Municipal Health Office - San Gabriel, La Union

Municipal Health Office - San Gabriel, La Union Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Health Office - San Gabriel, La Union, Public & Government Service, San Gabriel Rural Health Unit and Birthing Clinic, San Gabriel.

Official page of the Municipal Health Office of San Gabriel, La Union. 💚 Providing accessible, quality, and compassionate healthcare for everyone. 🩺💉🌿 Serbisyong pangkalusugan, para sa bawat pamilya at komunidad!

💉❤️ MR-SIA SA BARANGAY BUMBUNEG!Noong August 18, 2026, nagpatuloy ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity...
24/08/2026

💉❤️ MR-SIA SA BARANGAY BUMBUNEG!

Noong August 18, 2026, nagpatuloy ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa Barangay Bumbuneg, San Gabriel.

👶 22 children ang nabakunahan laban sa Measles at Rubella—isang mahalagang hakbang para mapalakas ang proteksyon ng ating mga chikiting laban sa vaccine-preventable diseases.

👏 Maraming salamat sa Bumbuneg Health Workers at sa mga parents, grandparents, at guardians na nakipagtulungan para maging matagumpay ang activity.

💚 22 more children protected. One step closer to a healthier community!

🌿💉 MR-SIA SA MGA SITIO NG APAYAO! ❤️Noong August 18, 2026, umabot ang ating health services sa Barangay Apayao, kabilang...
23/08/2026

🌿💉 MR-SIA SA MGA SITIO NG APAYAO! ❤️

Noong August 18, 2026, umabot ang ating health services sa Barangay Apayao, kabilang ang Sitio Nayba, Sitio Cayapa, at Sitio Barinaan.

Sa isang araw ng serbisyo, 31 children ang nabakunahan sa ilalim ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 2026. 👶💉

Kasabay nito ang:
📌 Health education (SBCC) tungkol sa MR-SIA at routine immunization
📌 Vitamin A supplementation 🍊
📌 OPT+ para sa screening at monitoring ng nutritional status ng mga bata

👏 Saludo sa ating health workers sa patuloy na pag-abot sa mga pamilya kahit nasa malalayong sitio.

Mas malapit na serbisyo, mas maraming batang protektado. 💚

💉🌿 MR-SIA SA BARANGAY BUCAO! ❤️Noong August 17, 2026, nagpatuloy ang ating Measles-Rubella Supplemental Immunization Act...
22/08/2026

💉🌿 MR-SIA SA BARANGAY BUCAO! ❤️

Noong August 17, 2026, nagpatuloy ang ating Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa Barangay Bucao, San Gabriel, La Union.

👶 25 children ang nabakunahan ng Measles-Rubella (MR) vaccine, habang 22 children naman ang nabigyan ng Vitamin A supplementation. 💉🍊

Kasabay din nito ang regular/routine immunization upang patuloy na mapanatiling updated ang bakuna ng ating mga chikiting.

👏 Maraming salamat sa Bucao Health Workers sa inyong sipag at malasakit, at sa mga parents, grandparents, and guardians na patuloy na nakikiisa sa ating vaccination program!

💚 Bawat bakuna ay dagdag na proteksyon. Sama-sama nating panatilihing healthy at protected ang ating mga bata!

21/08/2026

💉❤️ 𝐁𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐑-𝐒𝐈𝐀? 𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍, 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐍𝐀𝐘, 𝐓𝐀𝐓𝐀𝐘, 𝐋𝐎𝐋𝐎, 𝐋𝐎𝐋𝐀, 𝐀𝐓 𝐆𝐔𝐀𝐑𝐃𝐈𝐀𝐍𝐒!

Ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) ay isang kampanya para sa dagdag proteksyon ng mga batang 6–59 months old laban sa Measles (tigdas) at Rubella (German measles).

Pero bakit kailangan pa ng dagdag na bakuna kung nabakunahan na ang bata?

👉 𝘿𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙣𝙩𝙖𝙮𝙞𝙣 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙠𝙖𝙧𝙤𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙤𝙪𝙩𝙗𝙧𝙚𝙖𝙠 𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙠𝙪𝙢𝙞𝙡𝙤𝙨. 𝘼𝙣𝙜 𝙈𝙍-𝙎𝙄𝘼 𝙖𝙮 𝙩𝙪𝙢𝙪𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙖𝙨 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙩𝙖 𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙢𝙪𝙣𝙞𝙙𝙖𝙙.

🦠 𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗔𝗦𝗟𝗘𝗦?

Ang Measles o tigdas ay hindi simpleng lagnat at pantal lamang. Napakadali nitong makahawa—kapag may taong may measles, maaaring mahawa ang maraming taong walang immunity na malapit sa kanya.

Maaaring magkaroon ng:
🤒 Mataas na lagnat
🤧 Ubo at sipon
👀 P**a at matubig na mata
🔴 Pantal sa katawan

At sa ilang bata, maaari itong mauwi sa pneumonia, matinding diarrhea at dehydration, impeksiyon sa tainga, pagkabulag, pamamaga ng utak (encephalitis), at maaari ring ikamatay. Mas mataas ang panganib ng complications sa mga batang wala pang 5 taon.

