27/05/2026
โฑ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด-๐ฎ๐ด๐ฟ๐ถ๐ธ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ, ๐๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐บ๐ฒ๐ฟ ๐๐๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐๐ผ๐ป
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolks Month (FFM) 2026, nagkaloob ang Department of Agriculture โ Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) ng mga corn seeder at fertilizer applicator na nagkakahalaga ng halos โฑ2 milyon sa pitong farmers associations (FAs) sa ilalim ng programang SAAD ngayong araw ika-27 ng Mayo.
Isinagawa ang pamamahagi ng mga makinaryan bilang bahagi ng patuloy na suporta ng kagawaran upang mapalakas ang produksyon at mapabuti ang pagsasaka ng mga asosasyong benepisyaryo ng SAAD Program sa rehiyon.
Ang mga nasabing corn seeder at fertilizer applicator ay nagkakahalaga ng 298,000 bawat isa. Kabilang sa mga nabigyan ang Cabawangan Corn Farmers Association mula sa Nampicuan, Nueva Ecija; Campos-West Corn Production Farmers Association, Casili Anao Corn Grower Association, Pagdangggayan Ti Mannalon Bantog Farmers Association, at Rizal Livelihood Farmers Association mula sa Anao, Tarlac; Nagkaisang Magsasaka Ng Barangay Toledo at Samahang Magsasaka Ng Brgy. Coral naman mula sa Ramos, Tarlac na pawang mga mais ang pangunahing pananim.
Inaasahang makatutulong ang mga ipinagkaloob na kagamitan upang mapabilis at mapadali ang pagtatanim ng mais at paglalagay ng pataba.
Naging tampok din sa nasabing gawain ang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga magsasaka at mangingisda sa pagpapanatili ng seguridad sa pagkain at pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa bansa. Isa rin itong paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa kanilang sipag at dedikasyon sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng sektor.
Sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolks Month, patuloy na kinikilala at pinahahalagahan ang malaking papel ng mga magsasaka at mangingisda tungo sa mas maunlad at matatag na sektor ng agrikultura.