Sangguniang Kabataan- Barangay Magtaking, SCCP

Sangguniang Kabataan- Barangay Magtaking, SCCP Office of the Sangguniang Kabataan ng Brgy. Magtaking, San Carlos City, Pangasinan

11/04/2026

Dahil sa epekto ng patuloy na tensyon sa pagitan ng mga rehiyon at bilang pagtalima sa umiiral na pambansang kautusan, ang Lokal na Pamahalaan ay may ipapabatid na pagbabago sa kinaugaliang pagdiriwang ng city fiesta ngayong taon at mga direktiba kaugnay ng mga programa at kapistahan sa ating mga barangay bilang bahagi ng ating pagsusumikap na maibsan ang sitwasyon at bigyang prayoridad ang mga inisyatibong makakapagpabuti sa kalagayan ng bawat isa.

MANGO BAMBOO FESTIVAL 2026; Mula sa orihinal na nakaplanong dalawampu’t dalawang programa, ay anim na lamang ang matutuloy sa mga ito. Kabilang na diyan ang

1. Ms. San Carlos City 2026
2. Opening Parade and Mangga-wayan Streetdancing
3. Mass Wedding
4. Agew na Kalangwaran
5. Bamboohan ed Baley 2026
6. Grand Ball and Coronation Night.

Ang pagkansela sa labing anim na programa ng Mango Bamboo Festival 2026 ay pagtalima sa direktiba ng Malacañang upang makatipid ang gobyerno sa enerhiya na naglalayong makabawas ng nasa 70% sa kabuuang konsumo sa kuryente at korudo kumpara kung ito ay itutuloy. Nais din gawin ng Lokal na Pamahalaan na mas maging makabuluhan ang kanselasyong ito sa pamamagitan ng pagawa ng mga programang tatalima sa pangangailangan ng ating siyudad bilang paghahanda sa nagbabadyang mas matinding hinaharap ng ating bansa.

Sa kabila ng ilang pagbabago, nananatili pa rin ang ating hangaring bigyang-halaga ang diwa ng mga tradisyong ito. Kung kaya’t ang mga piling aktibidad na parte na ng ating tradisyon at mga aktibidad na nangangailangan sa pagtupad sa mga legal na pananagutan na nakapaloob sa ilang mga kasunduang nilakdaan ng Lokal na Pamahalaan bago pa man din ang deklarasyon ng “State of National Energy Emergency”, Executive Order No. 110, s. 2026. ay itutuloy.

Postponement of Barangay-Sancationed Non-Essential and Extravagant Events; Nakasaad din sa inilabas na utos ng Lokal na Pamahalaan ang pansamantalang pag postpone sa mga programa sa barangay kabilang na ang mga magarbong selebrasyon ng piyesta, mga liga (basketball, volleyball atbp.) at iba pang mga non-essential programs upang makatipid din ang mga barangay sa enerhiya, kurudo at pondo. Ang direktibang ito sa mga barangay ay pansamantala lamang at maaring mabago base sa sitwasyon natin sa pagdaan ng mga buwan sa pamamagitan ng pahintulot ng LGU o pagkansela ng utos na ito.

Para naman sa Lokal na Pamahalaan, ang REDUCED FIESTA na magaganap hanggang Abril 18 marahil ang huling malakihang progama na gaganapin para taong ito at lubos na tutuon sa ibang mga programang makakatulong para sa ating mga kababayan.

Hinihingi namin ang pang-unawa, suporta at pakikiisa ng mga minamahal naming mga kababayan sa pagkakataong ito. Bilang iisang komunidad tayo’y magkaisa at magdasal para sa kaligtasan ng bawat isa at sa kapayapaang ninanais ng buong mundo.

Maraming salamat po at nawa’y patuloy tayong magtulungan at magkaisa para sa mapayapa at maayos na bukas.

TARA! Enrol na! dahil sa ALS laging may PAG-ASA!Ikaw ba ay 12 taong gulang at pataas na hindi nakapagtapos ng Elementary...
11/04/2026

TARA! Enrol na! dahil sa ALS laging may PAG-ASA!
Ikaw ba ay 12 taong gulang at pataas na hindi nakapagtapos ng Elementarya?
o 16 na taong gulang at pataas na hindi nakapagtapos ng Hayskul?
Ito na ang pagkakataong hinihintay mo!
Maaari kang magpatuloy muli ng pag-aaral sa pamamagitan ng ALS!
Ang Alternative Learning System o ALS ay sangay ng DepEd na naglalayong magbigay ng LIBRENG PAG-AARAL sa mga Out of School Youth at Adult na hindi nakapagtapos ng Elementarya at Hayskul.
Para sa mga nais magpatala, mag-TEXT o TUMAWAG lamang sa numerong 09489433379.
Messenger/fb: pridas gid

Magandang araw po sa ating lahat.Kami po ay nananawagan sa sinumang nakakakilala sa babaeng nasa larawan. Siya po ay nag...
11/04/2026

Magandang araw po sa ating lahat.

