13/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฅ๐ง ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐จ๐๐๐ฌ๐๐ก
Isang pagkakataon para sa mga kabataang nais magkaroon ng sariling kabuhayan at makapagsimula ng mas matatag na kinabukasan!
Opisyal nang inilulunsad ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Bocboc ang ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฅ๐ง ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐จ๐๐๐ฌ๐๐ก: Pedicart Para sa Pangkabuhayan, isang livelihood assistance program na naglalayong suportahan ang mga kwalipikadong kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataong makapagsimula ng marangal at napapanatiling kabuhayan.
๐Sa ilalim ng programang ito, dalawang (๐ฎ) mapipiling kwalipikadong benepisyaryo ang tatanggap ng isang kumpletong ๐ฃ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ถ๐๐ฒ๐น๐ถ๐ต๐ผ๐ผ๐ฑ ๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฃ๐ฎ๐ฐ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฒ, na kinabibilangan ng:
โข Isang (1) Pedicart
โข Mga panimulang kagamitan at paninda (start-up supplies)
โข Orientation ukol sa wastong paggamit, pangangalaga, at pamamahala ng kabuhayan gamit ang pedicart
Ang pagpili ng mga benepisyaryo ay daraan sa masusing application, validation, at evaluation process upang matiyak na ang tulong ay maipagkakaloob sa mga kabataang tunay na nangangailangan at may kakayahan at kahandaang gamitin ang pedicart bilang pangmatagalang pinagkukunan ng kabuhayan.
๐ก๐ข๐ง๐.: Ang pagsusumite ng aplikasyon ay hindi nangangahulugang awtomatikong mapipili bilang benepisyaryo. Ang pagpili ay ibabatay sa resulta ng validation at evaluation na isasagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Bocboc.
๐๐ฆ๐๐ก๐ข ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ ๐๐-๐๐ฃ๐ฃ๐๐ฌ?
Ang programa ay bukas sa mga kabataang:
โข Bona fide resident ng Barangay Bocboc San Carlos City, Pangasinan;
โข Edad 15 hanggang 30 taong gulang;
โข Nabibilang sa pamilyang may limitado o mababang pinagkukunan ng kita;
โข May tunay na pangangailangan para sa livelihood assistance; at
โข Makakatugon sa lahat ng kwalipikasyon at documentary requirements ng programa.
๐๐๐๐ก๐๐ ๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ ๐๐-๐๐ฃ๐ฃ๐๐ฌ ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ฆ๐จ๐ ๐จ๐ฆ๐จ๐ก๐ข๐:
โข Mga kasalukuyang SK Officials, Barangay Officials, at Barangay Employees;
โข Mga nakatanggap na ng katulad na livelihood assistance mula sa alinmang government agency o pribadong institusyon sa loob ng nakaraang tatlong (3) taon. Gayunpaman, ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay maaari pa ring mag-apply, at ang kanilang aplikasyon ay sasailalim sa validation at evaluation upang matukoy ang aktwal na antas ng pangangailangan; at
โข Mga aplikanteng nagmumula sa pamilyang may miyembrong nagtatrabaho sa ibang bansa (OFW) o may sapat na pinagkukunan ng kabuhayan, batay sa magiging validation ng Sangguniang Kabataan.
๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ ๐๐ฃ๐ฃ๐๐๐๐๐ก๐ง๐ฆ (๐ญ๐ฑโ๐ญ๐ณ ๐ฌ๐๐๐ฅ๐ฆ ๐ข๐๐),
Ang mga aplikanteng edad 15 hanggang 17 taong gulang ay maaari ring mag-apply, basta't sila ay kwalipikado at makasusunod sa lahat ng itinakdang requirements ng programa.
Kung mapipiling benepisyaryo, kinakailangang:
โข Samahan ng kanilang magulang, legal guardian, o awtorisadong kinatawan sa application at turnover ng pedicart;
โข Magsumite ng mga karagdagang dokumentong kinakailangan para sa validation; at
โข Lumagda, kasama ang kanilang magulang o legal guardian, sa mga kinakailangang undertaking at project documents.
