Department of Agriculture - Ilocos Region

Department of Agriculture - Ilocos Region Official page of the Department of Agriculture Regional Field Office 1

Mahilig ka bang magsulat ng kuwentong pambata? ๐Ÿ“–โœจIpakita ang iyong galing sa pagkukuwento sa Be RICEponsible Everyday Ch...
15/06/2026

Mahilig ka bang magsulat ng kuwentong pambata? ๐Ÿ“–โœจ

Ipakita ang iyong galing sa pagkukuwento sa Be RICEponsible Everyday Childrenโ€™s Storybook Challenge!

Lumikha ng isang makabuluhang kuwento para sa mga batang edad 5โ€“10 taong gulang na magtuturo ng kahalagahan ng pagiging RICEponsible sa araw-araw.

Para sa kumpletong mekaniks at impormasyon tungkol sa pagsusumite ng entries, i-scan lamang ang QR code. Makikita rin dito ang regional focal person na maaaring makatulong sa inyong lugar.

Abangan namin ang inyong mga malikhaing kuwento! Huwag palampasin ang pagkakataong maging inspirasyon sa kabataang Pilipinoโ€”sumali na ngayon!


Department of Agriculture - National Rice Program

๐Ÿฒ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—น๐—ผ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ณ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ท๐˜‚๐—ฑ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐Ÿฑ๐Ÿญ๐˜€๐˜ ๐—š๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎUsad sa final judging at deliberation ng Board ...
12/06/2026

๐Ÿฒ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—น๐—ผ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ณ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ท๐˜‚๐—ฑ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐Ÿฑ๐Ÿญ๐˜€๐˜ ๐—š๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ฑ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ

Usad sa final judging at deliberation ng Board of Judges (BOJ) ang anim na entri ng Department of Agriculture-Regional Field Office 1 (DA-RFO1) para sa 51st Gawad Saka Search, matapos ang dalawang araw na masusing validation sa DA-Central Office sa Diliman, Quezon City.

Mula sa 11 pambansang entri ng rehiyon, walo ang naunang na-shortlist para sa on-site evaluation ng National Technical Committee (NTC), kung saan anim ang tuluyang umabante sa huling yugto ng deliberasyon ng BOJ.

Humarap sa face-to-face validation at panel interview noong Hunyo 10 ang unang batch ng mga nominado na kinabibilangan nina Lopemae Bautista (Naguilian, La Union) โ€“ Natatanging Kabataang Magsasaka, Rocapor Family (Rosario, La Union) โ€“ Natatanging Pamilyang Magsasaka at Mario Garcia (San Carlos City, Pangasinan) โ€“ Natatanging Magsasaka sa High Value Commercial Crops.

Nitong Huwebes naman, ika-11 ng Hunyo, ipinamalas ng delegasyon ng Laoag City ang kanilang kahusayan sa pangunguna ng mga lokal na opisyal para sa kategoryang Natatanging Local Government Unit, kasama sina Engr. Sheila Opelac (Natatanging Agricultural Manager) at Geoffrey Pascua (Natatanging Magsasaka sa Mais).

Sa naturang validation, iprinesenta ng NTC ang resulta ng kanilang mga naunang field assessment na sinundan ng komprehensibong question-and-answer portion kasama ang mga miyembro ng BOJ.

Inaasahang ilalabas ang opisyal na desisyon ng komite sa mga susunod na araw bago ang nakatakdang National Awarding Ceremony sa Hunyo 29, 2026.

12/06/2026

Panoorin ang mensahe mula sa ating DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., na ipinaabot sa pamamagitan ni DA-RFO1 Regional Executive Director Fidel L. Libao, bilang pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas!

Ating bigyang-pugay ang tapang, sakripisyo, at pagmamahal ng ating mga bayani.

Mabuhay ang Pilipinas! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐——๐—”-๐—”๐— ๐—”๐——, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฌ๐—™๐—– ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐—ถ๐—ป๐—ณ๐—ผ ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ปNagsagawa ng isang Information Caravan ang Department of Agriculture (DA) ...
11/06/2026

๐——๐—”-๐—”๐— ๐—”๐——, ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฌ๐—™๐—– ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐—ถ๐—ป๐—ณ๐—ผ ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป

Nagsagawa ng isang Information Caravan ang Department of Agriculture (DA) Ilocos Region sa ilalim ng Agribusiness Marketing Assistance Division (AMAD) nitong Huwebes, June 11, upang mas mapalawak ang pagpapalaganap ng Young Farmers Challenge (YFC) Program.

