORROW! SEE YOU ALL!



πŸ“’ MAHALAGANG PAALALA SA LAHAT NG MGA KABARANGAYMagandang araw po sa ating mga kabarangay. 😊Ipinapaalam po namin na WALA ...
14/09/2026

πŸ“’ MAHALAGANG PAALALA SA LAHAT NG MGA KABARANGAY

Magandang araw po sa ating mga kabarangay. 😊

Ipinapaalam po namin na WALA MUNANG HAKOT NG BASURA SA HI-WAY BUKAS. πŸš›βŒ

Kaugnay nito, mangyari lamang po na huwag munang ilabas ang inyong mga basura sa tapat ng bahay o sa mga kalsada, upang maiwasan ang pagkalat ng basura at hindi magandang tanawin sa ating kapaligiran.

Sa kasalukuyan, wala pa pong naibibigay na schedule mula sa MENRO Office para sa pagbibigay ng schedule at pagpapahintulot sa pagtatapon ng basura sa landfill. Dahil dito, pansamantala munang hindi maisasagawa ang regular na pangongolekta ng basura sa Hi-Way.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa, pasensya at pakikiisa habang hinihintay ang susunod na abiso tungkol sa schedule ng pangongolekta.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, disiplina at patuloy na pakikiisa. πŸ™πŸ’š

Address

Purok 3 Malipampang
San Ildefonso
3010

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ONE Malipampang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share