๐ก๐ข๐ง๐: Bagama't ang pedicart ay ipagkakaloob sa pangalan ng minor beneficiary, maaaring tumulong ang kanilang magulang o legal guardian sa paggamit at pamamahala nito upang matiyak na ang kabuhayan ay magbibigay ng pangmatagalang benepisyo sa benepisyaryo at sa kanilang pamilya.
๐๐ ๐๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐ข๐๐จ๐ ๐๐ก๐ง๐ข
Mangyaring magsumite ng dalawang (2) photocopies ng mga sumusunod:
โข Barangay Certificate of Indigency
โข Barangay Certificate of Residency
โข Photocopy ng anumang valid government-issued ID
โข PSA o Local Civil Registry Birth Certificate
Para sa mga aplikanteng edad 15โ17 taong gulang, bukod sa mga dokumentong nakasaad sa itaas, kinakailangan ding magsumite ng:
โข Photocopy ng Birth Certificate ng magulang o legal guardian; at
โข Photocopy ng valid government-issued ID ng magulang o legal guardian.
๐๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐ก๐จ๐ก๐ง๐จ๐ก๐๐ก ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐ฆ๐จ๐ฆ๐จ๐ ๐๐ง๐ ๐ก๐ ๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก
Upang matiyak ang maayos na pagproseso ng inyong aplikasyon, mangyaring sundin ang mga sumusunod:
โข Ilagay ang lahat ng kumpletong documentary requirements sa loob ng isang long brown envelope.
โข Isulat nang malinaw ang mga sumusunod sa harapang bahagi ng brown envelope:
- Buong Pangalan
- Contact Number
- PROJECT SIKAP KABATAAN: Pedicart Para sa Pangkabuhayan
โข Isumite ang inyong aplikasyon sa Tanggapan ng Sangguniang Kabataan, (Barangay Hall ng Barangay Bocboc).
Sa oras ng pagsusumite, ang aplikante ay kinakailangang:
โข Lumagda sa opisyal na Application Log Sheet; at
โข Magpakita ng orihinal na kopya ng mga isinumiteng dokumento para sa beripikasyon, kung kinakailangan.
๐ก๐ข๐ง๐: Tanging mga kumpleto at naaayon sa itinakdang documentary requirements ang tatanggapin. Ang mga kulang na dokumento ay hindi ipoproseso.
๐๏ธ ๐๐ฆ๐๐๐๐ฌ๐จ๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ฆ๐จ๐ฆ๐จ๐ ๐๐ง๐ ๐ก๐ ๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก
๐๐ฝ๐ฝ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฃ๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ผ๐ฑ: July 14 until July 26, 2026.
๐ฆ๐๐ฏ๐บ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฉ๐ฒ๐ป๐๐ฒ: Tanggapan ng Sangguniang Kabataan (Barangay Hall).
๐Ang mga aplikasyon na maisusumite matapos ang itinakdang deadline ay hindi na tatanggapin.
Ang PROJECT SIKAP KABATAAN: Pedicart Para sa Pangkabuhayan ay higit pa sa pagbibigay ng isang pedicartโito ay isang programa na naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga kabataang makapagsimula ng marangal at napapanatiling kabuhayan.
Kung ikaw ay kwalipikado at handang magsimula ng sariling pagkakakitaan, hinihikayat ka naming samantalahin ang pagkakataong ito at maging isa sa dalawang (2) mapipiling benepisyaryo ng programa.
๐๐๐ข๐-๐จ๐๐ข๐ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฎ ๐จ๐๐ฅ๐๐, ๐ข๐๐ฎ ๐๐๐จ๐ ๐๐ง๐ฉ๐, ๐ข๐๐ฎ ๐ ๐๐๐ช๐๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐๐ฉ ๐ข๐๐ฎ ๐ข๐๐จ ๐ข๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐๐ช๐ ๐๐จ๐๐ฃ! ๐ซถ