Kami po ay nananawagan sa sinumang nakakakilala sa babaeng nasa larawan. Siya po ay nagngangalang Cristina Aquino. Ayon sa ulat, siya po ay sumakay ng bus at nagdulot ng abala sa mga pasahero. Sa kasalukuyan, siya po ay nasa San Juan Police Station sa La Union.

Ayon din po sa kanyang pahayag sa pulisya, siya raw po ay mula sa Magtaking, San Carlos City, Pangasinan.

Inaanyayahan po namin ang kanyang pamilya o kamag-anak na agad siyang masundo.

Please share this post to help reach her family as soon as possible.

10/04/2026

📢 ANUNSYO PARA SA LAHAT

Ipinapaalam ng SK Magtaking na magkakaroon ng libreng sakay sa e-trike ngayong araw para sa mga mamamayan na pupunta ng bayan at pabalik ng Magtaking.

Ang libreng sakay ay available sa mga sumusunod na oras: 8:00–11:00 AM at 1:00–4:00 PM.

Layunin ng programang ito na makatulong sa ating mga kababayan sa gitna ng tumataas na gastusin sa pamasahe dulot ng kasalukuyang sitwasyon.

Maraming salamat po.

04/04/2026

ADVISORY 📣

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 116, ipinatutupad ang sumusunod na work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayong Holy Wednesday, April 1, 2026 upang mabigyan ng sapat na panahon ang paggunita ng Maundy Thursday at Good Friday

Patuloy namang mag-ooperate ang mga ahensyang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo gaya ng kalusugan, kaligtasan, at disaster response.

Ang mga pribadong kumpanya ay hinihikayat na sundin ito ayon sa kanilang pagpapasya.

MISSING DOG. PLEASE SHARE 🐾Khloe, a 5-year-old dog with brown fur and black eyes, has been missing since January 11, 202...
12/01/2026

MISSING DOG. PLEASE SHARE 🐾

Khloe, a 5-year-old dog with brown fur and black eyes, has been missing since January 11, 2026.

She was last seen around Brgy. Ilang and Brgy. Magtaking, San Carlos City, Pangasinan.

Anyone who may have seen this dog or has relevant information is kindly contact 0915-777-1301.

Please help by sharing this post to reach more people. Thank you.

18/12/2025

LOST ITEM: Navy Blue na Wallet
Owner: SK Kagawad Nicole A. Roque

Kung sino man po ang nakapulot, pakibigay lang po sa Barangay Hall ng Magtaking. Need ko po yung National ID an ATM card ko po.

Please contact this number 09210736719 or kindly pm Nicole Roque. Maraming Salamat po!

Send a message to learn more

ingat po tayong lahat
08/11/2025

ingat po tayong lahat

Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 and 1 has been raised in different parts of the country, according to state weather bureau PAGASA's 11 AM bulletin on Nov. 8, 2025.

Filipinos in emergency situations will only need to dial one number—911—for urgent assistance, the Department of the Interior and Local Government (DILG) said regarding the launch of the Unified 911 system last September.

The department said the Unified 911 is a single hotline that replaces more than 30 local emergency numbers.

According to the DILG, the single hotline for police, fire, medical, or disaster response will now be routed through a single integrated network linking the Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, and local governments.

Read a related story: https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/958806/unified-911-emergency-hotline-system-is-now-live-dilg/story/⁩

08/11/2025
🌍 PAANO MANATILING LIGTAS SA LINDOL 🌍Ang lindol ay hindi natin alam kung kailan darating, kaya mas mabuting handa lagi! ...
05/10/2025

🌍 PAANO MANATILING LIGTAS SA LINDOL 🌍

Ang lindol ay hindi natin alam kung kailan darating, kaya mas mabuting handa lagi! 💪

🏠 BAGO ANG LINDOL:
🧰 Ihanda ang emergency kit (tubig 💧, pagkain 🍱, flashlight 🔦, first aid 🩹)
🏡 Siguraduhing matibay at ligtas ang bahay
🪑 I-secure ang mga mabibigat na gamit
👨‍👩‍👧 Magplano ng family emergency meeting place

⚡ HABANG LUMILINDOL:
🙇‍♀️ Drop, Cover, and Hold On
🚪 Lumayo sa bintana, salamin, at mabibigat na bagay
🚫 Huwag tumakbo palabas habang lumilindol
🏞️ Kung nasa labas, lumayo sa gusali at poste

🚨 PAGKATAPOS NG LINDOL:
🩹 Suriin kung may sugatan
🔥 Patayin ang gas at kuryente kung may sira
⚠️ Mag-ingat sa aftershocks
📻 Makinig sa balita at manatiling kalmado

🤝 Tandaan: Ang pagiging handa ay hindi nakakatakot, ito ay nakapagliligtas ng buhay! 🙏

Address

San Carlos City
2420

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan- Barangay Magtaking, SCCP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan- Barangay Magtaking, SCCP:

Share