03/06/2026
PANOORIN: Ibinahagi ni Soledad Datoc, isang Barangay Health Worker (BHW) mula sa Marilao, Bulacan, ang kanyang karanasan at adbokasiya sa pagpapabakuna ng mga bata bilang bahagi ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA).
Bilang katuwang ng komunidad sa pangangalaga ng kalusugan, aktibo niyang minomonitor ang mga batang dapat mabakunahan at hinihikayat ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang maprotektahan laban sa tigdas at rubella.
Mahalagang mabakunahan ang mga bata sa tamang panahon upang maiwasan ang mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon. Sa pagtutulungan ng mga magulang, health workers, at komunidad, masisiguro ang mas ligtas at mas malusog na kinabukasan para sa mga anak.