🌸 𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗨𝗕𝗘𝗟𝗟𝗔?

Ang Rubella ay maaaring mild lamang sa mga bata, kaya minsan ay hindi ito gaanong kinatatakutan.

Pero may mas malaking dahilan kung bakit kailangan natin itong pigilan.

Kapag ang isang buntis ay nahawa ng Rubella, lalo na sa unang bahagi ng pagbubuntis, maaaring magkaroon ng miscarriage, fetal death, o congenital rubella syndrome (CRS) ang kanyang baby.

Ang batang may CRS ay maaaring magkaroon ng problema sa pandinig, paningin, puso at development.

Kaya kapag pinoprotektahan natin ang ating mga anak laban sa Rubella, nakakatulong din tayong protektahan ang mga magiging sanggol at buntis sa ating komunidad. ❤️

❗ 𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗬𝗔𝗥𝗜 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔?

Hindi ibig sabihin na siguradong magkakasakit ang isang batang hindi nabakunahan. Pero mananatili siyang mas vulnerable kapag na-expose sa Measles o Rubella.

At kapag may batang hindi protektado, maaari siyang:
➡️ Mahawa kapag may infected person
➡️ Magkaroon ng complications
➡️ Mahawa ang ibang bata na hindi pa maaaring mabakunahan o may medical conditions
➡️ Maging bahagi ng pagkalat ng sakit sa pamilya at komunidad

Hindi natin kailangang hintayin na mangyari ito bago kumilos.

💉 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔, 𝗕𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡 𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗛𝗜𝗡?

Ang bakuna ay tinuturuan ang immune system na makilala at labanan ang virus nang hindi kailangang pagdaanan ng bata ang mismong sakit at mga komplikasyon nito. Ang Measles-Rubella vaccine ay ginagamit bilang isang ligtas at epektibong paraan ng prevention.

Maaaring magkaroon ng pananakit o pamumula sa injection site, bahagyang lagnat, o mild rash pagkatapos ng bakuna. Ang seryosong adverse reactions ay napakabihira.

👨‍👩‍👧‍👦 Mga Nanay, Tatay, Lolo, Lola, at Guardians:

Kung ang inyong anak ay 6–59 months old, samantalahin ang MR-SIA. Lumapit sa inyong BHW, Midwife, o Municipal Health Office para malaman ang schedule at vaccination site.

❤️ 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙥𝙖𝙗𝙖𝙠𝙪𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙖𝙣𝙖𝙠 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙩𝙖𝙠𝙤𝙩 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙨𝙖 𝙨𝙖𝙠𝙞𝙩. 𝙋𝙞𝙣𝙖𝙥𝙖𝙗𝙖𝙠𝙪𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙨𝙞𝙡𝙖 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙨𝙞𝙡𝙖 𝙖𝙩 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙨𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙩𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙥𝙖 𝙙𝙪𝙢𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙠𝙞𝙩.

𝗕𝗔𝗞𝗨𝗡𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡. 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡.
𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗡𝗔𝗞, 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔, 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗠𝗨𝗡𝗜𝗗𝗔𝗗. 💚

🎉💉 100% VACCINATION TARGET ACHIEVED! ❤️Congratulations, Barangay Poblacion! 👏Isa kayo sa mga unang barangay na nakamit a...
21/08/2026

🎉💉 100% VACCINATION TARGET ACHIEVED! ❤️

Congratulations, Barangay Poblacion! 👏

Isa kayo sa mga unang barangay na nakamit ang 100% MR-SIA vaccination target based on ACTUAL population! 🎯💉

Saludo sa ating Poblacion Health Workers at sa lahat ng parents, grandparents, and guardians na nakipagtulungan para maprotektahan ang ating mga chikiting laban sa Measles at Rubella. 👶❤️

Bawat bata, protektado. Bawat pamilya, katuwang.

🌟 Congratulations, Poblacion! You set the pace! 💚

20/08/2026

Maipakaammo nga awan ti regular a konsultasion intono bigat, Agosto 21, 2026 gapu ta special non-working day.

Delivery ken emergency cases laeng ti mataming. Agyaman.

💉❤️ BAKUNA NA PINAGKAKATIWALAAN KO BILANG NANAYBilang isang magulang, natural lang na gusto natin ang pinakamaganda at p...
20/08/2026

💉❤️ BAKUNA NA PINAGKAKATIWALAAN KO BILANG NANAY

Bilang isang magulang, natural lang na gusto natin ang pinakamaganda at pinakaligtas para sa ating mga anak.

Kaya ngayong may Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA), ipinabakuna ko rin ang aking anak dito sa RHU. 💉👶

I trust the vaccine, and I trust our health workers. ❤️

Proud ako na lahat ng bakuna ng aking mga anak ay sa RHU ibinigay—at masasabi kong gumagana ito. Protektado sila laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Kung ako bilang isang nanay ay nagtitiwala at nagpapabakuna sa aking mga anak, hinihikayat ko rin ang ibang Nanay, Tatay, Lolo, Lola, at Guardians na huwag palampasin ang pagkakataong mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga chikiting.

