29/12/2020
"HIGIT SA AKIN"
✍️ Mike Laurence Dolera
Sa tuwing sasagi ka sa isipan ko, sinta,
Ako'y napapangiti ng sobra,
Minsan inaalala ko,
Ang mga panahong masaya pa tayo,
Ang mga panahong puno ng tawanan,
Ang mga panahong puno ng kalokohan,
Ang mga panahong tayo'y nagmamahalan,
Ang mga panahong may ikaw at ako.
Ngunit nagbago na ang panahon,
ang ikaw at ako ay ala-ala na lamang at tanggap ko na hanggang doon na lang ang lahat at malabo ng bumalik ka pa sa tabi ko,
Sinubukan tayo ng tadhana at naging mahirap ang lahat para sa ating dalawa pero hindi mo 'to kinaya at ika'y lumisan na habang ako,
Andito mag isa dala-dala ang lahat ng ating kahapon.
Sa mga panahong kailangan mo ako sa tabi mo ay lagi akong ando'n para sa'yo pero no'ng ikaw naman ang kailangan ko ay bigla kang nawala at napunta sa iba,
Ikaw ay napagod na sa mga problema at away nating dalawa,
Hanggang sa nakahanap ka ng taong alam mo na mas higit sa akin at mas kaya kang pasayahin tinapon mo ang lahat na parang wala lang sayo ang pinag samahan nating dalawa.
Nung sinabi mo sakin na ikaw ay pagod na,
Alam kong yun na ang huling beses na makakausap kita,
At yun narin ang araw na sinabi mo sa'kin na meron ka ng iba.
Sinampal mo sakin kung gaano sya ka higit sakin at kung ano ang pinag kaiba namin at sa kaloob looban ko hinihiling ko na sana hindi mo nalang yun binanggit dahil sobrang sakit ang nadama ko,
Alam kong talo na ako,
Alam kong hindi na ako sapat sa'yo,
Alam kong nagkulang ako,
Alam kong nag kamali ako,
At alam kong hindi na ako mahal mo.
Ano bang laban ko sa taong mas higit sakin at sa taong kayang higitan ang lahat ng ginawa ko para sayo dahil kung hindi pa sapat ang aking mga nagawa wala na akong ibang mabibigay pa,
Minahal kita ng sobra at hindi kita iniwan sa mga panahong ikaw ang puno ng problema,
Mas inisip ko ang pagmamahal ko sayo kaysa mag hanap ako ng iba.
Sana maisip mo na andun ako sa panahong wala kang makakasama at hindi kita iniwan mag isa pero kahit ano pang gawin ko alam kong hindi ka na babalik pa,
Masakit mang isipin na habang pinapakilig ka ng iba 'eto ako lumalaban at umiiyak nang mag isa.