Brgy. Payar, San Carlos City, Pangasinan

Brgy. Payar, San Carlos City, Pangasinan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy. Payar, San Carlos City, Pangasinan, Government Organization, Payar Barangay Hall, San Carlos City.

๐ŸŒฝโœจ PROUD PAYARIANS! โœจ๐ŸŒฝWhat a proud moment for Barangay Payar! ๐Ÿฅˆ We are beyond honored to have been awarded 2nd Place in ...
04/07/2025

๐ŸŒฝโœจ PROUD PAYARIANS! โœจ๐ŸŒฝ
What a proud moment for Barangay Payar! ๐Ÿฅˆ We are beyond honored to have been awarded 2nd Place in the Nutri-Float Contest during the 51st Nutrition Month Regional and City Joint Launching held last July 1, 2025 in San Carlos City, Pangasinan! ๐ŸŽ‰

Our float didnโ€™t just showcase creativityโ€”it carried our message loud and clear: Sapat na Pagkain, Karapatan Natin! ๐Ÿ’š Thank you to our dedicated team, volunteers, and supporters who poured their passion, time, and effort into making this possible.

This win is not just for usโ€”itโ€™s for every Payarian who continues to support nutrition, health, and unity in our community. ๐Ÿ’ช

๐Ÿ“ฃ IMPORMASYON PARA SA LAHAT NG MAGSASAKA SA BARANGAY PAYAR ๐ŸŒพNgayong araw ay pormal nang inilunsad sa ating barangay ang ...
18/06/2025

๐Ÿ“ฃ IMPORMASYON PARA SA LAHAT NG MAGSASAKA SA BARANGAY PAYAR ๐ŸŒพ

Ngayong araw ay pormal nang inilunsad sa ating barangay ang Farmer Field School (FFS) on Sustainable Rice Production with Emphasis on PalayCheck System.
Ang programang ito ay inilunsad sa pakikipagtulungan ng City Agriculture Office ng San Carlos, FITS Center, at ng Abante Payar Farmers Association, Inc. ๐ŸŽฏ

๐ŸŽฏ Layunin ng FFS:
โœ”๏ธ Madagdagan ang kaalaman ng ating mga magsasaka sa makabagong teknolohiya sa pagtatanim ng palay
โœ”๏ธ Maisulong ang sustainable at climate-resilient farming practices
โœ”๏ธ Maibahagi ang PalayCheck System na tumutulong sa mas mataas na ani, kita, at mas maayos na pamumuhay

๐Ÿค Dumalo sa programa ang mga kinatawan ng City Agriculture Office, OPAg Pangasinan, Barangay Officials, at mismong mga magsasaka ng Payar.

๐Ÿ’š Sa ating mga kabarangay na magsasaka: ang programang ito ay para sa inyo. Huwag palampasin ang pagkakataong matuto, makilahok, at mapaunlad ang inyong kaalaman at kabuhayan.





12/06/2025

Maligayang Araw ng Kalayaan!

Ngayong ika-12 ng Hunyo, ipinagdiriwang natin ang ika-127 Araw ng Kalayaan ng ating bansa. Sa ilalim ng temang โ€œKalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan,โ€ gunitain natin ang sakripisyo at pakikipaglaban ng ating mga bayani upang matamo ang tinatamasa nating kasarinlan. Bilang pakikiisa, panahon na upang patuloy nating payabungin ang isang masagana at mapayapang Bagong Pilipinas.

Mabuhay ang Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas!


๐Ÿ›‘ HIV AWARENESS PARA SA LAHAT! ๐Ÿ›‘Patuloy na tumataas ang kaso ng HIV sa ating bansa, at hindi lang sa mga kabataan, kundi...
08/06/2025

๐Ÿ›‘ HIV AWARENESS PARA SA LAHAT! ๐Ÿ›‘

Patuloy na tumataas ang kaso ng HIV sa ating bansa, at hindi lang sa mga kabataan, kundi pati na rin sa mga nakatatanda. Kaya't napakahalaga ng education at awareness upang protektahan ang ating mga sarili at ang ating komunidad.

โœ… Paano maiiwasan ang HIV?

Gamitin ang condom sa lahat ng sexual activity.

Iwasan ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot at huwag mag-share ng gamit tulad ng syringes.

Magpa-HIV test kung may risk factors o kung hindi sigurado sa inyong kalusugan.

Magpakonsulta sa healthcare professionals para sa tamang impormasyon at suporta.

Bawasan ang stigma at matutong magbigay ng suporta sa mga taong may HIV.