💉 Vaccines protect. Vaccination saves lives.

Para sa ating mga batang 6–59 months old, samantalahin ang MR-SIA at makipag-ugnayan sa inyong BHW o Midwife.

Pabakunahan natin ang ating mga anak. Dahil kung ang bata ay protektado, mas ligtas ang komunidad. 💚

💉🌿 MR-SIA SA BARANGAY LIPAY NORTE! ❤️Noong August 17, 2026, muling inilapit ng Municipal Health Office ang serbisyong pa...
19/08/2026

💉🌿 MR-SIA SA BARANGAY LIPAY NORTE! ❤️

Noong August 17, 2026, muling inilapit ng Municipal Health Office ang serbisyong pangkalusugan sa mga pamilya ng Barangay Lipay Norte.

👶 22 children ang nabakunahan ng Measles-Rubella (MR) vaccine, habang 18 children naman ang nabigyan ng Vitamin A supplementation. 💉🍊

Hindi lang bakuna ang hatid natin! Kasabay din ng activity ang iba pang health and nutrition services:

🍽️ Nutrition SBCC materials at Vitamin A supplementation
🦟 Dengue prevention SBCC materials
💊 Doxycycline prophylaxis para sa eligible individuals
🏠 Household monitoring at pagpapaalala ng Taktak Taob kontra dengue

👏 Maraming salamat sa Lipay Norte Health Workers at sa ating Municipal Health Office team for bringing these services closer to the community!

👨‍👩‍👧‍👦 Sa mga Nanay, Tatay, Lolo, Lola, at Guardians, patuloy nating suportahan ang mga health programs ng ating barangay. Ang pagprotekta sa ating mga anak at pamilya ay sama-samang responsibilidad. 💚

Bakuna. Nutrisyon. Dengue prevention. Leptospirosis prevention.
Serbisyong pangkalusugan, sama-samang inilalapit sa bawat pamilya. 🌿❤️

💉🌿 MR-SIA SA BARANGAY POLIPOL! ❤️Another day, another community reached! 👶✨Nagpatuloy ang Measles-Rubella Supplemental I...
18/08/2026

💉🌿 MR-SIA SA BARANGAY POLIPOL! ❤️

Another day, another community reached! 👶✨

Nagpatuloy ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa Barangay Polipol, bringing protection closer to our little ones.

Para sa ating mga batang 6–59 months old, available ang:

💉 Measles-Rubella (MR) Vaccine
💊 Vitamin A Supplementation

👨‍👩‍👧‍👦 Mga Nanay, Tatay, Lolo, Lola, at Guardians, kung may batang 6–59 months old sa inyong pangangalaga, samantalahin ang pagkakataong ito na maprotektahan sila laban sa Measles at Rubella.

👏 Maraming salamat sa Polipol Health Workers sa inyong oras, effort, at malasakit sa mga bata at pamilya ng barangay!

Sa bawat batang nababakunahan, mas lumalakas ang proteksyon ng buong komunidad. 💚

Polipol, let’s keep our children protected! 💉❤️

🌧️💉 MR-SIA PART 2: LACONG ELEMENTARY SCHOOL ANNEX ❤️Ulan man o araw, tuloy ang proteksyon! 🌧️💪Nagpatuloy ang Measles-Rub...
18/08/2026

🌧️💉 MR-SIA PART 2: LACONG ELEMENTARY SCHOOL ANNEX ❤️

Ulan man o araw, tuloy ang proteksyon! 🌧️💪

Nagpatuloy ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa Lacong Elementary School Annex, kung saan hindi lamang pagbabakuna ang hatid ng ating health workers, kundi pati isang munting health advocacy activity tungkol sa kahalagahan ng vaccination. 📣💉

Mas naging masaya ang araw para sa ating mga chikiting dahil may munting freebies na inihanda ang ating health workers bilang dagdag na encouragement para sa mga batang lumahok. 🎁👧👦

At kahit bumuhos ang ulan, hindi nagpatalo ang ating health workers! 🌧️❤️ Tuloy ang bakuna! Dahil walang ulan, layo, o hirap ng daan ang makakapigil sa ating misyon na maprotektahan ang bawat bata.

👏 Saludo sa Lacong Health Workers sa inyong dedication at malasakit!

👨‍👩‍👧‍👦 Mga Nanay, Tatay, Lolo, Lola, at Guardians—vaccination is protection. Huwag palampasin ang MR-SIA para sa inyong mga batang 6–59 months old.

💚 Kahit umuulan, para sa mga bata, tuloy ang serbisyo!

Address

San Gabriel Rural Health Unit And Birthing Clinic
San Gabriel
2513

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63726820504

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - San Gabriel, La Union posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Health Office - San Gabriel, La Union:

Shortcuts

Share