01/04/2026
Isang taos-pusong pagbati mula sa Mabunga National High School sa ating mga Grade 10 Completers at sa lahat ng mag-aaral na pinarangalan mula ika-7 hanggang ika-10 baitang.
Noong March 30, 2026, sama-sama nating ipinagdiwang ang 8th Moving-Up Ceremony at 11th Recognition Rites bilang pagkilala sa bunga ng sipag, tiyaga, at tagumpay ng ating mga mag-aaral.
Taglay ang temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao,” nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa bawat isa.
Maraming salamat sa mga magulang, g**o, at sa lahat ng naging katuwang sa paghubog ng tagumpay ng ating mga mag-aaral.
Padayon sa panibagong yugto ng paglalakbay—bitbit ang pag-asa, dangal, at pangarap para sa mas maliwanag na bukas.