Ligaya sa labas, ACEKM

Ligaya sa labas, ACEKM Nature heals

01/06/2026

Puso'ng puno ng kasulatan
Nais pumutok at magsilan
Bigat ng nararamdaman
Sa akin ang ipinasan

Unti unti mong sinira
Tiwalang kanilang ipinagpala
Saya ang nais matamasa
Sa alak nagpakasasa

Tanong na walang kasagutan
Sagot mo'y walang kinalaman
Iyak kong katotohanan
Iyak mong kasinungalingan

Hapdi ng isipan ang pumapatay ng dahan dahan
Sa pagtulo ng mga luhang hindi mapigilan
Gamit ang pasyang kapabayaan
Sa mga magulang na walang kaalaman

Mahirap ba talaga
O mahirap magsabing may iba
Hulog ka sa sarili mong mantika
Habang tinutuhog ng iba

Pasasalamat ang kahulugan
Pamumulat ang kaganapan
Pagbibigay kaalaman
Salamat sa paglisan

11/01/2026

"Humanap ng kapayapaan kasabay ng paglimot sa kanyang mga kasalanan"

Address

1083, Purok Centro Calulut
San Fernando
2000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ligaya sa labas, ACEKM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share