CSFP City Nutrition Committee

CSFP City Nutrition Committee The official page of City Nutrition Committee of San Fernando, Pampanga

25/08/2026
2026 Vision and Mission for Nutrition ๐Ÿ’š
25/08/2026

2026 Vision and Mission for Nutrition ๐Ÿ’š



25/08/2026

Ang City Health Office ng City of San Fernando, Pampanga ay naglalabas ng Rainy Day Advisory upang gabayan ang ating mga kababayan sa pagpapanatili ng malakas na pangangatawan ngayong panahon ng tag-ulan.

Ang gabay na ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng wastong nutrisyon bilang panlaban sa mga karaniwang sakit na dala ng basang panahon.

Top 5 Pampalakas ng Immune System:

Ayon sa advisory, narito ang limang uri ng pagkain na dapat isama sa ating pang-araw-araw na diyeta upang mapalakas ang ating resistensya:

Vitamin C-Rich Foods: Tulad ng dalandan, suha, at bayabas na nakakatulong na lumaban sa sipon at trangkaso.

Vitamin A-Rich Foods: Kabilang ang kalabasa, karot, at malunggay na nagbibigay proteksyon sa mata at balat.

Zinc & Protein: Matatagpuan sa itlog, isda, at monggo na mahalaga sa pagbuo ng antibody.

Ginger & Garlic: Ang luya at bawang ay may natural na anti-inflammatory at anti-bacterial properties.

Gut Health: Ang yogurt at saging ay nagtataguyod ng malusog na gut, na susi sa isang malakas na katawan.

Alalay sa Kalinisan:

Bukod sa pagkain, pinaaalalahanan din ang lahat na mag-ingat sa kalinisan. Narito ang mga mahalagang payo:

Hugasan ang mga prutas at gulay bago kainin o iluto.

Siguraduhing malinis ang tubig at pagkain upang maiwasan ang sakit sa tiyan.

Iwasan ang mga pagkaing mabilis masira.

24/08/2026

๐’๐€ ๐“๐‘๐” ๐๐€ ๐ง๐š ๐ข๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐ ๐ข๐ฅ ๐š๐ง๐  ๐›๐ซ๐ž๐š๐ฌ๐ญ๐Ÿ๐ž๐ž๐๐ข๐ง๐  ๐ค๐š๐ฉ๐š๐  ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ฌ๐ข ๐ฆ๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฒ? ๐Ÿค”๐Ÿ‘ถ๐Ÿป

Sa maraming pagkakataon, ligtas at mas mainam na ipagpatuloy ang pagpapasuso kahit may karaniwang sakit ang ina.

Ang โœจ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—บ๐—ถ๐—น๐—ธโœจ ay patuloy na nagbibigay ng kumpletong nutrisyon at antibodies na tumutulong sa paglaki at proteksyon ni baby. Habang nagpapagaling si mommy, mahalaga rin ang tamang pag-iingat, tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mask kung may ubo o sipon, at sapat na pahinga at pag-inom ng tubig.

๐Ÿ’ก Kung may iniinom na gamot o may partikular na kondisyon, huwag mahiyang kumonsulta sa inyong doktor o healthcare provider upang matiyak ang ligtas na pagpapasuso.

24/08/2026
24/08/2026

The darker the green vegetables are, the more vitamin A they have. Sautรฉing green vegetables in fats or oils helps increase vitamin A absorption. Try to introduce vitamin A-rich foods to children 6 months or older to prevent illnesses and night blindness.

24/08/2026
20/08/2026

Welcome sa BNS Diaries๐Ÿ“’, isang serye na nagbibigay-pugay sa ating mga Barangay Nutrition Scholars ๐Ÿ’š ๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ๐Ÿ˜๏ธ

Hindi lamang mga BNS ang tagapagtaguyod ng nutrition programs sa barangay. Napakalaki rin ng papel na ginagampanan ng Barangay Nutrition Committee (BNC) na pinamumunuan ng Barangay Captain.

Para sa Episode 2, makakasama natin si BNC Chair Norberto Luzung Bentot Luzung (Barangay Malpitic), ang Outstanding BNC Chair ng taong 2025. โœจ

Abangan ang mga susunod pang episode dito lang sa aming page! ๐Ÿ“ข

19/08/2026
19/08/2026

Ang โœจ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ณ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ดโœจ ay ang pagtugon sa hunger cues at fullness cues ng sanggol sa isang mapagmahal, mahinahon, at hindi mapilit na paraan. ๐Ÿคฑ

Hindi kailangang hintaying umiyak si baby bago pakainin. Ang pag-alam sa mga maaga, gitna, at huling senyales ng gutom ay makatutulong upang maging mas komportable ang pagpapakain at mas maging positibo ang karanasan para sa magulang at sanggol.

โœจ ๐—ง๐—”๐—ก๐——๐—”๐—”๐—ก:
๐Ÿ‘ถ Obserbahan ang senyales ng gutom.
๐Ÿฅ› Pasusohin kapag handa na si baby.
๐Ÿ’— Itigil kapag nagpapakita na ng senyales ng pagkabusog.

Ang bawat tugon sa pangangailangan ni baby ay hakbang tungo sa mas malusog na paglaki at mas matibay na ugnayan ng magulang at anak.

Ikaw mommy, anong mga senyales ang mga ipinapakita ng baby mo?

Address

A. Consunji Street Barangay Sto. Rosario
San Fernando
2000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CSFP City Nutrition Committee posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to CSFP City Nutrition Committee:

Shortcuts

Share