Ang tamang kaalaman ay susi upang makaiwas sa sakit at magpatuloy sa buhay ng may kalusugan at kaligayahan. ๐Ÿ’ช

Hindi pa huli upang magbago at mag-ingat. Magsama-sama tayo para sa isang HIV-free na komunidad! ๐ŸŒ

HIGIT 4,000 KASO NG HIV, NAITALA SA REGION 1; PANGASINAN, PINAKAMATAAS ANG BILANG

Umabot na sa 4,151 ang kabuuang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Rehiyon 1 mula pa noong 1984 hanggang Marso ng kasalukuyang taon, batay sa datos ng Center for Health Development (CHD).

Pinakamaraming kaso ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan na may 2,162, sinundan ng La Union na may 689, Ilocos Sur โ€“ 584, Ilocos Norte โ€“ 461, at Dagupan City โ€“ 245.

Karamihan sa mga apektado ay nasa edad 25โ€“35 at 15โ€“24.

Ayon kay CHD1 Spokesperson Dr. Rheuel Bobis, 174 bagong kaso ang naitala mula January hanggang March.

Bilang tugon, patuloy ang isinasagawang community-based screening at mga kampanya sa pagpapalaganap ng kaalaman para sa pag-iwas sa HIV.

Mayroon ding anim na treatment hub sa rehiyon na nagbibigay ng libreng antiretroviral therapy para sa mga pasyenteng positibo sa HIV.

๐Ÿ“š๐ŸŽ’ PAG-ALAM SA BAGONG CUT-OFF PARA SA KINDERGARTEN! ๐ŸŽ’๐Ÿ“šMahalaga po ang mga update para sa ating mga magulang! Ayon sa Dep...
08/06/2025

๐Ÿ“š๐ŸŽ’ PAG-ALAM SA BAGONG CUT-OFF PARA SA KINDERGARTEN! ๐ŸŽ’๐Ÿ“š

Mahalaga po ang mga update para sa ating mga magulang! Ayon sa Department of Education (DepEd), ang cut-off age para sa pagpasok sa Kindergarten ay 5 taon na sa October 31 ng taon ng pasukan. Pero huwag mag-alala, may exception din po para sa mga batang magtutungtong ng limang taon mula Nobyembre 1 hanggang Disyembre 31!

๐Ÿ‘‰ Puwedeng makapasok ang mga batang ito kung sila ay may katibayan na nakatapos ng 1 taon sa isang rehistradong Early Childhood Development (ECD) center o kaya ay nakapasa sa ECD checklist assessment mula sa isang kwalipikadong kindergarten teacher.

๐Ÿ“… Para sa mga magulang, siguraduhin po na maayos ang mga dokumento at assessment para makapag-enroll ang inyong anak. ๐Ÿ“‘

Good news, mga ka-DepEd!

Mas pinalawak na natin ang Kinder cut-off age. Utos ito ni Pangulong Bongbong Marcos na mas gawing accessible ang Kindergarten sa ating mga starting learners.

Sa Bagong Pilipinas, bukas ang classrooms ng DepEd sa mas maraming Kinder learners.

Para sa buong impormasyon, basahin ang DepEd Order No. 015, 2025: https://www.deped.gov.ph/2025/06/04/june-4-2025-do-015-s-2025-amendment-to-deped-order-no-47-s-2016-omnibus-policy-on-kindergarten-education-as-amended-by-deped-order-no-020-s-2018/

โš ๏ธ BABALA SA MGA KABARANGAY! โš ๏ธMaging mapanuri at huwag basta-basta maniwala sa mga text message o tawag mula sa mga hin...
17/05/2025

โš ๏ธ BABALA SA MGA KABARANGAY! โš ๏ธ
Maging mapanuri at huwag basta-basta maniwala sa mga text message o tawag mula sa mga hindi kilala. Dumarami na po ang mga scam na nag-aalok ng "premyo", "ayuda" nagpapanggap na kamag-anak, o kaya'y nagpapakilalang taga-bangko, courier, o opisyal ng gobyerno.

๐Ÿ›‘ Huwag magbigay ng personal na impormasyon tulad ng:

Buong pangalan
Address
OTP o verification code
Bank details

๐Ÿ’ก Tips para makaiwas sa scam:
โœ”๏ธ I-double check ang impormasyon
โœ”๏ธ I-report agad ang kahina-hinalang mensahe o tawag.
โœ”๏ธ Iwasang i-click ang mga link na galing sa hindi kilalang numero.
โœ”๏ธ Huwag padalos-dalos sa pag-reply o pagtanggap ng tawag.

