01/04/2026
‼️📢 PAALALA SA PUBLIKO
Ipinapaalala po ng City Tourism Office at ng Barangay Council ng DEL ROSARIO na mahigpit na IPINAGBABAWAL ang pagpepenitensya ng mga MENOR DE EDAD(bata) ngayong panahon ng Mahal na Araw. Maging ang mga KABABAIHAN ay hindi pinapahintulutan sa ganitong aktibidad.
Layunin po nito na mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga kabataan. Ang ganitong gawain ay maaaring magdulot ng seryosong pinsala sa kanilang katawan.
Ang mga ganitong gawain tulad ng pagpapalo sa sarili, paglalakad nang nakayapak sa mainit na kalsada, o anumang uri ng penitensya ay hindi angkop para sa mga menor de edad. Responsibilidad po nating lahat na protektahan ang kapakanan ng ating mga kabataan.
⚠️ Babala:
Ang sinumang makikitang bata na nagpepenitensya ay huhulihin at sasawayin ng CPOSCO upang matigil ang nasabing gawain at maprotektahan ang mga menor de edad.
📌 Hinihikayat po namin ang mga magulang at guardian na gabayan ang kanilang mga anak at huwag pahintulutan na sumali sa ganitong aktibidad
📌Turuan sila ng tamang paraan ng paggunita at panalangin
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng ating komunidad.