Ginanap sa DA-RFO I Conference Room, ang aktibidad ay dinaluhan ng mahigit 70 mag-aaral ng agrikultura at mga g**o mula sa ibaโ€™t ibang State Colleges and Universities (SUCs) sa rehiyon. Nagsilbi itong daan upang ilatag ang mga kinakailangan, mahahalagang impormasyon, at proseso ng pag-aplay sa nasabing programa.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni AMAD Chief Irene Tactac ang kahalagahan ng YFC lalo na sa mga kabataang naghahangad na magsimula ng sariling negosyo sa sektor ng agrikultura.

โ€œKailangan lang na maging bukas tayo sa oportunidad na ito, ibahagi at isagawa ang mga naiisip na negosyo dahil kasama ninyo ang DA na maisakatuparan ito,โ€ dagdag ni Ms. Tactac.

Naging tagapagsalita naman sa aktibidad sina Mary Gidraga, Ajurina Libed-Oticao, at Jhanine Agdeppa mula sa AMAD. Ibinahagi nila ang mga layunin ng programa, mga kinakailangang dokumento, at ang mga prosesong pagdadaanan ng mga nagnanais na lumahok.

Para sa mga interesadong sumali sa YFC Program, maaaring bisitahin ang sumusunod na link upang pag-aralan ang mga detalye at kaukulang requirements: https://drive.google.com/drive/folders/1BWZj-7RSLT0Gkg1Vd58RFhTdlV1Y_KX4?usp=sharing

Samahan niyo kami sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Kagawaran ng Pagsasaka! ๐ŸŒฑโœจMark your calendars! Ngayong ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ ...
11/06/2026

Samahan niyo kami sa pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Kagawaran ng Pagsasaka! ๐ŸŒฑโœจ

Mark your calendars! Ngayong ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿฑ (๐—Ÿ๐˜‚๐—ป๐—ฒ๐˜€), bukas para sa publiko ang mga sumusunod na serbisyo:

๐Ÿ›’ ๐—ž๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—น๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐˜ ๐—™๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ (Sariwa at murang bilihin!)
๐ŸŒฑ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ ๐—ฉ๐—ฒ๐—ด๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐˜€ (Sapat na gulay para sa lahat)
๐Ÿถ ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ ๐—”๐—ป๐˜๐—ถ-๐—ฅ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฉ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป (Para sa kaligtasan ng ating pets)
๐Ÿงช ๐—™๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ผ๐—ถ๐—น ๐—”๐—ป๐—ฎ๐—น๐˜†๐˜€๐—ถ๐˜€ & ๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€ (Para sa masaganang ani ng ating mga magsasaka)

Huwag palampasin ang mga handog na ito! Kita-kita tayo! ๐Ÿ’š

๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ป๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—™๐—ฎ๐—ฟ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐˜ ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐——๐—”; ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ผ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฉ๐—ถ๐—ผ...
10/06/2026

๐—ฃ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฐ๐—ป๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—™๐—ฎ๐—ฟ๐—บ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐˜ ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐——๐—”; ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ผ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฉ๐—ถ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

Isinagawa ng Department of Agriculture (DA) sa Ilocos ang on-the-spot price monitoring sa Bacnotan Farmers Market, La Union ngayong June 10, 2026 bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng P50.00 price cap sa imported premium rice alinsunod sa Executive Order No. 118.

Sa isinagawang inspeksyon, umabot sa 13 rice retailers ang binisita ng monitoring team. Dalawa sa mga ito ang nakitaan ng paglabag at pinatawan ng Notice of Violation.

Kabilang sa mga naitalang paglabag ang pagbebenta ng imported premium rice sa presyong lampas sa itinakdang price cap at hindi pag-display o pagtatago ng mga produkto dahil umano sa pangambang malugi kapag sinunod ang itinakdang presyo.

Samantala, habang isinasagawa ang monitoring, agad namang nakipagtulungan ang ilang rice vendors sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang presyo, paglalagay ng wastong price tag, at tamang product labelling alinsunod sa Joint Memorandum Circular (JMC) No. 01, series of 2026.

Bukod sa mga rice retailers sa palengke, isinailalim din sa monitoring ang Puregold Supermarket sa Bacnotan na nakitang sumusunod sa itinakdang presyo, kung saan ibinebenta ang imported premium rice sa halagang P49.96 kada kilo.