๐Ÿ”’ Maging alerto. Maging ligtas. Protektahan ang sarili at ang inyong pamilya.

โ—โ— BABALA SA PUBLIKO โ—โ—

Ang kumakalat na mensaheng ito sa Facebook ay HINDI TOTOO o KONEKTADO sa DSWD.

Huwag magbigay ng inyong personal na impormasyon sa kung sino man. Palaging magberipika ng impormasyon, lalo na't laganap ang na gawa ng mga mapagsamantala indibidwal.

Para sa DSWD programs and services updates, i-like o i-follow ang official page ng Department of Social Welfare and Development - DSWD pati na rin ang opisyal na page ng DSWD Field Office 1.


๐ŸฆŸ ALERTO BARANGAY! PROTEKTAHAN ANG PAMILYA LABAN SA CHIKUNGUNYA! ๐ŸฆŸAng Chikungunya ay isang sakit na dala ng lamok na may...
17/05/2025

๐ŸฆŸ ALERTO BARANGAY! PROTEKTAHAN ANG PAMILYA LABAN SA CHIKUNGUNYA! ๐ŸฆŸ

Ang Chikungunya ay isang sakit na dala ng lamok na may sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng kasu-kasuan, at rashes. Tulad ng dengue, ito ay nakakahawa at maaaring magdulot ng matinding sakit sa katawan!

๐Ÿ’ก PAANO MAIIWASAN?
โœ… Linisin ang paligid โ€“ tanggalin ang tubig sa lumang gulong, bote, at paso
โœ… Gumamit ng kulambo at mosquito repellent
โœ… Panatilihing sarado ang mga bintana sa gabi
โœ… Magpausok o mag-fogging kung kinakailangan
โœ… Ireport agad sa health center kung may sintomas

๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ Bantayan ang kalusugan ng pamilya. Sama-sama nating sugpuin ang Chikungunya sa ating barangay!



๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—–๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€Bilang tugon sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DIL...
17/05/2025

๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—–๐—น๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€

Bilang tugon sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ukol sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa mga pampublikong daan, matagumpay na isinagawa ang Road Clearing Operation sa Barangay Payar matapos ang Halalan ngayong buwan ng Mayo 2025.

Ang operasyon ay naisakatuparan nang mapayapa at maayos.
Patuloy po ang pag-iikot at inspeksyon ng Barangay upang mapanatili ang kaayusan.




Schedule ng LIBRENG Anti-Rabies Vaccination May 21, 2025 | Wednesday | 09:00AM - 3:00 PM    ๐Ÿพ
16/05/2025

Schedule ng LIBRENG Anti-Rabies Vaccination
May 21, 2025 | Wednesday | 09:00AM - 3:00 PM

๐Ÿพ

06/09/2022

Republic Act No. 8750

The Act calls for the mandatory use of seat belts among passengers of all motor vehicles whether private or for hire, seated facing forward in the front row seats and those seated at the back row (passenger immediately behind the driver) of private cars, Sports Utility Vehicles (SUV) and for hire vehicles with running engine on any road or thoroughfare.

Drivers of "for hire" motor vehicles are required to immediately inform and require the front seat passengers upon boarding a vehicle of running engine to wear the prescribed seat belts. Any passenger who refuses to wear seat belts shall be directed to take another seat for which a seat belt is not required or else he/she shall not be allowed to continue his/her trip. In addition, he/she will be informed that no insurance can be recovered in case of accident.

Appropriate signage shall be posted on public or for hire vehicles.

Exempted from this law is a passenger or operator with a physically disabling ailment or medical condition which would prevent appropriate restraint in a safety belt. The condition should be duly certified by a licensed physician and surgeon or a licensed chiropractor who shall state the nature of the condition, and why the restraint is inappropriate.

Fines and penalties shall be imposed on failure to wear the prescribed seat belt and for allowing a child 6 years old and below to sit on the front passenger seat:

First Offense - One thousand pesos (Php 1,000.00)
Second Offense - Two thousand pesos (Php 2,000.00)
Third Offense - Five thousand pesos (Php 5,000.00) plus one (1) week suspension of driver's license counting from the payment of fine.

FAILURE TO POST APPROPRIATE SEAT BELT SIGNAGE (FOR PUV) AND FAILURE TO REQUIRE THE FRONT SEAT PASSENGER TO WEAR A SEATBELT.

For PUV's both the driver and operator are liable to pay the fine of three thousand pesos (Php 3,000.00) for every violation.







Address

Payar Barangay Hall
San Carlos City
2420

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Payar, San Carlos City, Pangasinan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share