07/09/2026
779 TUPAD Beneficiaries, Katuwang sa Pagbangon ng Meycauayan!
Matapos ang hagupit ng habagat, 779 DOLE-TUPAD beneficiaries ang tumutulong sa loob ng 15 araw sa cleaning at recovery operations sa iba’t ibang barangay ng Meycauayan City.
Kabilang sa kanilang gawain ang paglilinis ng mga kalsada, pagtanggal ng bara at naipong basura sa mga kanal, creek, estero, at iba pang daluyan ng tubig. 💪🌿
Sa pamamagitan ng DOLE-TUPAD Program, sa inisyatiba ng Ikaapat na Distrito ng Bulacan at katuwang ang CENRO, sama-samang kumikilos para sa mas malinis, ligtas, at mabilis na pagbangon ng ating komunidad.
779 TUPAD BENEFICIARIES, TUMUTULONG SA CLEANING AT RECOVERY OPERATIONS SA MEYCAUAYAN
Aabot sa 779 beneficiaries ng DOLE-TUPAD ang aktibong tumutulong sa cleaning at recovery operations sa Lungsod ng Meycauayan matapos ang hagupit ng habagat. Sa loob ng 15 araw, makikibahagi sila sa paglilinis ng mga kalsada at pagtanggal ng bara at naipong basura sa mga kanal, creek, estero at iba pang daluyan ng tubig.
Isinasagawa ang operasyon sa iba’t ibang barangay sa lungsod sa pamamagitan ng DOLE-TUPAD Program, sa inisyatiba ng Ikaapat na Distrito ng Bulacan at katuwang ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO).