DMW RO3 - Central Luzon

DMW RO3 - Central Luzon Ang Tahanan ng mga OFW at ng kanilang Pamilya sa Gitnang Luzon—para sa Maayos na Pagproseso, Proteksyon, Kapakanan, at Matagumpay na Reintegrasyon.

MAHALAGANG ADVISORY: Pagpapalawak ng Saudization sa KSAMga Kabayan, ipinagbibigay-alam ng Department of Migrant Workers ...
03/06/2026

MAHALAGANG ADVISORY: Pagpapalawak ng Saudization sa KSA
Mga Kabayan, ipinagbibigay-alam ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Advisory No. 29 (Series of 2026) ukol sa dokumentong pinamagatang "Expansion of Saudization to 69 Administrative Support Professions in the KSA.".

Ayon sa patakaran ng Kingdom of Saudi Arabia, may 69 na administrative support professions sa private sector ang eksklusibo na lamang na ilalaan para sa mga Saudi nationals.

Mga Apektadong Posisyon:
• Secretarial at clerical positions
• Data entry, reception, at front-desk functions
• Translation at interpretation services
• General administrative support roles

Paalala at Gabay:
➤ Agencies: Makipag-ugnayan sa mga Saudi principals ukol sa epekto nito sa mga job orders at contract renewals.
➤ Applicants: I-verify muna ang eligibility ng posisyon bago mag-apply.
➤ Kasalukuyang OFWs sa KSA: Para sa gabay o tulong sa redeployment, makipag-ugnayan sa inyong employer o sa Migrant Workers Office (MWO).

Basahin ang buong detalye sa nakalakip na dokumento.

Pormal nang kinumpirma sa pamamagitan ng isang memorandum nitong Hunyo 1, 2026 ang pag-apruba sa pagiging miyembro ng De...
02/06/2026

Pormal nang kinumpirma sa pamamagitan ng isang memorandum nitong Hunyo 1, 2026 ang pag-apruba sa pagiging miyembro ng Department of Migrant Workers Regional Office III sa RDC III-RGADC.

Ang resolusyong ito ay nagpapatibay sa dedikasyon ng DMW RO III na isulong ang mga gender-responsive na programa sa Central Luzon. Kilala ang DMW 3 sa mga adbokasiya nito para sa kapakanan ng kababaihan, partikular na ang Balik Pinay, Balik Hanapbuhay Program na nagbibigay ng kabuhayan at kasanayan para sa mga nagbabalik na kababaihang OFW.

Sa pamamagitan ng kolaborasyong ito kasama ang RGADC III, mas mapapabilis at mas mapapaigting ang pagtugon sa mga umuusbong na pangangailangan ng ating mga makabagong bayani.

Mabuhay ang ating mga kababaihang migranteng manggagawa!

OFW SEAFARER, NATANGGAP ANG ₱1.2M DISABILITY BENEFIT SA TULONG NG DMW RO3 - PAMPANGA PROVINCIAL OFFICEMatagumpay na natu...
02/06/2026

OFW SEAFARER, NATANGGAP ANG ₱1.2M DISABILITY BENEFIT SA TULONG NG DMW RO3 - PAMPANGA PROVINCIAL OFFICE

Matagumpay na natulungan ng Department of Migrant Workers Regional Office No. III – Pampanga Provincial Office, sa pangunguna ni Chief Labor and Employment Officer ng Migrant Workers Processing Division at concurrent Pampanga Provincial Office Head Winnie Frida Palma, sa pamamagitan ng Migrant Workers Protection Unit, ang isang OFW seafarer upang makuha ang kanyang disability benefit na nagkakahalaga ng 20,000 USD o 1.2 milyon pesos.

Dumulog sa tanggapan ang OFW upang humingi ng tulong matapos hindi agad mabibigay ng kanyang Philippine manning agency ang nasabing benepisyo. Bilang tugon, agad na nagbigay ng kaukulang assistance ang DMW RO3 – Pampanga Provincial Office at nagsagawa ng mga kinakailangang conferences upang mapag-usapan at maresolba ang kanyang concern.

Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan at maayos na pagproseso ng kanyang hinaing, matagumpay na naipagkaloob sa OFW seafarer ang kanyang hinihiling.

Patuloy na naninindigan ang DMWRO3 – Pampanga Provincial Office sa pagbibigay ng agarang tulong at proteksyon sa mga OFW at kanilang pamilya, upang matiyak na ang kanilang mga karapatan at nararapat na benepisyo ay napapangalagaan.

DMW Region III Pinagtibay ang Pangako sa Mabuting Pamamahala sa Entrance Conference Kasama ang COA Region IIIBilang baha...
02/06/2026

DMW Region III Pinagtibay ang Pangako sa Mabuting Pamamahala sa Entrance Conference Kasama ang COA Region III

Bilang bahagi ng paghahanda para sa taunang audit ng tanggapan, pinangunahan nina Department of Migrant Workers (DMW) Region III Director Marion S. Sevilla at Assistant Regional Director Dennis R. Manzanero ang paglahok ng ahensya sa Entrance Conference ng Commission on Audit (COA) noong June 1, kasama si Officer-in-Charge Audit Team Leader Edison P. Dizon. Ang pagpupulong ay bahagi ng regular na audit process na naglalayong suriin ang mga programa, operasyon, at pamamahala ng DMW RO3.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang saklaw, layunin, at mga alituntunin ng isasagawang audit, gayundin ang mga kinakailangang koordinasyon upang matiyak ang maayos at transparent na proseso. Ipinakita rin ng DMW RO3 ang kahandaan nitong makipagtulungan sa COA bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mabuting pamamahala, pananagutan, at mahusay na serbisyo para sa kapakanan ng mga migranteng manggagawang Pilipino.

01/06/2026

⚠️ 𝗕𝗮𝗯𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼

𝘉𝘪𝘺𝘢𝘩𝘦𝘯𝘨 𝘓𝘦𝘨𝘢𝘭 𝘓𝘢𝘯𝘨, ‘𝘸𝘢𝘨 𝘴𝘢 𝘊𝘳𝘰𝘴𝘴-𝘊𝘰𝘶𝘯𝘵𝘳𝘺 𝘚𝘤𝘢𝘮!

Mag-ingat sa mga cross-country recruitment scheme papuntang Hungary na nanghihikayat ng mga OFW na kasalukuyang nagtatrabaho sa Middle East, lalo na ang mga truck driver. Ginagawa ito upang maiwasan ang legal na recruitment process sa Pilipinas, kabilang ang mga kinakailangang training at examinations para sa mga manggagawang direktang manggagaling sa Pilipinas.

𝘛𝘢𝘯𝘥𝘢𝘢𝘯: Ang cross-country recruitment na walang tamang proseso ay labag sa batas ng Pilipinas at maaaring magdulot ng deportation o blacklisting.


DMW RO3 Protection Division Nagtala ng Matagumpay na Settlement sa mga OFW cases Ngayong Huling Linggo ng MayoSa huling ...
29/05/2026

DMW RO3 Protection Division Nagtala ng Matagumpay na Settlement sa mga OFW cases Ngayong Huling Linggo ng Mayo

Sa huling linggo ng Mayo, matagumpay na naisettle ng Department of Migrant Workers (DMW) Region III ang tatlong (3) overseas employment-related cases sa pamamagitan ng Single Entry Approach (SEnA) mechanism, kung saan naging daan ang maayos na dialogue, conciliation, at mediation upang magkaroon ng patas at mapayapang resolusyon sa pagitan ng mga partido.

Sa tulong ng maagap na facilitation efforts ng mga Single Entry Assistance Desk Officers (SEADOs) at ng Protection Division, nabigyan ng kaukulang assistance ang mga requesting parties kaugnay ng kanilang monetary claims at employment-related concerns. Naging bahagi rin ng mga settlement ang pagbabalik ng ilang dokumento ng mga OFWs bilang bahagi ng amicable agreements na napagkasunduan ng magkabilang panig.

Sa halip na dumaan pa sa mas mahabang proseso ng reklamo at paglilitis, naging epektibong paraan ang SEnA upang maresolba ang mga usapin sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at maayos na pag-uusap.

Patuloy ang pangako ng DMW RO3 na magbigay ng accessible nat patas na serbisyo upang matiyak na ang hinaing ng mga OFWs ay agarang naaaksyunan at nabibigyan ng kaukulang resolusyon.

DMW RO3–Nueva Ecija Conducts Financial Awareness and Literary Seminar, Awards AKSYON Fund to Qualified OFWs and their Fa...
29/05/2026

DMW RO3–Nueva Ecija Conducts Financial Awareness and Literary Seminar, Awards AKSYON Fund to Qualified OFWs and their Families

The DMW RO3 – Nueva Ecija Provincial Office successfully conducted Financial Awareness and Literacy Seminar and awarding of financial assistance under the AKSYON Fund Program to qualified Overseas Filipino Workers (OFWs) and their families on May 28, 2026, in Palayan City, Nueva Ecija.

As part of the activity, a Financial Awareness and Literacy Seminar was conducted to equip beneficiaries with practical knowledge on budgeting, saving, responsible financial management, and the sustainable use of financial assistance. The seminar emphasized the importance of financial discipline and encouraged beneficiaries to utilize the assistance wisely to support the long-term welfare and stability of their families.

