02/06/2026
๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐๐ฅ๐ง๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐ก๐๐จ๐ ๐ก๏ธ๐ฆ
Wala nang pinipiling panahon ang Dengue, kaya't mainit man o maulan, tayo'y maging maingat sa mga lamok.
Sa pagsisimula ng tag-ulan, lalong tumataas ang panganib ng dengue dahil sa pagdami ng naiipong tubig sa mga lalagyan, kanal, alulod, at iba pang lugar na maaaring pamugaran ng lamok. Sa ganitong panahon, mahalagang maging mas maingat at aktibong makibahagi sa pagpigil ng pagdami ng kaso ng dengue.
Protektahan ang sarili at iyong pamilya laban sa dengue sa pamamagitan ng:
โ
Pagtatakip or pagtapon ng mga nakaimbak o nakatiwangwang na tubig sa paligid
โ
Pagpapanatiling malinis ng tahanan, kapaligiran, at komunidad
โ
Paggamit ng kulambo, screen, at mosquito repellent
โ
Pagsuot ng damit na may sapat na panakip sa katawan, lalo na sa oras na aktibo ang mga lamok
โ
Agarang pagpapatingin sa doktor kapag nakakaranas ng sintomas, tulad ng tuloy-tuloy na lagnat, pananakit ng ulo at katawan, o pagkakaroon ng pantal
Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat Fernando at Fernanda. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagiging mapagmatyag, at maagap na pagkilos, maiiwasan natin ang pagkalat ng dengue ngayong tag-ulan.