Pinangunahan ni DA Regional Executive Director Fidel Libao ang exit conference kasama si Regional Technical Director Dennis Tactac, AMAD Chief Irene Tactac, Agribusiness Industry Support Section Chief, Ms. Edilyn Goldara, gayundin ang mga kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI), National Food Authority (NFA), Bureau of Plant Industry (BPI), at Philippine National Police (PNP).

Sa nasabing pagpupulong, nagpahayag ng suporta si Bacnotan Vice Mayor Angelo Francis Fontanilla, kasama ang tanggapan ng Market Supervisor at Municipal Agriculturist, sa pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas upang maprotektahan ang mga mamimili at maiwasan ang hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng imported premium rice.

Bilang tugon, nangako ang LGU-Bacnotan na magsasagawa ng pagpupulong kasama ang mga rice vendors ng bayan upang ipaalala ang kanilang tungkulin at matiyak ang patuloy na pagsunod sa itinakdang price cap.

๐—™๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐˜€๐˜‚๐—ฏ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ณ๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฒ ๐˜๐—ฟ๐˜‚๐—ฐ๐—ธ ๐—ผ๐˜„๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ Upang maibsan ang pasanin sa transportasyon ng mga pro...
10/06/2026

๐—™๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐˜€๐˜‚๐—ฏ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ณ๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฒ ๐˜๐—ฟ๐˜‚๐—ฐ๐—ธ ๐—ผ๐˜„๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€, ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ

Upang maibsan ang pasanin sa transportasyon ng mga produktong agrikultural, nakahanda na ang Department of Agriculture (DA) na magkaloob ng Php2,000 lingguhang fuel subsidyโ€”katumbas ng Php10 kada litrong diskwentoโ€”para sa mga naisyuhan ng foodlane certificates.

Ito ang inanunsiyo ni Ms. Edilyn Goldara, Agribusiness Industry Support Section Chief ng Agribusiness Marketing Asssistance Division, sa isinagawang Seminar Orientation ng Daily Price Index Implementation sa ilalim ng Republic Act 12022 (Anti- Agricultural Economic Sabotage).

Layunin nitong mapanatiling matatag ang presyo ng mga bilihin sa merkado sa pamamagitan ng pag-alalay sa mga lokal na biyahero.

Target ng DA na selyuhan ang tulong para sa 287 rehistradong food lane truck owners sa rehiyon, na makatatanggap ng kabuuang Php8,000 ayuda kada buwan.

Para sa mga kwalipikadong benepisyaryo, maaari nang makuha ang diskwento sa mga akreditadong estasyon ng langis sa pamamagitan lamang ng pagpapakita ng kanilang valid ID at sertipikasyon. Ang mga interesadong aplikante ay maaaring sumangguni sa kalakip na link para sa kumpletong proseso ng akreditasyon.

https://drive.google.com/drive/folders/1emv1cXE5VRwk3BjXs8sOUOKs7Z7tJynR

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | Staff members of the Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) program and Agricultural Coopera...
10/06/2026

๐—œ๐—ก ๐—ฃ๐—›๐—ข๐—ง๐—ข๐—ฆ | Staff members of the Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) program and Agricultural Cooperative Enterprise Development (ACED) are in Agno, Pangasinan, this week to validate and assess the farm operations of the Binatang Agriculture Cooperative. The F2C2 program aims to involve the coop in the rice clustering initiative and other agricultural interventions under ACED.

Before proceeding to the site, the validating team from the DA Central Office paid a courtesy visit to DA-RFO1 Regional Executive Director Fidel L. Libao.

09/06/2026
08/06/2026


โ€ŽShellfish Bulletin Blg. 14, serye 2026
โ€ŽIka-6 ng Hunyo 2026
โ€Ž
โ€ŽAng lahat ng uri ng shellfish at ๐ด๐‘๐‘’๐‘ก๐‘’๐‘  ๐‘ ๐‘. o alamang na nakolekta mula sa mga mariculture area sa Infanta at baybaying-dagat ng Bolinao, Anda, Alaminos City, Sual, at Bani sa Pangasinan, at mga mariculture area sa Rosario at Sto. Tomas sa La Union ay ๐–๐€๐‹๐€๐๐† ๐‹๐€๐’๐Ž๐ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐‘๐„๐ƒ ๐“๐ˆ๐ƒ๐„ ๐€๐“ ๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’ ๐Š๐€๐ˆ๐๐ˆ๐ ๐๐† ๐“๐€๐Ž.
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

Address

Aguila Road
San Fernando
2500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Agriculture - Ilocos Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Department of Agriculture - Ilocos Region:

Share