15/11/2025
๐จ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ข: ๐ ๐๐-๐๐ก๐๐๐ง ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐ฆ๐๐๐ก๐ ๐ช๐๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ก๐ ๐ก๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ฃ ๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ข๐ ๐๐๐๐ ๐ข๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐ฃ๐ฃ๐ข๐๐ก๐ง๐ ๐๐ก๐ง ๐ฆ๐ฌ๐ฆ๐ง๐๐ ๐๐ข๐ฅ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฅ ๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐จ
Mahigpit na pinaaalalahanan ng Commission on Elections ang publiko tungkol sa kumakalat na PHISHING WEBSITE NA NAGPAPANGGAP BILANG COMELEC ONLINE APPOINTMENT SYSTEM para sa voter registration.
Ang Google Forms na ito, pati na ang InstaPay QR Code, ay HINDI GAWA O AWTORISADO NG COMELEC. Libre lamang ang pagpapa-rehistro ayon sa batas. Kailanman ay hindi hihingi at/o tatanggap ng kabayaran ang COMELEC para dito.
Huwag i-click ang link o mag-transact gamit ang QR code na nasa mga larawan. Huwag ibigay ang inyong impormasyon, tulad ng pangalan, araw at lugar ng kapanganakan, sapagkat ang inyong personal data ay maaaring gamitin ng scammers at fraudsters sa mga hindi magagandang gawain, tulad ng pagnanakaw ng inyong pagkakakilanlan (identity theft) at iba pang anyo ng panloloko.
๐ค ๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป?
โ
๐๐๐๐ฅ๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐ข. Tandaan: Ang pagpaparehistro bilang isang botante sa COMELEC ay GANAP NA LIBRE. Ang anumang portal na humihingi ng bayad para sa appointment o serbisyo ay PEKE at HINDI AWTORISADO.
โ ๐๐จ๐ช๐๐ ๐ ๐๐-๐๐๐๐๐ ๐ผ ๐ ๐๐-๐ง๐ฅ๐๐ก๐ฆ๐๐๐ง. Mahigpit na ipinapayo sa publiko na HUWAG mag-click sa link na ito, magbigay ng personal na impormasyon, o magsimula ng anumang transaksyon sa pamamagitan ng QR code na humihingi ng bayad.
โ ๐๐จ๐ช๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐๐ ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ ๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก. Huwag magbigay ng inyong personal na impormasyon tulad ng email, pangalan, o iba pang sensitibong detalye sa mga HINDI BERIPIKADONG PORTAL.
Ugaliing mag-double check bago magtiwala sa anumang impormasyon o link na makikita sa internet. Tanging ang opisyal at beripikadong social media channels at website ng COMELEC lamang ang dapat pagkakatiwalaan para sa mga anunsyo, appointment, at mga opisyal na serbisyo.
Ang pagiging vigilante ay isang responsibilidad.
Panatilihing protektado ang inyong personal data at maging maingat sa lahat ng oras. Iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad o website sa official social media channels ng COMELEC.