26/05/2026
๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ-๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป! ๐โจ
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kabataang nakiisa at dumalo sa ating matagumpay na SK KK Assembly at Balik Eskwela School Supplies Distribution na ginanap noong May 24, 2026.
Sa naganap na KK Assembly, tinalakay natin ang mga mahahalagang usapin at updates para sa kabataan ng Longos Proper. Nagkaroon din ng open discussion kung saan nabigyan ng pagkakataon ang bawat kabataan na magbahagi ng kanilang saloobin, suhestiyon, at mga ideya para sa mga susunod na programa at proyekto ng Sangguniang Kabataan. Ang inyong boses ay tunay na mahalaga sa paghubog ng mas aktibo at mas inklusibong pamayanan.
Kasunod nito ang Balik Eskwela School Supplies Distribution kung saan ipinamahagi ang mga school supplies sa mga kwalipikadong kabataan/studyante bilang suporta sa kanilang pagbabalik-eskwela. Ang simpleng tulong na ito ay simbolo ng patuloy na pagkalinga at suporta ng SK para sa inyong pag-aaral.
Masaya naming makita ang aktibong pakikilahok, suporta, at pagkakaisa ng bawat kabataan ng Longos Proper. Ang araw na ito ay hindi lamang tungkol sa pamimigay ng school supplies, kundi pati na rin sa pagpapakita na sama-sama tayong naghahanda para sa mas magandang kinabukasan ng ating kabataan.
Nawaโy magsilbing inspirasyon ang munting tulong na ito sa inyong pag-aaral ngayong pasukan. Patuloy tayong magsikap, mangarap, at maging kabataang may boses at malasakit sa komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng tumulong, nakiisa, at sumuporta upang maging matagumpay ang programang ito. Hanggang sa susunod pang mga proyekto para sa kabataan! ๐คโจ