Representatives from partner agencies and financial institutions also attended the activity, namely: Mr. Dennis S. Suyayen, Senior Trade Industry Specialist of the Department of Trade and Industry (DTI)–Nueva Ecija; Ms. Ailyn D. Capati, Senior Assistant Vice President and Head of the Development Bank of the Philippines (DBP)–Palayan Branch; and Mr. Joshua M. Vicente of the Philippine National Bank (PNB).

Also present were officials from DMW Regional Office No. III, led by Regional Director Atty. Marion Sevilla, together with Chief Labor and Employment Officer of the Migrant Workers Processing Division Ms. Winnie Frida Palma, and Mr. John Charles V. Dela Cruz, Officer-In-Charge of the DMW Nueva Ecija Provincial Office.

Through the AKSYON Fund Program and strengthened partnerships with government agencies and financial institutions, the DMW remains committed to delivering responsive, accessible, and compassionate public service to OFWs and their families.

DMW RO3 Nag-Ocular Inspection sa SM Megacenter Cabanatuan Para sa Proposed Office sa LungsodNagsagawa ng ocular inspecti...
29/05/2026

DMW RO3 Nag-Ocular Inspection sa SM Megacenter Cabanatuan Para sa Proposed Office sa Lungsod

Nagsagawa ng ocular inspection ang Department of Migrant Workers (DMW) Region III sa SM Megacenter Cabanatuan noong Mayo 28, 2026 bilang bahagi ng pagsusuri ng itatayong DMW Cabanatuan Field Office. Pinangunahan ito ni DMW Region III Director Marion S. Sevilla, kasama si Winnie Frida M. Palma, Chief ng Migrant Workers Processing Division at concurrent Head ng DMW Pampanga Provincial Office, katuwang ang mga opisyal ng SM.

Layunin ng pagbisita na tiyakin ang angkop na lokasyon at pasilidad upang higit pang mapalapit ang serbisyo ng DMW sa Cabanatuan at karatig-lugar. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, patuloy na pinagtitibay ng DMW ang adbokasiya nitong maghatid ng mas mabilis at accessible na serbisyo para sa kapakanan ng mga OFWs at kanilang pamilya.

DMW RO3 NAGSAGAWA NG COURTESY VISIT KAY CONGRESSMAN CARMELO LAZATIN, JR.Nakipagpulong si Department of Migrant Workers R...
29/05/2026

DMW RO3 NAGSAGAWA NG COURTESY VISIT KAY CONGRESSMAN CARMELO LAZATIN, JR.

Nakipagpulong si Department of Migrant Workers Region III Director Marion S, Sevilla kay Pampanga First District Representative Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. noong Mayo 28 upang higit pang pagtibayin ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na lider sa pagsusulong ng kapakanan at proteksyon ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Kasama rin sa pagpupulong si Winnie Frida M. Palma, Chief ng Migrant Workers Processing Division at concurrent Head ng DMW Pampanga Provincial Office.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang pagpapalawak ng mga programa at serbisyong nakalaan para sa mga OFWs at kanilang pamilya, kabilang ang mga hakbang upang maging mas mabilis, accessible, at mas epektibo ang paghahatid ng tulong ng pamahalaan. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng matibay na pakikipagtulungan upang higit pang mapalawak ang access ng mga OFW sa mga programa, proteksyon, at suportang hatid ng pamahalaan.

Dinaluhan ng DMW Aurora Provincial Office ang Second Quarter Meeting ng Casiguran OFC Federation na ginanap noong Mayo 2...
28/05/2026

Dinaluhan ng DMW Aurora Provincial Office ang Second Quarter Meeting ng Casiguran OFC Federation na ginanap noong Mayo 26, 2026 sa tanggapan ng Punong Bayan ng Casiguran, Aurora.

Pinangunahan ni Rene Francisco B. Ople, OIC-Head ng DMW Aurora Provincial Office, ang pakikipag-ugnayan kina Mayor Roynald S. Soriano, PESO Manager Ma. Noneth C. German, at mga OFC Presidents upang talakayin ang pagpapalakas ng mga programa at serbisyong para sa ating mga OFW.

Binigyang-diin ng DMW Aurora ang patuloy na pagbibigay ng maagap, mabilis, at maayos na serbisyo para sa kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya sa pamamagitan ng matibay na pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at mga OFC leaders.

Address

215 MacArthur Highway, Dolores, City Of San Fernando Pampanga
San Fernando
2000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DMW RO3 - Central Luzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share